Ellen Adarna, son join Derek Ramsay's group in Batangas resort

by Bernie V. Franco
Jan 29, 2021
Ellen Adarna brings her two-year-old son in a beach trip for a mom-and-son bonding. The group also includes Derek Ramsay and their common friends. Ellen and Derek are being romantically linked but clarified that they are just friends and neighbors.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna on Instagram / YouTube

Mukhang mas nagiging close ang neighbors na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay simula nang mapaulat ang pagba-bonding nila ilang linggo na ang nakalilipas.

Patunay nito ang pagsama ni Ellen at ng kanyang two-year-old son na si Elias Modesto sa grupo nina Derek sa Solitude Acacia Resort sa Anilao, Batangas.

Base sa mga nagsilabasang larawan at videos, kitang enjoy si Ellen sa company nina Derek.

Nagsilbing pagkakataon din ito para mag-bonding sina Ellen at Elias, anak ng aktres sa dating live-in partner na si John Lloyd Cruz.

Bitbit din ni Ellen ang kanyang dalawang malapit na kaibigan.

Kahapon, Huwebes, January 28, ipinost ni Ellen sa kanyang Instagram Stories ang video ng tila inuman nila nina Derek at iba pa sa may poolside ng tinuluyang resort.

Caption ni Ellen: “Negative is a positive.”

Posibleng ang ibig sabihin ni Ellen ay ang negative test result sa COVID test ay nangangahulugang positibo para magkaroon ng kasiyahan.

Continue reading below ↓

ellen adarna ig story with derek ramsey

Sa iba pang videos at larawan na na-post sa social media ay hindi magkasama sina Ellen at Derek.

Halimbawa, nag-post ng video ang pamangkin ni Derek nang mag-hiking sila. Kasama sa video si Ellen, pero wala ang aktor.

Nag-post ng video si Derek na kasama ang pamangkin, pero wala si Ellen.

Continue reading below ↓

ellen and derek IG stories

Si Ellen, may mga video na kuha sa kanilang hiking kasama ang dalawa niyang kaibigan, pero hindi tampok ang grupo ni Derek.

Samantala, nag-post ng videos si Ellen habang naliligo sila ng kanyang anak sa swimming pool, kasama ang dalawang kaibigan ng aktres.

Indikasyong bagamat nasa iisang grupo, may kanya-kanyang oras sina Ellen at Derek kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Continue reading below ↓

ellen adarna ig stories with son

Mayroon ding mga post ang kanilang mga kasamahan sa outing na parehong naka-tag sina Ellen at Derek.

ellen and derek

Continue reading below ↓

WHEN ELLEN AND DEREK STARTED GETTING LINKED

Nagsimula ang pagiging malapit ng dalawa nang imbitahan ni Derek sina Ellen, Ruffa Gutierrez, at John Estrada sa kanyang bahay noong January 11, 2021.

Napag-alaman kasi nina Derek at Ellen na nakatira sila sa parehong street sa isang village sa Ayala, Alabang.

Pagkatapos nito ay napadalas na ang kanilang bonding.

Naging kaibigan na rin ni Ellen ang mga kaanak at non-showbiz friends ni Derek. Kita rin ito sa kulitan nila sa social media.

Earlier this week, ipinost pa ni Ellen ang pagwo-workout nila ni Derek sa bahay ng aktor. Ni-repost ito ni Derek sa kanyang Instagram Story.

Nabigyang-kulay ang pagiging magkaibigan ng dalawa, pero nilinaw nilang magkaibigan lang ang kanilang turingan.

Nang i-post ni Ruffa ang photos at videos nina Ellen at Derek nang mag-bonding, nanukso pa si Ruffa na “bagay” ang dalawa.

Si Derek, hindi raw niya naisip na bibigyang kulay ang bonding kasama si Ellen.

Continue reading below ↓

Si Ellen naman, binanggit sa isang comment sa social media na hindi si Derek ang gusto niya.

Sa kabila nito, hindi pa rin sila tinantanan lalo’t nabuking na nasa bahay ni Derek si Ellen nang gawin noong January 18 ang virtual presscon ng TV5 sitcom nina Ellen at John Estrada—best friend ni Derek.

Nagpaliwanag si Ellen na inanyayahan siya ni Derek na mag-dinner sa bahay nila.

Sa virtual presscon, makahulugan ang mga binitawang salita ni John kaugnay ng kung anumang namamagitan kina Ellen at Derek ngayon.

"Ellen and Derek, they’re not stepping on anybody’s toes so I don’t see any problem there. They’re both single and they deserve to be happy," sabi ni John tungkol sa dalawang kaibigan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna brings her two-year-old son in a beach trip for a mom-and-son bonding. The group also includes Derek Ramsay and their common friends. Ellen and Derek are being romantically linked but clarified that they are just friends and neighbors.
PHOTO/S: @maria.elena.adarna on Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results