Regine Velasquez adds funny twist to remembering father Mang Gerry’s 7th death anniversary

by Arniel C. Serato
Feb 4, 2021
Regine Velasquez Mang Gerry death anniversary
Regine Velasquez to late father Mang Gerry on his 7th death anniversary yesterday, February 3: "7 years today. Missing you very much. I miss seeing your face in the crowd whenever I have a concert."
PHOTO/S: Courtesy: @reginevalcasid on Instagram

Inaalala ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang ika-pitong taong anibersaryo ng kamatayan ng amang si Gerardo "Mang Gerry" Velasquez kahapon, February 3,

Pumanaw si Mang Gerry sa edad na 76 noong 2014.

Sa kanyang Instagram, ipinaramdam ni Regine sa kanyang followers kung gaano niya na-miss ang ama na naging malaking bahagi ng tagumpay niya bilang mang-aawit.

Sabi niya, “7 years today. Missing you very much.

“I miss seeing your face in the crowd whenever I have a concert.

“And for some weird reason I would always see you kahit de ko alam san kayo naka upo.”

Sa darating na February 14, Valentine’s Day, gaganapin ang digital concert si Regine na pinamagatang Freedom.

Noong buhay pa si Mang Gerry, lagi itong nasa venue sa lahat ng concerts ni Regine, malakihan man o intimate. Kaya naman malungkot daw siyang wala na ang kanyang minamahal na ama.

Pero nagbiro naman siyang sana ay makabili ito ng ticket sa kanyang concert.

Continue reading below ↓

Baka raw hanggang sa langit ay makakarating ang worldwide streaming ng kanyang show.

Saad ni Regine, “Concert na naman na wala ka (crying emoji) I miss you papa. Please get your ticket via @ktx.ph malay mo umabot dyan steaming world wide baka kasama hangang heaven.

“(laughing with tears emoji) I love you papa (three hearts emojis) GoodNate.”

NETIZENS REACT

Imbes na malungkot, natatawa na lamang ang ibang netizens sa post ni Regine.

Sabi ng isa niyang follower, “Nangilid na luha ko teh, eh bigla akong ntawa sa dulo haha. We miss you papa Gerry”

netizens found regine joke funny

Continue reading below ↓

Komento naman ng isa, “Yung paiyak kana tapos yung bigla nabasa mo Yung dulo. we miss you mang Gerry”

netizens found regine joke funny

Si Mang Gerry ang humubog kay Regine upang maging isa sa pinakamahusay na singer, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Naging permanenteng pigura rin si Mang Gerry sa halos lahat ng concerts at shows ni Regine.

Continue reading below ↓

Gayunpaman, tuloy ang show ni Regine sa February 14 kahit wala na sa mundo si Mang Gerry.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regine Velasquez to late father Mang Gerry on his 7th death anniversary yesterday, February 3: "7 years today. Missing you very much. I miss seeing your face in the crowd whenever I have a concert."
PHOTO/S: Courtesy: @reginevalcasid on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results