PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cindy Kurleto on Vic Sotto, Jericho Rosales

Cindy Kurleto sets record straight about Vic Sotto and ex-BF Jericho Rosales.
by Bernie V. Franco
Published Jan 28, 2021
Filipino-Austrian model/actress/VJ Cindy Kurleto (left) answers questions about rumored romance with Vic Sotto (right photo, top) and past relationship with Jericho Rosales (right photo, bottom).
PHOTO/S: @cindy_kurleto on Instagram / CTTO

Diretsahang sinagot ni Cindy Kurleto, 43, ang mga tanong na may kinalaman sa pagkakaugnay niya noon kina Vic Sotto at Jericho Rosales.

Si Cindy ay ang Filipino-German model/actress/host/VJ na nakilala sa Pilipinas noong early to mid-2000s sa bakuran ng ABS-CBN, pero mas nagtagal siya sa GMA-7.

Siya ang gumanap bilang si Cassiopeia sa orihinal na telefantasyang Encantadia, na sinundan ng Etheria, sa Kapuso network noong 2005.

Sa pamamagitan ng Instagram, nagpa-question-and-answer session si Cindy sa kanyang followers nitong January 27, 2021.

Hindi nag-atubili si Cindy na sagutin kahit ang mga personal na tanong, gaya ng naging ugnayan umano nila ni Bossing Vic at ng former boyfriend niyang si Jericho.

Tanong ng isang netizen: niligawan ba siya ni Vic noon?

Sagot ni Cindy: “No, Vic never courted me, I considered him a friend.

“We were both in happy relationships during the years we worked together.”

cindy kurleto and vic sotto

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkasama noon sina Vic at Cindy sa GMA-7 noontime show na Eat Bulaga, kung saan dalawang taon naging regular host si Cindy.

Naging magkatambal din sina Vic at Cindy sa Kapuso sitcom na Daddy Di Do Du.

Kalimitang inili-link noon si Vic sa mga babaeng artistang nakakatrabaho.

ON JERICHO ROSALES

Sinagot din ni Cindy ang tanong tungkol sa nakaraan nila ni Jericho.

Aniya, dalawang taon ang itinagal ng kanilang relasyon.

Si Cindy ang itinuturong dahilan noon kung kaya't naghiwalay umano sina Jericho at Kristine Hermosa.

Pag-amin pa ni Cindy, nakipaghiwalay siya noon kay Jericho para sa ibang lalaki.

Ang lalaking ito ang napangasawa niya—ang British Bajan businessman na si Daniel Joseph Navalia.

Ipinost pa ni Cindy ang mga larawan nila ni Echo kahit alam daw niyang hindi ito ikatutuwa ng isang tao.

Hindi niya tinukoy kung sino ang taong ito.

Ganito ang sagot ni Cindy: “almost 2 years, left him for the man who became the father of my children.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Someone somewhere will not like this post, but I’m not lying.”

cindy kurleto and jericho rosales

Sa ngayon ay masaya at pamilyado na ang mga taong naugnay kay Cindy.

Si Vic ay ikinasal kay Pauleen Luna noong 2016; mayroon silang isang anak.

Asawa naman ngayon ni Jericho ang model na si Kim Jones. Ikinasal sila noong 2014.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isang dekada nang kasal si Kristine Hermosa kay Oyo Sotto, anak ni Vic.

Samantala, naniniwala rin daw si Cindy sa pagsasabi ng totoo. At kung hindi pa handa, manatiling tahimik na lamang.

Marami pang ibang tanong na sinagot si Cindy, gaya ng kung nami-miss ba niya ang pagiging MTV VJ.

“Of course, But it wouldn’t be the same today,” sagot niya.

cindy as MTV VJ

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasalukuyang naninirahan sa Vienna, Austria si Cindy kasama ang asawa at dalawa nilang anak.

Noong 2020 ay bumalik siya sa Pilipinas para sa isang endorsement.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino-Austrian model/actress/VJ Cindy Kurleto (left) answers questions about rumored romance with Vic Sotto (right photo, top) and past relationship with Jericho Rosales (right photo, bottom).
PHOTO/S: @cindy_kurleto on Instagram / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results