Bea Alonzo, Dominic Roque spotted together in Amanpulo

by Rachelle Siazon
Feb 5, 2021
Bea Alonzo at Dominic Roque, kumpirmadong magkasamang nagbakasyon sa Amanpulo. Base ito sa mga nakalap na litrato ng masugid na fans ng rumored couple.
PHOTO/S: @beaalonzo Instagram / McCoy Ramos / @dominicroque Instagram

Namataan na ang rumored couple na sina Bea Alonzo, 33, at Dominic Roque, 30, na nagbabakasyon sa Amanpulo.

Ito ay makalipas ang ilang araw na naging tampok ng espekulasyon ang solo pictures nina Bea at Dominic, na parehong naroon sa sikat na private island sa Palawan.

Matinik ang avid supporters ng dalawa sa pagkalap ng ebidensiyang makikita ang dalawa sa iisang litrato.

Hindi kasi nagpo-post sina Dominic at Bea ng litratong magkasama sila roon.

Ngayong Biyernes, February 5, lumutang ang mga pictures kunsaan nakunang magkasama sa litrato sina Bea at Dominic.

Una na rito ang kuha sa beachfront kunsaan nakatalikod ang isang babaeng may suot na one-piece at bare-shoulder black swimsuit.

Ang lalake naman sa litrato ay nakaluhod, may hawak na camera, at akmang kumukuha ng litrato sa ibang direksiyon.

rumored photo of dominic roque and bea alonzo in amanpulo

Continue reading below ↓

Tugma ang suot ng babae na black swimsuit sa suot ni Bea sa isa niyang post sa Instagram.

bea alonzo in amanpulo

MORE PICTURES OF BEA AND DOMINIC SIGHTING

May isa pang litratong makapagpapatunay na kasama nga ni Bea si Dominic.

Base ito sa litrato kunsaan kita ang mukha ni Bea habang naglalakad sa isang pathway.

Continue reading below ↓

Makikitang bahagyang nakangiti si Bea na may bitbit na shoulder bag at nakasuot ng dress at hat—na tila handa sa pamamasyal sa resort.

May kasama siyang lalakeng may hawak na DLSR camera at isang babaeng may hawak ding DLSR camera.

bea alonzo sighting in amanpulo

Tinakpan ang mga mukha ng dalawang kasama ni Bea sa litratong iyon para marahil bigyan ng privacy ang aktres ng taong kumuha ng kanyang litrato.

Continue reading below ↓

Pero may isa pang litrato na kita naman ang mukha ni Dominic.

Tugma ang outfit at bitbit na camera ni Dominic sa lalakeng kasabay maglakad ni Bea sa naunang litrato.

dominic roque sighting in amanpulo

CLUES FROM BEA AND DOMINIC showing that they're together

Hindi pa man direktang kinukumpirma nina Bea at Dominic, mahihinuhang pareho silang nasa Amanpulo base sa sabay nilang pagpu-post ng kani-kanilang litrato at videos via Instagram.

Continue reading below ↓

Mula noong February 1 ay makikita sa kani-kanilang Instagram Stories ang pagdating nila sa lugar.

February 2 naman nang mag-post sila ng kani-kanilang OOTD sa beach.

bea alonzo, dominic roque in amanpulo beach

Noong gabi ng February 2, pareho ring may posts sina Bea at Dominic ng kani-kanilang dinner by the beach.

Continue reading below ↓

bea alonzo, dominic roque dinner by the beach instagram photos

Sa ibang pagkakataon, sinasabing nahagip si Bea sa bandang likod ni Dominic sa isang short video ng binata sa Instagram Story.

Nang i-zoom in ng fans ang screengrab ng video, makikita ang isang babaeng nakaupo sa ilalim ng shed.

Waring ang babae raw ang sinasabihan ni Dominic ng "#loveyou."

Continue reading below ↓

Ayon pa sa fans ng rumored couple, kapansin-pansin din ang "Labyu!" na nakalagay sa dessert plate na makikita naman sa Instagram Story ni Bea.

dominic and bea in amanpulo instagram clues

Pati ang pasilip ng paa ni Bea sa isang Instagram Story ni Dominic ay hindi nakaligtas sa mapanuring fans.

dominic and bea in amanpulo instagram clues

Continue reading below ↓

Sa latest posts ni Dominic, makikitang nitong hapon ng Biyernes, February 5, nang makabalik siya sa Manila.

BEA AND DOMINIC HINTING AT THEIR CLOSENESS

Noong January 2021, una nang nagpahiwatig si Dominic tungkol sa date night nila ni Bea nang mag-post ang binata ng matching white sneakers niya sa white sneakers ng isang babae na hindi kita sa litrato.

Pero nahinuhang si Bea iyon dahil pareho sila ni Dominic na may picture sa parehong Japanese restaurant noon.

Noong buwang din iyon sinabi ni Bea sa kanyang vlog na si Dominic ang tipo ng lalaking "jojowain" niya at hindi "totropahin."

Kakatwang sang-ayon din naman ang ina ni Bea na si Mary Anne Ranollo na "jojowain" kind of guy si Dominic—isang senyales na tila boto si Mary Anne kay Dominic para kay Bea.

May ilan pang patunay ng pagiging malapit nina Dominic at Bea sa isa't isa.

Noong December 2020, naiulat din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na namataan sa Baguio sina Bea at Dominic kasama ng kanilang common friends at kaanak ni Bea.

Continue reading below ↓

At sa vlog ni Bea, na may petsang January 23, 2021, inamin niyang si Dominic ang makikita sa log ng huling nakausap niya via Facetime o video call.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo at Dominic Roque, kumpirmadong magkasamang nagbakasyon sa Amanpulo. Base ito sa mga nakalap na litrato ng masugid na fans ng rumored couple.
PHOTO/S: @beaalonzo Instagram / McCoy Ramos / @dominicroque Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results