Noli de Castro posts throwback photo of ABS-CBN Newsroom colleagues; Korina Sanchez, Christine Babao react

by Bernie V. Franco
Feb 4, 2021
TV Patrol anchor Noli de Castro (left) post throwback photo of his former colleagues in ABS-CBN Newsroom: (L-R) Kata Inocencio, Dong Puno, Loren Legarda, Korina Sanchez, and Christine Babao.
PHOTO/S: @kabayannolidecastro on Instagram

Napa-throwback si Noli de Castro at ipinost ang lumang larawan ng mga dati niyang kasamahan sa ABS-CBN Newsroom.

Ipinost ni Noli sa Instagram ang throwback photo na kinabibilangan nina Loren Legarda, Dong Puno, Kata Inocencio, Christine Bersola, at Korina Sanchez.

Kuha ang larawan sa 10th anniversary ng TV Patrol, ang ABS-CBN primetime news program, noong 1997.

May halong pagbibiro ang caption ni Noli dahil sa larawan ay kumakanta ang kanyang mga dating katrabaho.

“The Voice of ABS CBN newsroom, from left, Kata Inocencio, Dong Puno, dating head ng News Department, Loren Legarda, who became a senator and congresswoman, Korina Sanchez, now Mrs. Roxas, and Christine Bersola, now Babao. They sang during the 10th anniversary of TV PATROL, in1997.”

noli de castro instagram: ABS CBN Newsroom throwback photo

Continue reading below ↓

Napa-react naman sina Korina at Christine, mga kasabayan ni Noli sa TV Patrol noon.

Sinakyan nila ang biro ni Noli.

Komento ni Korina: OMG!!! Feel na feel koooo [laughing face emoji]”

Tila na-carried away kasi si Korina sa kanyang pagkanta na nakapikit pa habang hawak ang mikropono.

Ang sabi naman ni Christine: “Ninong! Throwback! Haha! Baka marami ka pang nakatago sa baul, ilabas mo na! Ahaha! [clapping hands emojis]

korina sanchez reacts to noli de castro throwback photo

Continue reading below ↓

christine babao reacts to noli de castro throwback photo

Ni-repost naman ito ni Christine sa kanyang Instagram account at napa-trip down memory lane.

Bahagi ng caption ni Christine: “The good old days! #TvPatrolDays ! #onceakapamilyaalaysakapamilya”

christine babao reposts noli de castro throwback photo

Continue reading below ↓

Ipagdiriwang ng TV Patrol ang ika-34 taon nito ngayong 2021.

Sa mga dating kasamahang nasa larawan, tanging si Noli na lamang ang natitira sa ABS-CBN News and Current Affairs ngayon.

Bukod kay Noli, naging anchor at host din ng TV Patrol sina Korina at Christine.

Tanging si Noli na rin lamang ang natitirang anchor ng news prime sa kanila.

Si Korina ay kasalukuyang host ng TV5 TV-magazine show na Rated Korina.

Inanunsiyo niya ang pag-alis sa ABS-CBN noong August 2020, matapos ang tatlong dekada sa Kapamilya network.

Si Christine ay naging segment host ng TV Patrol. Asawa niya si Julius Babao, na naging anchor din ng news program ng ABS-CBN.

Si Dong ay host noon ng Dong Puno Live, ang ABS-CBN talk show na umere mula 1995-2005.

Bago niya pinasok ang pulitika, si Loren ay dating broadcast journalist sa ABS-CBN News and Current Affairs at host ng The World Tonight at The Inside Story.

Continue reading below ↓

Si Loren ay kasalukuyang kongresista sa lalawigan ng Antique at nagsisilbing Deputy House Speaker.

Si Kata naman ay dating producer-host ng ABS-CBN Integrated News and Current Affairs. Host siya ngayon sa The 700 Club Asia ng CBN Asia.

Maituturing na pillar si Noli sa TV Patrol na naging anchor mula 1987 hanggang 2001.

Pinasok niya ang pulitika 2001 at naihalal na senador.

Tumakbo siya at nanalong vice president noong 2004; nanungkulan siya hanggang 2010.

Pagkatapos nito ay muli siyang bumalik sa ABS-CBN News.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV Patrol anchor Noli de Castro (left) post throwback photo of his former colleagues in ABS-CBN Newsroom: (L-R) Kata Inocencio, Dong Puno, Loren Legarda, Korina Sanchez, and Christine Babao.
PHOTO/S: @kabayannolidecastro on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results