K Brosas hits netizen politicizing her remark about price surge: “Anong kinalaman ng LP na yan sa post ko?”

by Jet Hitosis
Feb 8, 2021
K Brosas supermarket
Singer-comedienne K Brosas makes a hugot while complaining about the rising prices of basic commodities: “ang mahal ng bilihin! lahat na lang nagmamahalan... ako na lang hindi."
PHOTO/S: @kbrosas on Instagram

Nakipagsagutan si K Brosas sa isang netizen na “pinipilit” haluan ng pulitika ang paghihimutok niya sa social media tungkol sa mataas na presyo ng mga bilihin.

Sa comments section ng kanyang latest Instagram post ngayong Lunes, February 8, nakapalitan ng 45-year-old singer-comedian ng komento ang babaeng netizen.

Ang ipinost ni K ay ang kanyang selfie, na makikitang nakasuot siya ng black face mask at clear face shield habang nakapila sa counter ng isang supermarket.

Sa caption, pabirong binigyan ng Lunch Out Loud host ng double-meaning ang salitang “nagmamahalan.”

Ginamit niya iyon upang tukuyin, hindi lang ang presyo ng mga bilihin sa ngayon, kundi maging ang estado ng kanyang love life.

Mababasa sa caption ni K (published as is): “ang mahal ng bilihin!

“lahat na lang nagmamahalan.. ako na lang hindi shutanginamez!

“because?? chos! Habanaysdey. [grinning face with sweat, woozy face emojis]”

Continue reading below ↓

PRICE SURGE AND THE LIBERAL PARTY

Nagkomento ang babaeng netizen sa post na iyon ni K.

Mistulang hindi kumbinsido, sinabi ng netizen kay K: “Really?

"Ano pa kaya kung mga LP pa namuno ngaun cguru mas mahal pa ang mga bilihin.

“Mas mahal na nga nung sa panahon nila.”

Kapansin-pansin ang pagkakabanggit ng netizen ng “LP” sa comment nito.

Ang LP ay acronym ng Liberal Party, ang partido pulitikal ng oposisyon.

Ang LP ang ruling party sa nakalipas na administrasyon (2010-2016) ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, na kasapi ng partido.

Si Vice President Leni Robredo ang tumatayong leader ng LP sa ngayon dahil siya ang miyembro nitong may pinakamataas na puwesto sa gobyerno.

Ipinahihiwatig ng netizen na tiyak na mas mahal pa raw ang presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong may pandemya kung ang LP pa rin ang nangangasiwa sa gobyerno.

“ANONG KINALAMAN NG LP NA YAN SA POST KO?!”

Halata ang pagtataka sa reply ni K.

Continue reading below ↓

Naguluhan ang singer-comedienne kung paanong naiugnay ng netizen sa partido ng dating administrasyon ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa ngayon.

Sabi ni K: “ha??? anong kinalaman ng LP na yan sa post ko?!

“at YES really MAS mahal ang bilihin Ngayon duh! [face with rolling eyes, woozy face emojis]”

k brosas price surge post; netizen reacts

Continue reading below ↓

Sagot naman ng netizen kay K, “just saying” lang daw ito.

Sabi pa ng netizen sa singer: “Bat ka overeact?!”

Sa muling pagre-reply ni K, inulit niya ang nauna niyang tanong sa netizen: “Anong kinalaman ng LP na yan sa post ko? bat ka nag comment?! [woozy face emoji]”

k brosas slams netizen on politicizing her post

K brosas SLAMS “TROLLS”

Hindi na muling nagkomento ang netizen, lalo na matapos itong tumanggap ng kabi-kabilang batikos mula sa mga Instagram followers ni K.

Continue reading below ↓

Si K naman, napakomento sa sarili niyang post.

Aniya, “napansin ko dami bigla trolls.”

Inilarawan ni K ang trolls bilang “mga walang followers o may number name.”

Para kay K, “mga below sea level i.q” ang trolls, na “pinipilit na maging political ang post kong to.

“hellooooo?! mahal naman talaga bilihin ngayon shutanginamez again with feelings!

“kaya blocking spree na lang!”

k brosas message for trolls

Continue reading below ↓

PORK HOLIDAY PROTEST VS PRICE CEILING

Inaasahang lalo pang tataas ang presyo ng mga bilihin dahil sa “pork holiday” protest na ikinasa ng mga nagbebenta ng baboy laban sa price ceiling ng gobyerno.

Simula ngayong Lunes, walang plano ang mga magbababoy na magbenta ng kanilang produkto.

Lugi raw kasi sila sa napakababang price cap na itinakda ng Malacañang.

Kinumpirma ito mismo ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang daily press briefing ngayong Lunes.

"Nabalitaan natin na may dalawang grupo na nagdeklara ng pork holiday.

"Sa parte ng nagtitinda, sila daw po ay hindi nagtitinda dahil napakababa daw ng price ceiling," ani Roque.

Sa bisa ng Executive Order No. 124 ni Pangulong Rodrigo Duterte, itinakda sa PHP270 ang kada kilo ng pork kasim o pigue, PHP300 per kilo ng pork liempo, at PHP160 sa kilo ng dressed chicken.

Iiral ang EO 124 sa loob ng 60 araw, simula ngayong February 8.

Continue reading below ↓

Tanging mga pampublikong palengke ang saklaw ng direktibang ito ng gobyerno at hindi kasama ang mga supermarket.

Dahil walang nagbebenta ng karneng baboy at manok sa palengke, malaki ang posibilidad na tumaas din ang presyo ng mga alternatibong pagkain, tulad ng isda at gulay, dahil sa laki ng demand.

Paliwanag ng Department of Agriculture (DA), tumaas ang presyuhan ng baboy dahil sa kakapusan ng supply, na epekto ng African Swine Fever outbreak.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-comedienne K Brosas makes a hugot while complaining about the rising prices of basic commodities: “ang mahal ng bilihin! lahat na lang nagmamahalan... ako na lang hindi."
PHOTO/S: @kbrosas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results