Maja Salvador meets up with Kapuso actress Heart Evangelista

by Rachelle Siazon
Feb 8, 2021
Maja Salvador (right) says she had fun meeting Heart Evangelista (left) for what appears to be a collaboration for Maja's vlog.
PHOTO/S: @iammajasalvador Instagram

Agaw-pansin ang litrato ng pagkikita nina Maja Salvador, 32, at Heart Evangelista, 35.

Si Maja ang nag-post ng kanilang picture via Instagram ngayong Lunes, February 8.

Pareho silang posturang-postura sa kanilang outfit of the day.

Nakasuot si Heart ng crop top, black trench coat, at designer leggings; habang ang outfit ni Maja ay white polka dot dress na may thigh-high slit.

Pareho rin silang naka-boots.

Ayon kay Maja, sobrang nag-enjoy siya sa collaboration nila ni Heart na tinawag niyang "Ganda."

Ani Maja (published as is): "had fun today with the ever beautiful
Ms. @iamhearte [heart emoji] Salamat Ganda! #SOON #MeetMaja."

Continue reading below ↓

"Exciting!!!" ang reply si Heart sa comments section ng post.

Ibinahagi rin ni Heart sa kanyang Instagram Story ang parehong litrato nila ni Maja.

Binanggit din sa caption ni Heart na sa YouTube channel ni Maja abangan kung para saan ang pagkikita nila.

heart evangelista with Maja Salvador

Huling nagkrus ang landas nina Maja at Heart nang aksidenteng magpaangbot sila sa isang beauty clinic noong November 2020.

Continue reading below ↓

Excited na napatili pa si Maja nang makita niya si Heart noon.

Minsan na silang nagkasama sa isang production number sa Sunday musical-variety show na ASAP noong panahong si Heart ay nasa bakuran pa ng ABS-CBN.

Naging bahagi rin si Heart ng Pangarap Na Bituin, ang teleseryeng pinagbidahan nina Sarah Geronimo, Rica Peralejo, at Maja noong 2007.

Pero hindi direktang nagkaroon ng eksena sina Maja at Heart doon.

Sa kasalukuyan, si Heart ay exclusive star ng GMA Network at mayroon siyang upcoming soap na pagbibidahan nila ng dating Kapamilya actor na si Richard Yap.

Si Maja ay bahagi ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Taong 2020 nang mag-expire ang kontrata niya bilang exclusive star ng ABS-CBN.

Huli siyang napanood sa Sunday Noontime Live, ang blocktimer musical-variety show na umere sa TV5 mula October 2020 hanggang January 2021.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador (right) says she had fun meeting Heart Evangelista (left) for what appears to be a collaboration for Maja's vlog.
PHOTO/S: @iammajasalvador Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results