Sofia Andres says she’s in no rush to marry Daniel Miranda: “We’re gonna get there.”

by Jet Hitosis
Feb 3, 2021
Sofia Andres Daniel Miranda hugging
Actress Sofia Andres and boyfriend racer Daniel Miranda, who have been together for five years, are parents to one-year old Zoe Natalia.
PHOTO/S: @iamsofiaandres on Instagram

Hindi pa magpapakasal sa ngayon si Sofia Andres sa longtime boyfriend niyang si Daniel Miranda kahit pa may anak na sila.

Para sa 22-year-old Kapamilya actress, hindi tamang madaliin nila ni Daniel, 23, ang pagpapakasal dahil lang mayroon na silang anak.

Isang taong gulang na ang anak na babae nina Sofia at Daniel na si Zoe Natalia.

“Napag-usapan namin iyan [marriage] but we’re both young so we don’t want to rush things,” sabi ni Sofia nang mag-guest siya sa vlog ni Erich Gonzales nitong Lunes, February 1.

Aminado si Sofia na ang pagpapakasal kay Daniel ang laging inuusisa ng kanyang mga kakilala simula nang ipanganak niya si Zoe noong November 2019.

“Ito yung laging sinasabi ng mga tao na ‘Why don’t you want to rush things, e, may anak na kayo? What are you talking about?’

“Sabi ko, well, yun na nga, it’s [pregnancy] unplanned.

“But I think this time it’s better for us to plan things para hindi kami nawawala sa path na gusto namin," paliwanag ni Sofia.

Continue reading below ↓

“MAGPAPAKASAL KAMI KASI GUSTO NAMIN PAREHO”

Naniniwala si Sofia na ang pagpapakasal ay isang bagay na tanging sila lang ni Daniel ang makapagdedesisyon kung kailan mangyayari.

“Magpapakasal kami kasi gusto namin pareho at mahal namin ang isa’t isa.

“We don’t want to leave each other.

“We don’t want to ruin the relationship.

“We want to last forever,” sabi ni Sofia.

Pag-amin pa ng young actress, kabilang ang kanyang mga magulang sa mga atat nang maikasal siya kay Daniel.

“For my parents, kasi siyempre anak nila, babae ako, gusto nila ikasal ako.

“Kasi iba yung pag magulang ka.

“Sabi ko sa kanila, ‘I think we’re gonna get there.’

“Hindi naman pwedeng ako yung magtatanong, di ba?

“Sabi nila, ‘Sige, anak, kung saan ka masaya, then we’ll be happy.’”

SOFIA ANDRES PRAYS FOR A “COMPLETE FAMILY”

Ayon kay Sofia, ipinagdarasal niya sa Diyos na mauwi sa pagpapakasal ang five-year relationship nila ni Daniel.

Continue reading below ↓

“I am really praying to God kasi may anak kami, e.

“Iba rin kasi yung complete family,” sabi ni Sofia.

Taong 2015 nang magsimula ang relationship ni Sofia kay Daniel, isang car racer.

Noong June 2020, ibinunyag ni Sofia na isinilang niya ang anak nila ni Daniel pitong buwan na ang nakalipas.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Sofia Andres and boyfriend racer Daniel Miranda, who have been together for five years, are parents to one-year old Zoe Natalia.
PHOTO/S: @iamsofiaandres on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results