Derek Ramsay finds Ellen Adarna’s photos with son “so cute”

by Bernie V. Franco
Feb 1, 2021
Derek Ramsay (left) and Ellen Adarna (right) actively interact on social media despite being together in a recent Batangas trip. The two are with friends, and Ellen even brought her two-year-old son. (Center) Derek and Ellen being cozy at a dining table.
PHOTO/S: @ramsayderek @maria.elena.adarna on Instagram

Nagkaroon ng pagkakataon sina Derek Ramsay at Ellen Adarna na mag-bonding nang magpunta sila sa isang Batangas resort noong nakaraang linggo.

Kasama ni Derek ang kanyang mga kaanak at mga kaibigan, na naging kaibigan na rin ni Ellen.

Bitbit naman ni Ellen si Elias Modesto, ang kanyang two-year-old son sa dating live-in partner na si John Lloyd Cruz, at ilang kaibigan.

Bago ang trip na ito ay naging madalas ang bonding time nina Ellen at Derek, na “neighbors” sa isang village sa Ayala Alabang.

Kahit sa social media, aktibo sila sa palitan ng mensahe.

DEREK COMMENTs ON ELLEN’S POSTs with son

Bagamat magkasama sila sa isang resort sa Anilao, Batangas, masipag pa rin sina Ellen at Derek sa pag-i-interact sa kani-kanilang Instagram accounts.

Magkasunod ang comments ni Derek sa ilang recent posts ni Ellen na kuha mula sa kanilang Batangas trip.

Ipinost ni Ellen ang underwater shots nila ni Elias sa swimming pool.

Continue reading below ↓

Komento ni Derek: “So cute.”

instagram post: ellen adarna with son underwater

derek ramsay replies to ellen photo

Continue reading below ↓

Nagkomento rin ang aktor sa ipinost na larawan ni Ellen kasama si Elias at isang kaibigan habang pinapanood ang sunset.

Base sa sagot ni Ellen sa komento ni Derek ay mahihinuhang may inside joke na ang dalawa.

Komento ni Derek: “Triggers @maria.elena.adarna great photo!”

Reply ni Ellen: @ramsayderek08 hahahhaahaha dont push that button!!!!!!!!!!”

instagram photo: ellen instagram photo with son under the sunset

Continue reading below ↓

instagram comment: derek replies to ellen

instagram comment: ellen replies back to derek

Continue reading below ↓

Ni-like naman ni Ellen ang video post ni Derek na tumalon sa swimming pool para habulin ang frisbee.

instagram photo: ellen likes derek ig video

Kita ring magkasama sina Ellen at Derek sa ilang mga kuhang larawan.

Nag-post ng video si Ellen kasama si Derek pagsapit ng gabi habang sila ay nagkakasiyahan.

Isang kasamahan naman nila ang nag-post ng larawan kung saan makikitang nakahawak si Derek sa likuran ni Ellen habang kumakain.

Continue reading below ↓

ellen and derek

instagram story: ellen, derek with other friends

Continue reading below ↓

NETIZENS' MIXED REACTIONS

Iba-iba ang reaksiyon ng netizens.

May mga natuwa at kinikilig sa dalawa na pareho ngayong single.

Pabor sila kung sakaling lumalim ang relasyon ng dalawa.

instagram comment: netizen happy for ellen and derek

instagram comment: netizen rooting for ellen and derek

Continue reading below ↓

Samantala, meron ding hindi masaya sa tila lumalalim na samahan ng dalawang showbiz personalities.

May mga nagbabala kay Ellen na mag-ingat kay Derek.

instagram comment: netizen warns ellen about derek

instagram comment: netizen warns ellen about derek

Continue reading below ↓

instagram comment: netizen mocks ellen and derek past relationships

Hindi pa rin tumitigil ang iba na patuloy ang batikos kay Derek na inaakusahan nilang babaero.

Kung anu-anong paratang ang ibinabato nila kay Derek mula nang kumpirmahin nito at ni Andrea Torres ang kanilang paghihiwalay noong nakaraang taon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay (left) and Ellen Adarna (right) actively interact on social media despite being together in a recent Batangas trip. The two are with friends, and Ellen even brought her two-year-old son. (Center) Derek and Ellen being cozy at a dining table.
PHOTO/S: @ramsayderek @maria.elena.adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results