PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pia Wurtzbach admits to having asymmetrical eyes

“Di niyo ba napansin yun?”
Published Jan 29, 2021
Pia Wurtzbach asymmetrical eyes
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach on Friday, January 29, uploads a micro-vlog on Instagram Stories where she answers some random questions from fans, including from those who noticed her eyes' imperfection.
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram

Aminado si Pia Wurtzbach na mayroong imperfection ang kanyang mga mata.

Kinumpirma ng 31-year-old beauty queen-actress ang napapansin ng kanyang fans na “hindi talaga pantay” ang mga mata niya.

Nabanggit ito ng Miss Universe 2015 winner sa kalagitnaan ng kanyang micro-vlog, na in-upload niya sa Instagram Stories nitong Biyernes ng madaling-araw, January 29.

Kasalukuyang nasa Morocco si Pia, kasama ang boyfriend niyang si Jeremy Jauncey.

Sa micro-vlog, ipinakita ni Pia sa kanyang 11.7 million Instagram followers kung paano niya nairaraos ang maghapon habang naroroon siya sa Morocco.

Nakita sa vlog na sinimulan ni Pia ang kanyang araw sa pagwo-workout, habang umalis naman si Jeremy para magtrabaho.

Pagkatapos, nakibahagi si Pia sa Zoom meeting sa mga kinatawan ng isang international non-profit organization na kanyang tinutulungan.

Pagkatapos mag-lunch kasama si Jeremy, balik sa “work mode” si Pia.

Inatupag naman niya ang pagsagot sa mga email at sa direct messages sa social media, kasabay ng “planning” sa isang bagong project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago mag-dinner, nagawa pa ni Pia na ilibot ang kanyang followers sa El Fenn, ang luxury boutique hotel sa Marrakech, kung saan sila nakatuloy ni Jeremy.

“NGAYON NiYO LANG BA NAPANSIN?”

May bahagi rin sa vlog na kaswal na sinagot ni Pia ang ilang pag-uusisa ng kanyang fans.

Tulad nang ibida ng beauty titlist-actress ang kalidad ng suot niyang personalized gold necklace matapos mapansin ng ilang netizens ang ganda nito.

Nakangiting sinisipat ni Pia ang sariling mukha sa camera habang suot ang necklace nang may bigla siyang naalala.

Sabi ni Pia: “Isa pa nga pala… ganito talaga yung mata ko, guys.”

Natatawa at bakas sa mukha ni Pia na hindi siya makapaniwalang ngayon lang napansin ng kanyang fans na mayroon siyang asymmetrical eyes.

“Di niyo ba napansin yun? Ngayon niyo lang ba napansin?”

Inilapit ng Miss Universe 2015 winner ang kanyang mata sa camera.

Natatawang bulalas niya: “Hindi talaga siya pantay!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

pia posts close-up of her on ig story

“PERFECTLY NORMAL”

Ayon sa isa sa top medical websites na healthline.com, “perfectly normal and rarely a cause for concern” ang pagkakaroon ng hindi pantay ang sukat o hindi magka-align na mga mata.

“Very common” daw ang hindi pagpapantay ng mga bahagi ng mukha ng tao at “having perfectly symmetrical facial features is not the norm.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bagamat “noticeable” ito para sa taong may facial asymmetry, “uneven eyes are rarely noticeable to others,” ayon pa rin sa healthline.com.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach on Friday, January 29, uploads a micro-vlog on Instagram Stories where she answers some random questions from fans, including from those who noticed her eyes' imperfection.
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results