Gloc-9 reacts to controversial "Panalo" song of rapper Ez Mil

by Melba R. Llanera
Feb 9, 2021
Gloc-9 (left) on Ez Mil (right): "Sana hindi siya tumigil sa paggawa ng kanta dahil lang rito. Bata pa naman siya at marami pa siyang pagkakataon para ipakita ang mga likha niya."
PHOTO/S: Instagram

Sa panahon ngayong maraming kumakalat na fake news at binabago ang ilang mahahalagang detalye sa kasaysayan, naniniwala ang rapper na si Gloc-9 na dapat maging maingat ang mga musikero sa paggamit ng lyrics sa kanilang mga kanta.

Kilala si Gloc-9 sa kanyang mga awiting may malalim at makabuluhang mensahe, kabilang ang "Simpleng Tao," "Halik," "Sirena," at "Magda."

Dahil dito, hiningan siya ng reaksiyon sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng baguhang rapper na si Ez Mil.

Ito ay may kinalaman sa awitin ni Ez Mil na pinamagatang "Panalo," kung saan may bahagi ng kanta na ganito ang lyrics:

“Nanalo na ako nung mula pa na/ Pinugutan si Lapu sa Mactan/ At lahat ang nasaktan na/ Nalaman nila na pinatay/ Ang kanilang bayani/ Sa karagatan ng bansa/ Na pag-aari ng Pilipino…”

Sa kanta, tila pinalalabas na pinugutan ng ulo ng Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan si Lapu-Lapu, gayong kabaligtaran ang nangyari.

Umalma ang marami dahil sa pagbabaluktot umano ni Ez Mil sa kasaysayan.

Continue reading below ↓

Humingi ng paumanhin si Ez Mil, ngunit ipinaliwanag nitong sinadya niyang gawing ganun ang lyrics dahil sa "rhyming pattern."

Sa Macho Rap virtual launch na ginanap noong February 7, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gloc-9 tungkol sa isyung kinasasangkutan ni Ez Mil.

Pahayag ni Gloc-9, "Tingin ko, sa panahon na lagi nating kinukuwestiyon ang facts at kasaysayan para sa interes ng makapangyarihan, mas mahalaga ngayong nagiging maingat tayo sa paggamit nito sa ating mga kanta. Ayaw kasi nating makadagdag sa disinformation.

"Pero napakalaking bagay para sa akin ng kanyang pag-amin sa kanyang pagkakamali kasi hindi rin yun madali.

"Sana hindi siya tumigil sa paggawa ng kanta dahil lang rito. Bata pa naman siya at marami pa siyang pagkakataon para ipakita ang mga likha niya."

Nagbigay rin ng payo ang veteran rapper sa aspiring rappers na gustong pasukin at makagawa ng sariling lugar sa music industry.

"Sulat lang nang sulat. Mangarap lamang nang mangarap."

Continue reading below ↓

Isa sa pinakanaapektuhan ng COVID-19 pandemic ay ang music industry kung saan pinagbawal ang concerts at live performance.

Ngayon daw ay nakapag-adjust na si Gloc-9 sa new normal. Malaking tulong daw sa usaping pinansiyal ng kanilang pamilya ang online food business nilang mag-asawa at maging Gloc-9 merchandise.

"Oo, sa almost one year ng new normal, walang choice kundi mag-adapt. 'Yan din ang pinakamagandang katangian nating mga Filipino."

Sa haba ng panahon ng pahinga at ang manatili sa kani-kaniyang tahanan ang pinakaligtas na gawin sa ngayon, nakalikha ng maraming komposisyon si Gloc-9 na tiyak na aabangan ng kanyang mga tagahanga.

Aniya, "Lahat ng naisulat ko ay nasa aking YouTube account. Anim na kanta ang laman ng aking bagong album na Poot At Pag-ibig na lalabas simula ngayong February 14-19. Isang kanta kada araw sa aking YouTube."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gloc-9 (left) on Ez Mil (right): "Sana hindi siya tumigil sa paggawa ng kanta dahil lang rito. Bata pa naman siya at marami pa siyang pagkakataon para ipakita ang mga likha niya."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results