Did Bea Alonzo, Dominic Roque just hint at spending time together at Amanpulo?

by Rachelle Siazon
Feb 2, 2021
Netizens can't help but wonder if Bea Alonzo and Dominic Roque are starting the love month with a romantic getaway. The two have posted selfies from what appears to be a joint trip to Amanpulo.
PHOTO/S: @beaalonzo / @dominicroque Instagram

Hindi pa man Valentine's Day ay nauna nang magpakilig ang rumored couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Ito ay matapos mapansin ng mapanuring netizens na tila magkasama ang dalawa na nagbabakasyon ngayon sa Amanpulo, isang luxury resort sa Pamalican Island sa Palawan.

Lunes, February 1, may Instagram Stories si Bea na nagpapakita ng video clips ng paglapag ng sinasakyan niyang eroplano sa isang private island.

May video rin siya ng sunset view sa tabing-dagat.

bea alonzo and dominic roque matching instagram photos

Continue reading below ↓

February 1 din nang mag-post si Dominic via Instagram Story ng kanyang selfie video sa tabing-dagat bandang dapit-hapon.

instagram story: dominic roque post selfie by the beach

Nitong Martes ng umaga, February 2, may magkahawig ulit na social media posts sina Bea at Dominic.

Si Bea ay may kuha ng beach view kunsaan matatanaw ang isang bundok sa di kalayuan.

Continue reading below ↓

Kita ang mga paa niya sa litrato at halatang nakahiga siya sa isang beach lounge chair.

Maiksing caption ni Bea sa kanyang Instagram Story, "Good morning!"

instagram story: bea alonzo posts beach photo

Isang oras lang ang pagitan nang mag-post naman si Dominic sa mismong Instagram feed niya.

Dito ay makikita na ine-enjoy niya ang pagbabasa ng libro habang nakatanaw sa beach view na parehong-pareho ng ipinost ni Bea.

Continue reading below ↓

Caption ni Dominic, "Goodmorning..."

instagram photo: dominic roque posts similar beach photo

NETIZENS KILIG OVER BEA AND DOMINIC'S MATCHING POSTS

Sa comments section, panay ang tanong ng netizens kay Dominic kung nasaan si Bea.

Tanong ng isang netizen, "Asan si bea?enjoy papa doms!!!"

Sagot ng isa pang commenter, "Nasa tabi nya."

instagram comment: netizens ask dominic about bea

Continue reading below ↓

Hindi raw maitatangging magkasama ang dalawa base sa kanilang magkahawig na mga litrato.

Sabi ng ibang netizens, "Together sila if u look at bea story :)"

instagram comment: netizens speculate if bea and dominic are together

instagram comment: netizens connect bea and dominic matching beach photos

Continue reading below ↓

Ang Instagram Story ay 24 hours lamang viewable ng Instagram followers ng isang online user, maliban na lang kung ilagay ito sa highlights section ng Instagram.

Tanging ang may-ari ng account lang din ang makakakita kung may natatanggap man itong private messages bilang komento sa Instagram Story nito.

Pero kahit wala pang post sina Bea at Dominic na nagpapakitang magkasama sila sa picture o sa video, kumbinsido ang netizens na magkasama silang nagbakasyon sa Amanpulo.

instagram comment: netizens assume that bea and dominic are together in amanpulo

Continue reading below ↓

instagram comment: netizens assume that bea and dominic are together in amanpuloinstagram comment: netizens assume that bea and dominic are together in amanpulo

Continue reading below ↓

May mga nanukso pang napaaga ang selebrasyon ng Valentine's Day ng rumored couple.

instagram comment: netizen teases bea and dominic

netizen teases bea and dominic

Continue reading below ↓

Tingin din ng netizens ay direktang kumpirmasyon na lang ang kulang mula kina Bea at Dominic, pero mahihinuha raw na may pagtatangi ang mga ito sa isa't isa.

instagram comment: netizens get kilig with bea alonzo and dominic matching photos

PREVIOUS HINTS FROM BEA alonzo AND DOMINIC roque

Unti-unti na rin namang nagiging bukas si Bea tungkol sa pagiging malapit ni Dominic sa kanya.

Continue reading below ↓

Noong January 23 ay inamin ni Bea na si Dominic ang nasa recent log ng kanyang video calls.

Alam ni Bea na may fans na bumuo ng uniname na "BeaDom" o Bea at Dominic.

Base rin ito sa vlog ni Bea kunsaan may komento ang aktres na may natanggap siyang direct message mula sa isang BeaDom Instagram account.

October 2020 pa nang unang aminin ni Bea na "dating" ang kanyang relationship status.

At nito namang January 2021, nasabi ni Bea na si Dominic ang tipo niyang "jojowain" at hindi "totropahin" lang.

Sa parte ni Dominic, dati na niyang ipinahiwatig sa social media na may pagtatangi siya kay Bea.

Noong January 6, nag-post si Dominic ng kuha ng matching white sneakers nila ng ka-date niya sa isang Japanese restaurant sa Taguig.

Natukoy ng mapanuring netizens na si Bea ang kasama ni Dominic, base sa kahawig Instagram post ni Bea na kuha rin sa parehong restaurant.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens can't help but wonder if Bea Alonzo and Dominic Roque are starting the love month with a romantic getaway. The two have posted selfies from what appears to be a joint trip to Amanpulo.
PHOTO/S: @beaalonzo / @dominicroque Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results