Sofia Andres very happy with Daniel Miranda: “Iba pala pag mas mahal ka.”

by Arniel C. Serato
Jun 26, 2020
Sofia Andres on boyfriend Daniel Miranda: "Lagi niya akong nire-remind na mahal niya kami, mahal niya ako. Alam mo yung typical na, ‘Wala nang iba, huwag kang mag-alala,’ yung mga ganun."
PHOTO/S: Courtesy: @iamsofiaandres / @danielmirandaa_ on Instagram

Wala raw pag-aalinlangan si Sofia Andres, 21, sa pag-iibigan nila ng international race car driver na si Daniel Miranda, 23.

Paano nakikita ni Sofia ang sinseridad ni Daniel sa pag-ibig nito sa kanya?

“Madami, e. Unang-una, noong nasa Australia pa lang kami, hindi niya ako iniwan.

“To be honest, hindi kami nag-aaway, the whole six months.

“Ipinakita niya na nandiyan lang siya for us.

“Lagi niya akong nire-remind na mahal niya kami, mahal niya ako,” kuwento niya sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN News.

May isa nang anak sina Sofia at Daniel, si Baby Zoe.

Pagmamalaki pa ng aktres sa nobyo, “Alam mo yung typical na, ‘Wala nang iba, huwag kang mag-alala,’ yung mga ganun.

“Tsaka yung mga gestures, ‘no, nung nandito na kami sa Pilipinas, may mga kaunti kaming misunderstandings, pero siya yung unang magsu-sorry, mag-aayos ng lahat.

“Makikita mo yung sincerity niya.

“Tsaka kung paano niya tratuhin yung anak namin.

Continue reading below ↓

“Kung paano siya mag-show ng affection.”

Sabi pa niya, “Siya pa yung mas nag-alaga kaysa sa akin.

“Ultimo sa paghugas ng bote, pagpapalit ng diaper, paghuhugas ng mga pinggan, maglaba ng mga damit ko, lahat siya yun.

“Dun ko nakita na, ‘Iba pala ang tao na ‘to, iba pala pag mas mahal ka.’”

EXCITED MOMMY

Sobrang unexpected daw para sa aktres ang biglaan niyang pagiging ina.

Pero nung nakita na niya si Baby Zoe, nawala lahat ng kanyang agam-agam.

Isinilang ni Sofia ang anak nila ni Daniel noong November 24, 2019 sa Australia.

Kuwento niya, “Sabi ko, ‘Akin ba ‘to?’ parang ganun.

“Kasi ang laki-laki na niya, ang bilis-bilis ng oras.

“Iba yung feeling, e.

“Sabi ko, ‘Ginawa ko ba talaga ‘to?’ ganyan.

“Ang ganda-ganda niya.

“Ang tanging iniisip ko lang ngayon kung paano yung parenting.

“I mean, kung paano ko sisimulan."

Nagtatanong na rin daw siya sa nanay niya tungkol sa pag-aalaga ng bata.

Continue reading below ↓

“Sabi niya, nasa instincts daw yun ng magulang.

“Hindi daw yun naituturo so sabi ko, ‘Excited ako,’” sabi ni Sofia.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sofia Andres on boyfriend Daniel Miranda: "Lagi niya akong nire-remind na mahal niya kami, mahal niya ako. Alam mo yung typical na, ‘Wala nang iba, huwag kang mag-alala,’ yung mga ganun."
PHOTO/S: Courtesy: @iamsofiaandres / @danielmirandaa_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results