Lapu-Lapu City mayor seeks public apology from rapper Ez Mil over "Panalo" song; withdraws "persona non grata" recommendation

by Arniel C. Serato
Feb 8, 2021
Ez Mil Lapulapu Panalo
Lapu-Lapu City Mayor Junard Chan on Fil-Am rapper Ez Mil's (in photo) viral "Panalo" song mentioning local hero Datu Lapu-Lapu: "Kung hindi kinilala ni Ez Mil na bayani si Datu Lapu-Lapu, sana hindi na lang siya gumawa ng kanta na naging dahilan ng pagkainis at galit ng bawat isang Oponganon."
PHOTO/S: Courtesy: @ezekielmiller on Instagram

Umatras si Lapu-Lapu City Mayor Junard Chan sa nauna nitong planong irekomenda sa City Council na ideklarang "persona non grata" (person not welcome) sa kanilang lungsod ang Filipino-American rapper na si Ez Mil.

Nag-ugat ito sa hindi magandang pagsasalarawan ni Ez Mil sa local hero ng bansa na si Lapu-Lapu sa kanta nitong "Panalo."

Naging viral sa social media ang "Panalo" matapos itong pag-usapan dahil sa ganda ng rhythm at lyrics nito.

Pero napansin ng marami na mali ang paglalarawan ni Ez Mil kay Lapu-Lapu sa lyrics na ito:

“Nanalo na ako nung mula pa na/ Pinugutan si Lapu sa Mactan/ At lahat ang nasaktan na/ Nalaman nila na pinatay/ Ang kanilang bayani/ Sa karagatan ng bansa/ Na pag-aari ng Pilipino…”

Sa kanyang kanta, lumalabas na pinugutan daw ng ulo ng Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan si Lapu-Lapu, gayong kabaligtaran ang nangyari.

Batay sa kasaysayan, napatay ni Lapu-Lapu si Magellan sa Battle of Mactan noong April 27, 1521.

Continue reading below ↓

Sa kanyang naunang panayam ngayong araw, February 8, nais ni Mayor Chan na ideklarang "persona non grata" si Mil sa Lapu-Lapu City.

Pahayag niya sa panayam ng The Freeman, isang local daily broadsheet sa Cebu: "Nasuko ko, naglagot ko. Nagpataka lang siya himo og istorya. Unsa man nang iyaha, bahala oy sayop basta kay aron siya mosikat? Dako'ng bugal-bugal ang iyang gihimo sa atong hero nga angay natong respetaran, dili bugal-bugalan."

[Nagalit ako, nainis ako. Nag-imbento siya ng istorya. Ano 'yang sa kanya, kahit na mali para lang siya sumikat? Malaking kalapastanganan ang kanyang ginawa sa ating bayani na dapat ay irespeto, hindi para lapastanganin.]

Pero ngayong hapon, umatras si Chan sa kanyang plano.

Sa kanyang Facebook, hihikayatin daw ni Mayor Chan ang City Council na gumawa ng resolusyon upang kondenahin ang lyrics ng kanta ni Ez Mil na nagbanggit kay Lapu-Lapu.

Sabi niya sa wikang Bisaya, “Naabot sa atong atensiyon ang kanta sa rapper nga si Ez Mil nga nag-viral sa Internet nga naghisgot sa atong bayani nga si Datu Lapulapu.

Continue reading below ↓

[Nakarating sa ating atensiyon ang tungkol sa kanta ng rapper na si Ez Mil na nag-viral ngayon sa internet dahil sa linya nito tungkol sa bayani nating si Datu Lapu-Lapu.]

“Dili makiangayon ngadto sa sons and daughters ni Lapulapu ug sa matag Oponganon ang gisuwat nga lyrics sa maong rapper. Mismong ang atong Presidente nihatag og pasidungog ni Datu Lapulapu pinaagi sa pag-highlight sa ika-500 nga kasumaran sa Kadaugan sa Mactan karong Abril 27, 2021. Aduna na sab tay module nga gihimo nga naghatag og tukmang impormasyon kabahin sa atong bayani."

[Hindi nararapat para sa mga anak ni Lapu-Lapu at sa bawat Oponganon ang isinulat na lyrics ng rapper. Mismong ang Pangulo ang nagbigay ng karangalan kay Datu Lapu-Lapu sa pamamagitan ng pag-highlight sa ika-500 anibersaryo sa Pagkapanalo sa Mactan ngayong April 27, 2021. Meron na rin tayong module na ginawa upang bigyan ng tamang information patungkol sa ating bayani.]

Continue reading below ↓

PUBLIC APOLOGY, REWRITE LYRICS

Dagdag pa ng alkalde, bukod sa pagkondena sa lyrics ng kanta, nais din niyang humingi ng public apology si Ez Mil.

Nais din niyang i-rewrite ni Mil ang maling pagsasalarawan kay Lapu-Lapu sa kanta.

Sabi nito, “Mao nga isip amahan sa dakbayan, nasakitan ko sa pagbiaybiay nga gibuhat. Kung wala giila ni Ez Mil nga bayani si Datu Lapulapu dili nalang unta siya maghimo og kanta nga makamugna og kalagot ug kasuko sa matag Oponganon.

[Bilang ama ng lungsod, nasaktan ako sa ginawang paglapastangan sa kanya. Kung hindi kinilala ni Ez Mil na bayani si Datu Lapu-Lapu, sana hindi na lang siya gumawa ng kanta na naging dahilan nang pagkainis at galit ng bawat isang Oponganon.]

“Atong irekomendar ngadto sa City Council nga mupalabang og resolusyon nga nagkondena sa lyrics nga naghisgot ni Datu Lapulapu, mangayo usab ta og public apology gikan ni Ez Mil alang sa mga Oponganon, ug atong awhagon nga usbon ang sayop nga paghulagway sa atong bayani.

Continue reading below ↓

[Ating irerekomenda sa City Council na magpasa ng resolusyon upang kondenahin ang lyrics na nagbanggit kay Datu Lapu-Lapu, hihingi tayo ng public apology galing kay Ez Mil para sa mga Oponganon, at ating ipanawagan na baguhin ang maling pagsasalarawan sa ating bayani.]

“Nakahibalo ko nga aduna gayud mga panahon nga masipyat ang usa ka tawo mao nga magpabiling abli ang pultahan sa dakbayan aron mapaminaw ang habig ni Ez Mil.”

[Alam ko na merong pagkakataon na nagkakamali ang isang tao kaya mananatiling bukas ang pintuan ng lungsod upang pakinggan ang paliwanag ni Ez Mil.]

Continue reading below ↓

RHYMING PATTERN

Sa naunang panayam kay Ez Mil, sinabi nitong sinadya niyang gawing mali ang lyrics para sa “rhyming pattern.”

Sabi niya sa panayam ng musikerong si Hbom Segovia, na lumabas sa SPIN.ph, bukod sa sinadya ay nais din daw niyang mapag-usapan ang kanta.

Sabi ng rapper, “Why I chose the term, 'pinugutan si Lapu sa Mactan.' Because in terms of the rhyming pattern, I always go to this dilemma or doubt in my head in closing out a song. Am I gonna close it out with absolute truth or am I gonna make people talk about it?”

Humingi naman siya ng paumanhin kung may na-offend man sa kanyang sinadyang pagkakamali.

Aniya, “I'm sorry to anybody who was offended with the fact that me being putting inaccurate sources in our history as Filipinos.

“That's why the song is what it is right now. The way I wrote that got people talking. Got people agreeing to it. Got people disagreeing, got people in the in-betweens. The way it is now, people are talking about it. I got to be smart about it."

Continue reading below ↓

Sa virtual interview ng Philippine media kay Ez Mil via Zoom noong nakaraang linggo, sinabi niyang wala rin daw siyang balak baguhin ang nasabing lyrics.

Saad niya, "I do not intend to have a corrected version of the song, because I feel like that’s ruining the integrity that I had within recording it, but it was, you know… It blew up because it made people talk, and I will let it stay that way."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lapu-Lapu City Mayor Junard Chan on Fil-Am rapper Ez Mil's (in photo) viral "Panalo" song mentioning local hero Datu Lapu-Lapu: "Kung hindi kinilala ni Ez Mil na bayani si Datu Lapu-Lapu, sana hindi na lang siya gumawa ng kanta na naging dahilan ng pagkainis at galit ng bawat isang Oponganon."
PHOTO/S: Courtesy: @ezekielmiller on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results