Dacera family willing to spend millions to uncover "truth" behind Christine’s death

by Arniel C. Serato
Jan 29, 2021
Sharon Dacera Christine Dacera case
Christine Dacera's family believes that there was a foul play in flight attendant's death. Sharon Dacera (in photo), the grieving mother of Christine, shows pictures of her daughter's lower extremities with bruises in a media interview today, January 29.
PHOTO/S: Courtesy: GMA News on Facebook

Hindi pa rin inaalis ng pamilya Dacera ang posibilidad na may cover-up sa pagkamatay ni Christine Dacera.

Kahapon, January 28, kinuwestiyon ni Sharon Dacera, ina ni Christine, ang latest medico-legal report na inilabas ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory.

Sa panayam ng GMA News Online ngayong araw, January 29, sinabi ng tagapagsalita at abugado ng pamilya Dacera na si Atty. Brick Reyes na hihilingin nilang isailalim sa DNA examination ang lahat ng nakuhang specimens sa mga labi ni Christine sa National Bureau of Investigation (NBI)

Pahayag ni Reyes, "The Dacera family decided to insist on a DNA examination of all specimens mentioned by Dr. Palmero, of all organs allegedly examined inside the body of Christine.”

Ang tinutukoy ni Reyes ay si Dr. Joseph Palmero, ang Medico-Legal Officer ng PNP head office na nagsagawa ng pagsusuri sa bangkay ni Christine.

Dagdag pa niya, matutukoy raw ng DNA examination kung kay Christine ba talaga ang organ samples na ineksamin ng crime lab.

Continue reading below ↓

Saad pa ng abugado, "Malay mo, pinalitan ang mga organs dito.

“If we can establish that some organs are not the organs of Christine, then we have a different situation.

"That means to say mayroon nang kalokohan dito."

Sa hiwalay na ulat ng Balitaan ng CNN Philippines, sinabi ritong willing ang pamilya Dacera na gumastos ng milyon para lamang malaman ang katotohanan.

Bukas din daw silang hukayin muli ang mga labi ni Christine sa huling hantungan nito sa General Santos City para sa DNA examination.

Wala rin daw silang interes sa respondents. Ang nais lang daw nila ay mahanap ang katotohanan upang sa huli ay maisara na ang kaso ng pagkamatay ni Christine.

A POSSIBLE COVER-UP?

Imposible rin daw na lumaki ang puso ni Christine dahil sa medical examination nito sa PAL, napatunayan doon na normal ito.

Nakasaad sa latest medico-legal report ng PNP, namatay si Christine dahil sa ruptured aortic aneurysm dulot ng pagtaas ng blood pressure nito.

Continue reading below ↓

Hindi rin daw normal ang laki ng puso nito.

Saad ni Atty. Reyes sa GMA News Online report, "Hindi maaari na mayroon siyang enlarged heart, otherwise lumabas na yun sa medical examination ng Philippine Airlines.

"Mayroon kaming kopya dito ng kaniyang medical examination sa PAL.

"The PAL medical examination states heart, normal. No hypertension.

"So, walang ebidensiya na may enlarged heart... Paano mag-enlarge heart ang 23-year-old flight attendant traveling 30,000 feet above sea level, four times a day?"

Kaya naniniwala silang may cover-up sa imbestigasyon sa kaso ni Christine.

Dagdag pa niya, "Palagay namin, [may] cover-up na naman dito.

"I think a lot of people will be involved if we can confirm through the DNA results that these are not specimens from the body of Christine."

Nanindigan din sila sa kanilang paniniwalang may foul play sa pagkamatay ni Christine kahit nakasaad sa medico-legal report na natural causes ang dahilan ng pagkamatay nito.

Continue reading below ↓

Patunay raw ang mga sugat at pasa sa ibabang bahagi ng katawan ni Christine na maaaring nakuha dahil nanlaban daw ito.

Sabi ni Reyes, "Naniniwala sila [family] na there was drugs and sexual molestation of Christine.”

Na-rule out din sa medico-legal report na walang droga sa New Year's Eve party dahil ang white substance na nakuha sa Room 2209 ng City Garden Grand Hotel sa Makati ay asin lamang.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christine Dacera's family believes that there was a foul play in flight attendant's death. Sharon Dacera (in photo), the grieving mother of Christine, shows pictures of her daughter's lower extremities with bruises in a media interview today, January 29.
PHOTO/S: Courtesy: GMA News on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results