Cherry Lou, 38, reveals relationship with GMA actor Phytos Ramirez, 25

by Bernie V. Franco
Feb 2, 2021
Age does not matter for celebrity couple Cherry Lou and Phytos Ramirez. In a previous Instagram post, Cherry Lou said this to Phytos: Thank you for deciding that i am the person that u put all ur effort and energy into. Thank you for always giving everything u got into us..i love you.”
PHOTO/S: @ms.cherrylou on Instagram

Hindi naging hadlang sa pagmamahalan ng singer-actress na si Cherry Lou at ng Kapuso actor na si Phytos Ramirez ang malaking agawat ng kanilang edad.

Labintatlong taon ang tanda ni Cherry Lou, 38, kay Phytos, 25.

Sa pamamagitan ng social media, ipinagsigawan ng dalawa ang kanilang relasyon.

Hindi tiyak kung gaano na katagal ang relasyon nila, pero nagsimulang magbigay ng pahiwatig si Cherry Lou tungkol dito noong September 2020.

Nag-post siya sa Instagram ng larawan ng magka-holding hands na mga kamay na nasa loob ng kotse.

Ang tanging caption niya rito ay emojis: dalawang blue hearts at isang monkey na tinatakpan ang bibig.

instagram photo: cherry lou and phytos ramirez holding hands

Tuloy-tuloy ang mga post ni Cherry Lou tungkol sa lalaking nagpapatibok ng kanyang puso, pero sinadya niyang hindi muna ito ipakilala.

Pero bakas sa kanyang mga caption kung gaano niya kamahal ang mystery guy.

Hanggang sa tuluyan na niyang ipakita ang screenshots ni Phytos mula sa kanilang video call noong December 10, 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binanggit ni Cherry Lou na constant ang pag-uusap nila ni Phytos sa kabila ng pandemic.

Bahagi ng caption ng aktres: “Thank you for deciding that i am the person that u put all ur effort and energy into. [three hearts emojis]

“Thank you for always giving everything u got into us..i love you”

instagram photo: cherry lou post phytos selfies

Ipinost naman ni Cherry Lou ang picture nilang dalawa ni Phytos nang salubungin nila ang New Year noong December 31, 2020.

Nagsilbi ring double celebration ito dahil nagdiwang ng kanyang 38th birthday si Cherry Lou noong December 30.

Ganito ang caption ng aktres: “Another year is about to start and I am excited to be able to welcome it next to you.”

Samantala, mas matipid naman sa Phytos sa pagpo-post ng mga larawan nila ni Cherry Lou.

Pero noong December 30, 2020 ay nag-post siya ng solong larawan ni Cherry Lou para sa kanyang birthday greeting.

Ngayong Martes, February 2, may Instagram Story si Phytos bilang deklarasyon ng kanyang pagmamahal kay Cherry Lou.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Base sa post ni Phytos ay pangmatagalan ang nais niya sa kanyang pakikipagrelasyon.

Ganito ang caption ng Kapuso actor: “I date to marry. Not to date for one or three years and break up.

“That’s why I’m willing to fight for anything to keep the relationship going”

Naka-tag sa post ni Phytos si Cherry Lou.

instagram story: phytos posts quote and tagging cherry lou

PHYTOS ramirez AND CHERRY LOU

Si Phytos ay aktor mula sa GMA Network at bahagi ng GMA Artist Center.

Kabilang sa kanyang recent projects ay ang The Lost Recipe, Madrasta, My Special Tatay, Contessa, at Alyas Robin Hood.

Si Cherry Lou naman ay singer-actress na lumabas sa maraming TV projects sa ABS-CBN.

Ilan sa pinakahuling TV projects ni Cherry Lou ay para sa Kapamilya drama anthologies gaya ng Ipaglaban Mo at Maalaala Mo Kaya.

Naging parte rin siya ng Kapamilya primetime series na Pangako Sa ‘Yo ng KathNiel noong 2015.

Noong 2007 ay ikinasal si Cherry Lou sa Star Magic batchmate na si Michael Agassi, nakababatang kapatid ni Carlos Agassi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pamamagitan ng Instagram, inanunsiyo ni Michael ang paghihiwalay nila ni Cherry Lou noong 2019.

Mayroon silang tatlong anak.

cherry lou and ex-husband michael agassi

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Age does not matter for celebrity couple Cherry Lou and Phytos Ramirez. In a previous Instagram post, Cherry Lou said this to Phytos: Thank you for deciding that i am the person that u put all ur effort and energy into. Thank you for always giving everything u got into us..i love you.”
PHOTO/S: @ms.cherrylou on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results