Sophie Albert, Vin Abrenica to move in together in their new house

by Bernie V. Franco
Feb 7, 2021
Vin Abrenica and girlfriend Sophie Albert take to Instagram to announce that they are moving in together in their new house. The couple has been together for eight years.
PHOTO/S: @itssophiealbert on Instagram

Magsasama na sa iisang bubong ang magkasintahang sina Sophie Albert, 30, at Vin Abrenica, 29.

Ito ang inanunsiyo ng dalawa sa pamamagitan ng kanilang social media accounts.

Naunang mag-announce si Sophie noong Sabado, February 6, 2021.

Ipinost niya ang picture nilang dalawa ni Vin na kuha sa interior ng kanilang lilipatang bagong bahay.

Naging abala raw ang magkasintahan sa pag-aasikaso ng lilipatang bahay kaya sila MIA (missing in action) nitong mga nakalipas na buwan.

Caption ng Kapuso actress: “Another milestone for us, WE ARE MOVING IN TOGETHER!!!

“One of the reasons why we've been so MIA is cause it has been quite a stressful process trying to get our home ready and finished.

“It's moving a lot slower than we expected, but we're hopeful that our home is coming together veeeeery slowly, but surely!! Konti nalang! Kapit lang!!”

sophie albert, vin abrenica new house

Continue reading below ↓

Sinundan naman ito ng post ni Vin.

Kinumpirma niya ang post ni Sophie na magsasama na sila sa iisang bubong. Naging learning process daw ito sa kanilang dalawa.

“If you saw @itssophiealbert's post, yes we are moving in together!! Sinabi na niya lahat eh,” may pagbibirong post ni Vin.

“Sobrang dami naming natutunan sa process na ito. Malapit na malapit na matapos ang aming bahay!! Yahoo!”

vin abrenica, sophie albert pose in new house

Continue reading below ↓

Na-excite naman ang mga kaibigang celebrities ng dalawa.

Komento nila, magtutuluy-tuloy na ang kanilang pagsasama at isa ring magandang announcement ang kanilang isusunod.

Kabilang sa mga bumati sa kanila ay sina Mark Herras at partner na si Nicole Donesa, Kris Bernal, Edgar Allan Guzman, at Shaira Diaz.

celebrity friends of vin and sophie happy for the couple

Kapansin-pansin na sa mga kuha nina Vin at Sophie ay palaging nasa likuran ang aktres at hindi nito ipinapakita ang kanyang tiyan.

Continue reading below ↓

Bagamat wala pang kumpirmasyon, malakas ang bulung-bulungang nagdadalantao na ngayon si Sophie sa panganay nila ni Vin.

Ito marahil ang sinasabing susunod na magandang announcement na gagawin ng couple.

EIGHT YEARS AND GOING STRONGER

Walong taon na ang relasyon nina Vin at Sophie.

Nagkasama sila bilang contenders sa TV5 reality-based artista search na Artista Academy noong 2012. Sila rin ang grand winners sa kumpetisyon.

Nang sumunod na taon ay naging magkarelasyon ang dalawa.

Last month ay gumawa ng appreciation post si Sophie para kay Vin.

Ayon sa aktres, parang kailan lang sila naging magkasintahan. At sa mga nakalipas na taong iyon, wala nang mahihiling pa si Sophie.

Mensahe ng aktres: “Scrolling through my gallery and realized that woooah, how time flies! We've known each other for 9 years, been together for 8, but swear it all feels like yesterday.

“We've been through many milestones together, gone to many places, have done countless crazy stupid things and all I really wanna say is I've been living my best life since meeting you @vinabrenica”

Continue reading below ↓

Sinuklian naman ito ni Vin ng isa ring appreciation post.

Sinabi ng aktor na mas tumibay ang kanilang pagsasama noong nakaraang taon sa kabila ng mga pagsubok.

Handa na raw siyang dalhin sa next level ang kanilang relasyon.

Saad ni Vin: “I love the way we look together [heart emoji]

“8 years together and it still feels like yesterday.

“I know baby, this 2020 has been our toughest year to date (I know many of you can relate) however, we emerged from it stronger and sweeter.

“I'm so ready to take this year head on even if my knees are weak for what's to come but as long as we're together I know that I'll be living my best lifetime.

“Yesterday, today and tomorrow.

“This beautiful woman makes my heart sing and she is my best friend. How lucky am I?"

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vin Abrenica and girlfriend Sophie Albert take to Instagram to announce that they are moving in together in their new house. The couple has been together for eight years.
PHOTO/S: @itssophiealbert on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results