PNP shows illustrations in Christine Dacera medico-legal report

by Arniel C. Serato
Jan 28, 2021
Christine Dacera death medico-legal report
PNP medico-legal report on Christine Dacera case: "Manner of death as homicide is ruled out in Dacera’s case because aortic aneurysm is considered a medical condition."
PHOTO/S: Courtesy: @xtinedacera on Instagram / 24 Oras

“Manner of death as homicide is ruled out in Dacera’s case because aortic aneurysm is considered a medical condition. Rape and/or drug overdose will not result to the development of aneurysm.”

Ito ang bahagi ng nakasaad sa latest medico-legal report na inilabas ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory na resulta ng kanilang eksaminasyon sa mga labi ni Christine Dacera.

Sa report na ipinasa ng PNP sa Makati City Prosecutor’s Office kahapon, January 27, idinetalye nila ang ginawang eksaminasyon kay Dacera.

Sa eksklusibong report ni Emil Sumangil sa 24 Oras ng GMA kahapon, ipinakita rito ang mga larawan sa mga tissue at organ samples na nakuha sa katawan ng yumaong flight attendant.

Makikita sa unang larawan ang descending aorta o malaking bahagi ng ugat sa puso kung saan kapansin-pansin ang sugat na naging sanhi ng aneurysm ni Dacera.

medico-legal report illustration on dacera case

Continue reading below ↓

Sa ikalawang larawan, ipinakita ang tissue sample sa bandang dibdib kung saan nakitaan ng blood clots sa paligid ng pumutok na ugat.

dacera case medico-legal report illustration

Makikita naman sa ikatlong larawan ang microscopic view ng aorta kung saan nagkaroon ng hemorrhage sa paligid nito.

dacera case medico-legal report illustration

Continue reading below ↓

Ang ikaapat na larawan ay ang microscopic view pa rin ng aorta kung saan ipinakita ang may sugat na bahagi na siyang sanhi ng pagdurugo.

dacera case medico-legal report illustration

Sa ikalima at ika-anim na larawan, ipinakita ang pagdurugo sa labas ng aortic wall ni Daceta.

Pirmado ni Dr. Joseph Palmero,Medico-Legal Officer ng PNP head office, ang mga ilustrasyon.

Continue reading below ↓

dacera case medico-legal report illustration

Sa konklusyon ng medico-legal report, natural at walang foul play sa pagkamatay ni Dacera.

Saad pa rito: “Based on available information on hand, the manner of death is classified as natural death."

NO MALE DNA SAMPLE FOUND

Kahit hindi kasama sa medico-legal report ng PNP, may source ang GMA News na nagsabing wala raw nakikitang ebidensiya ang crime lab para sabihing nagahasa ang namatay.

Continue reading below ↓

Wala rin daw lumabas na DNA ng lalaki sa mga swab na nakuha kay Christine.

Dahil sa bagong development na ito, nabuhayan ng pag-asa ang respondents sa kaso dahil lumalabas na walang krimeng nangyari.

Nauna nang sinampahan ng Makati PNP sa piskalya ng provisional rape with homicide ang labintatlong respondents sa Dacera case.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PNP medico-legal report on Christine Dacera case: "Manner of death as homicide is ruled out in Dacera’s case because aortic aneurysm is considered a medical condition."
PHOTO/S: Courtesy: @xtinedacera on Instagram / 24 Oras
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results