Manilyn Reynes's father passes away

by Arniel C. Serato
Feb 2, 2021
Manilyn Reynes father died
Manilyn Reynes posts her goodbye message, in Cebuano, to her father Nelson who passed away today, February 2: "Wa nay sakit ug ka-lisud para kanimu. Pinangga kaayo ta ka. [Wala ng sakit at hindi ka na mahihirapan pa. Mahal na mahal kita.]"
PHOTO/S: Courtesy: @manilynreynes27 on Instagram

Pumanaw na ang ama ng aktres na si Manilyn Reynes ngayong Martes, February 2.

Sa pamamagitan ng Instagram, inanunsiyo ni Manilyn ang pagpanaw ng kanyang amang si Nelson Reynes.

Mensahe niya sa salitang Cebuano: “Pahuway na, Dy. Wa nay sakit ug ka-lisud para kanimu. Pinangga kaayo ta ka.

“Namu nilang Aljohn, Kyle, Kirk ug Kael. Love you very much. We all love you very much.”

(Pahinga na, Dy. Wala ng sakit at hindi ka na mahihirapan pa. Mahal na mahal kita. Naming lahat nina Aljohn, Kyle, Kirk, at Kael.)

Noong Biyernes lamang, January 29, nanawagan pa ang Pepito Manaloto star sa kanyang followers ng taimtim na dasal para sa ama.

Apela ng aktres, “Please help us pray for Daddy.
Salamat po. #prayersfordaddynelson

Kasama sa kanyang post ang talata sa Isaiah 41:10 ng Bibliya.

Nakasulat dito: “So do not fear, for I am with you: do not be dismayed for I am your God.

Continue reading below ↓

“I will strengthen you and help you: I will uphold you with my righteous right hand.”

Matagal nang nakaratay sa banig ng karamdaman ang ama ni Manilyn.

Noong October 2019, naantig ang maraming netizens sa Instagram video na ibinahagi ni Manilyn kung saan mapapanood dito ang pag-awit nila ng inang si Mommy Louching kay Daddy Nelson.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manilyn Reynes posts her goodbye message, in Cebuano, to her father Nelson who passed away today, February 2: "Wa nay sakit ug ka-lisud para kanimu. Pinangga kaayo ta ka. [Wala ng sakit at hindi ka na mahihirapan pa. Mahal na mahal kita.]"
PHOTO/S: Courtesy: @manilynreynes27 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results