Hindi inakala ni Cindy Kurleto, 43, na ang pagsagot niya tungkol sa matagal na isyung ikinakabit sa kanya ay mamasamain ng ilang netizens.
Akala raw niya ay magkakaroon na ng katahimikan kapag sinagot niya ang isyung matagal nang idinidikit sa kanya.
Pero mali siya ng inakala.
Noong nakaraang linggo, nagkaroon ng question-and-answer (Q&A) session si Cindy sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story.
Sari-saring tanong mula sa netizens ang sinagot niya, kabilang ang tungkol sa pag-uugnay sa kanila noon ni Vic Sotto at ang dating relasyon nila ni Jericho Rosales.
Nilinaw ni Cindy na hindi siya niligawan ni Vic, at kaibigan lang ang turing niya sa Eat Bulaga! host.
Naging regular co-host sa Eat Bulaga! si Cindy noong mid-2000. Umalis siya sa programa noong 2007.
Inamin din ni Cindy na iniwan niya noon si Jericho para sa ibang lalaki, na ngayon ay asawa na niya.
Ipinost din niya ang throwback photos nila ni Jericho.
Nabanggit pa ni Cindy na tiyak siyang may “someone” na hindi matutuwa sa pagpo-post niya ng mga larawan nila ni Jericho, pero gusto lang daw niyang patunayang hindi siya nagsisinungaling.
CINDY kurleto REGRETS ANSWERING QUESTION
Ngayong weekend ay nag-post ng statement si Cindy sa Instagram Story. Binanggit niyang nakaranas siya ng pambu-bully mula sa netizens.
Lumalabas na binalikan siya ng netizens nang sagutin niya ang mga tanong sa Instagram.
Hindi malayong ito ang tungkol sa isyu kay Vic o ang dating relasyon nila ni Jericho.
Post ni Cindy nitong Linggo, January 31: “It’s probably true: I should’ve never answered that forever reoccurring, pesky question.
“Silly to think I could make it go away by answering very clearly.”
Ang ikinaiinis daw ni Cindy, hindi pa rin matigil-tigil ang isyung ito kahit na hindi na siya aktibo sa showbiz.
“But bullying me for speaking my truth, is not okay.
“My tone reflects my annoyance at how this topic won’t rest, not because I’m unhappy with the choices I made.”
Kaya naman sa mga sumunod niyang Instagram Stories ay tungkol sa kanyang pamilya ang mga post niya.
“Hence why I dedicate today’s stories to celebrating my life and my family.
“Happy Sunday.”

Si Cindy ay naging aktibo sa local showbiz noong 2000s; tumagal ang kanyang career ng tinatayang apat o limang taon.
Nakilala siya bilang host at MTV VJ.
Pinasok din niya ang pag-arte sa telebisyon. Kabilang sa mga naging proyekto niya ay ang Encantadia, Etheria, at sitcom na Daddy Di Do Du.
Nang iwan niya ang showbiz, ikinasal si Cindy kay Daniel Joseph Navalia, isang British Bajan businessman.
Nanirahan sila sa Peru sa loob ng isang dekada bago sila lumipat sa Vienna, Austria, ang hometown ni Cindy.
Mayroon silang dalawang anak na babae.
