Vin Abrenica professes his love for girlfriend Sophie Albert

by Arniel C. Serato
Feb 5, 2021
Vin Abrenica Sophie Albert anniversary
Vin Abrenica on girlfriend Sophie Albert: "Kung siya talaga para sayo, siya na talaga, wala ng iba. Hindi kana magtatanong at mangangamba dahil ikaw ang pipiliin niya sa araw araw.”
PHOTO/S: Courtesy: @vinabrenica on Instagram

May nakakakilig na post si Vin Abrenica sa Instagram kahapon, February 4, para sa girlfriend na si Sophie Albert.

Palagay ni Vin, si Sophie na ang kanyang makakasama habambuhay.

Mensahe ng 29-year-old actor (published as is), “Kung siya talaga para sayo, siya na talaga, wala ng iba.

“Hindi kana magtatanong at mangangamba dahil ikaw ang pipiliin niya sa araw araw.”

Dati, parang sa pelikula lamang daw ito nangyayari. Pero naranasan daw niya ito sa totoong buhay.

Pero may ibinuking naman si Vin ukol sa 30-year-old girlfriend.

Aniya, “Siya ang magiging suporta na matagal mo ng pinagdarasal, ang mga napakatamis na pagkakataon na akala mo sa pelikula mo lang nakikita at siya ang magiging kaibigan na hindi ka iiwan hanggang sa huli.

“Ikaw yun, it's always been you... My little ututing bata.”

View this post on Instagram

A post shared by Vin Abrenica (@vinabrenica)

Pinalagan naman ni Sophie ang ibinulgar ng nobyo.

Sabi niya sa comments section, “Sweet na sana eh. Whhyy (face with steam from nose emoji)."

Continue reading below ↓

sophie albert reply to vin abrenica sweet message

Hindi naman sumagot si Vin sa komento ni Sophie.

8-YEAR RELATIONSHIP

Noong huling bahagi ng Enero 2021, ipinagdiwang nina Vin at Sophie ang kanilang ikawalong taong anibersaryo bilang magkasintahan.

Naghiwalay man sila noong 2016, nagkabalikan ang dalawa matapos ang isang taon at limang buwan.

Mensahe ni Vin kay Sophie sa kanilang anibersaryo, “I love the way we look together [heart emoji]

Continue reading below ↓

“8 years together and it still feels like yesterday.”

Ang 2020 daw ang pinakamahirap na taong pinagdaanan ng kanilang relasyon dahil sa COVID-19 pandemic, pero nalampasan naman daw nila ito.

Ani Vin, “I know baby, this 2020 has been our toughest year to date (I know many of you can relate) however, we emerged from it stronger and sweeter.

“I'm so ready to take this year head on even if my knees are weak for what's to come but as long as we're together I know that I'll be living my best lifetime.

“Yesterday, today and tomorrow. This beautiful woman makes my heart sing and she is my best friend. How lucky am I?”

View this post on Instagram

A post shared by Vin Abrenica (@vinabrenica)

Parehong produkto ng TV5 reality show na Artista Academy sina Vin at Sophie noong 2012.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vin Abrenica on girlfriend Sophie Albert: "Kung siya talaga para sayo, siya na talaga, wala ng iba. Hindi kana magtatanong at mangangamba dahil ikaw ang pipiliin niya sa araw araw.”
PHOTO/S: Courtesy: @vinabrenica on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results