Markus Paterson, Janella Salvador coming home soon with their baby

by Bernie V. Franco
Feb 2, 2021
Markus Paterson confirms in a virtual chat that he and partner Janella Salvador will be coming back to the Philippine really soon. (Right photo) Recent photo of Janella and Markus together with their baby Jude, Jenine Desiderio (Janella's mom) and Russell, Janella's younger brother.
PHOTO/S: @markus and @j9desire on Instagram

Nalalapit na ang pag-uwi nina Markus Paterson at Janella Salvador sa Pilipinas.

Siyempre pa, kasama na ang kanilang three-month-old baby na si Jude.

Ang showbiz couple ay kasalukuyang nasa United Kingdom, ang bansa kung saan lumaki si Markus.

Ibinalita ni Markus na malapit na silang bumalik ni Janella sa Pilipinas sa Kapamilya Confessions chat ngayong Martes ng hapon, February 2.

Ang virtual chat ay dinaluhan ng cast ng upcoming movie na Hello Stranger The Movie, kung saan kasama si Markus.

Nagtanong ang isang netizen kung nasa Pilipinas na ba sina Markus at Janella.

“No. Nasa U.K. pa kami. Pero malapit na kaming umuwi. Malapit na malapit na,” maiksing tugon ni Markus.

Consistent ang pahayag ni Markus sa recent post ni Jenine Desiderio, ina ni Janella na kasama nila sa U.K.

Sabi ni Jenine, uuwi na sila sa mga susunod na araw matapos ang pamamalagi sa U.K. ng ilang buwan.

Kahapon, Lunes, nag-post si Jenine sa Instagram ng before-and-after photos ng backyard ng kanilang tinitirhan.

Continue reading below ↓

Ang una ay ang larawan ng backyard na may petsang September 2020. Ito rin ang petsa ng pagdating sa U.K. ni Jenine kasama ang 10 anyos na anak na si Russell.

Ang pangalawa ay ang recent photo ng backyard na balot ng snow.

Sa caption, binanggit ni Jenine na magkahalo ang kanyang nararamdaman dahil sa nalalapit nilang pag-uwi sa Pilipinas.

Limang buwan din kasi ang inilagi niya sa U.K. para bantayan at alagaan si Janella hanggang sa ito'y makapanganak.

Katuwang din ang seasoned singer-actress sa pag-aalaga sa kanyang apo.

Sabi ni Jenine: “In a few days, i will be saying goodbye to my morning view for the past 5 months while making breakfast & washing the dishes. #seasons #mixedfeelings”

instagram photo: jenine desiderio life in UK

Continue reading below ↓

Winter ngayon sa U.K., at may mga ipinost ding larawan sina Janella at Markus na nagpapakita ng niyebe sa kanilang kinaroroonan.

May pahiwatig din si Janella na gusto na niyang umuwi.

Ipinost niya last week ang isang larawan na tila kuha sa bahay niya sa Pilipinas.

Makikita ang alagang pusa na nakatingin sa labas ng glass wall. Kita naman sa labas ang mayabong at berdeng halaman.

Caption ni Janella: "I miss waking up to this view. I miss home."

instagram photo: janella salvador in UK

Continue reading below ↓

JANELLA’S SECRET PREGNANCY

Pagpasok ng Bagong Taon, January 5, inamin na sa wakas nina Janella at Markus ang pagkakaroon nila ng anak.

Bago ito, August 2020 pa lamang ay umugong na ang balitang buntis si Janella.

Pero nanatiling tikom ang kanilang bibig hanggang sa pagpasok ng 2021.

September 2020, kinumpirma ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na buntis ang Kapamilya actress at nakatakda siyang manganak ng October 2020.

Lumakas ang hinalang buntis nga si Janella sa pagtulak ng inang si Jenine sa U.K. sa gitna ng pandemya.

Tumuloy sina Jenine sa bahay nina Markus, kasama ang amang Briton ng aktor na si George Paterson.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Markus Paterson confirms in a virtual chat that he and partner Janella Salvador will be coming back to the Philippine really soon. (Right photo) Recent photo of Janella and Markus together with their baby Jude, Jenine Desiderio (Janella's mom) and Russell, Janella's younger brother.
PHOTO/S: @markus and @j9desire on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results