Maria Ressa, 2 media groups receive nomination for Nobel Peace Prize

by Jet Hitosis
Feb 3, 2021
Maria Ressa Nobel Prize medal
Veteran and award-winning journalist Maria Ressa are among the nominees for the prestigious Nobel Peace Prize for 2021.
PHOTO/S: Shutterstock, Forbes

Nominado ang veteran journalist na si Maria Ressa para tumanggap ng prestihiyosong Nobel Peace Prize ngayong 2021.

Si Maria ang 57-year-old Filipino-American na Chief Executive Officer (CEO) ng online news website na Rappler.

Ilang beses nang naging laman ng mga balita, maging ng international news organizations, ang mga pagdakip at pagsasampa ng kaso kay Maria.

Ang mga ito ay pinaniniwalaang may kinalaman sa pagiging kritikal ng Rappler sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang Norwegian politician at opposition Labour Party leader na si Jonas Gahr Støre ang nag-nominate kay Maria, ayon sa Rappler report ngayong Miyerkules, February 3.

Para kay Støre, si Maria ay “both a symbol and a representative of thousands of journalists around the world.”

Bukod kay Maria, nominated din ni Støre para sa Nobel Peace Prize ang international non-governmental organizations na nagsusulong sa kapakanan ng mga mamamahayag sa mundo, ang Reporters Without Borders at Committee to Protect Journalists.

Continue reading below ↓

“In today's world, Reporters Without Borders and the Committee to Protect Journalists are the two foremost organizations for promoting media freedom and protecting journalists,” sabi ni Støre.

“A Nobel Peace Prize for these organizations will be a recognition of the work they do, and it will recognize the thousands of journalists who report on conflicts,” dagdag niya.

MARIA RESSA’S 35 YEARS IN JOURNALISM

Matapos mabalita ngayong Miyerkules ng umaga ang kanyang Nobel Peace Prize nomination, nag-tweet si Maria tungkol sa “criminal charges” na magkakasunod na inihain laban sa kanya sa nakalipas na dalawang taon.

Kabilang sa mga kasong ito ang iba’t ibang cyber libel cases laban sa kanya bilang Rappler CEO—ang huli ay isinampa nitong January 8, 2021—at tax evasion charges naman sa Rappler.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Maria na nahaharap siya sa “10 criminal charges” at mayroong “10 arrest warrants in less than 2 years.”

Sa kabila nito, nanindigan si Maria na “#JournalismIsNotACrime.”

Continue reading below ↓

Patuloy raw niyang isisiwalat ang katotohanan laban sa katiwalian, lalo na at ipinagdiriwang niya ngayong taon ang kanyang “35 years in journalism.”

Si Maria ay dalawang dekadang lead investigative reporter ng CNN sa Southeast Asia.

Ilang taon matapos umalis sa CNN, anim na taong pinamunuan ni Maria ang news division ng ABS-CBN Corporation hanggang 2010.

Continue reading below ↓

Taong 2012 naman nang itatag ni Maria ang Rappler katuwang ang tatlong iba pang female journalists.

Sa nakalipas na mga taon, sari-saring parangal ang natanggap ni Maria.

Siya ang Person of the Year ng TIME Magazine noong 2018, at isa sa 100 Most Influential People of the World ng parehong magazine noong 2019.

Kabilang din si Maria sa 100 Women list ng BBC (British Broadcasting Corporation) noong 2019.

At ang latest nga, tumanggap si Maria ng nominasyon para maging isang Nobel Peace Prize Awardee.

THE NOBEL PEACE PRIZE

Ang Nobel Peace Prize ay isa sa anim na Nobel Prizes na iginagawad taun-taon sa mga personalidad na nagsagawa ng “the most or the best work for fraternity between nations, for the abolition or reduction of standing armies and for the holding and promotion of peace congresses.”

Ang iba pang Nobel Prizes ay sa larangan ng Physics, Chemistry, Medicine, Literature, at Economic Sciences.

Continue reading below ↓

Itinatag ang Nobel Prize noong 1895 alinsunod sa will ng Swedish chemist-engineer-businessman-philanthropist na si Alfred Nobel (1833-1896), ayon sa website ng Nobel Prize, ang nobelprize.org.

Sa kanyang will, nais ni Nobel na ilaan ang maiiwan niyang kayamanan sa pagkakaloob ng “prizes to those who, during the preceding year, have conferred the greatest benefit to humankind.”

January ng bawat taon tinatanggap ang mga nominasyon para sa Nobel Prize nominees.

Pagkatapos ng ilang buwang deliberasyon, October iaanunsiyo ang mga tatanggap ng pagkilala.

Ang awarding ceremony ay idinaraos sa Oslo, Norway, tuwing December 10, ang death anniversary ni Nobel.

Ang bawat Nobel Prize laureate ay tatanggap ng diploma, Alfred Nobel medal, at dokumentong nagkukumpirma sa prize amount.

Ang monetary prize na natanggap ng laureates noong 2020 ay 10 million SEK (PHP54.9 million).

Ang mga Nobel Peace Prize laureates ay kinabibilangan ng American civil rights movement leader na si Martin Luther King Jr., ng Albanian-Indian Roman Catholic nun at kalaunan ay naging santo na si Mother Teresa, at ang dating presidente ng South Africa at anti-apartheid hero na si Nelson Mandela.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran and award-winning journalist Maria Ressa are among the nominees for the prestigious Nobel Peace Prize for 2021.
PHOTO/S: Shutterstock, Forbes
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results