Ruru Madrid posts sweet messages for Bianca Umali; shows video of them running in the rain

by Rachelle Siazon
Feb 9, 2021
Ruru Madrid to rumored girlfriend Bianca Umali: "Miss you Each day Everyday All the time."
PHOTO/S: @rurumadrid8 Instagram

Sexy couple alert!

Ganito ang dating ng video nina Ruru Madrid at Bianca Umali habang sabay na tumatakbo sa ilalim ng ulan.

Naka-shorts pero shirtless si Ruru, habang si Bianca naman ay naka-crop top at leggings.

Kuha ang video sa isang residential area kunsaan sabay na nagwork-out ang rumored couple.

Ruru Madrid and Bianca Umali

Continue reading below ↓

May ibang video rin kunsaan huminto si Bianca sa pagtakbo, sabay nilapitan siya ni Ruru at hinawakan ang kanyang kamay.

Narito ang screenshot ng moment na iyon:

Ruru Madrid, Bianca Umali holding hands

May kasama silang nakasakay sa isang sasakyan na siyang kumuha ng video.

Kalakip ng video ay litrato nina Ruru at Bianca sa isang balcony ng isang building.

Continue reading below ↓

Medyo terno pa sila dahil pareho silang naka-white top, pants, at sneakers.

Ipinost iyon ni Ruru sa kanyang Instagram noon pang January 23.

Caption ni Ruru, "Miss you Each day Everyday All the time."

Ruru Madrid Instagram photo with Bianca Umali

Nag-reply si Bianca ng simpleng rose emoji.

Tila may espesyal na kahulugan iyon sa kanila dahil minsang nang naiulat ang hinihinalang pagpapalagay nila ng matching rose tattoo.

Continue reading below ↓

RURU madrid calls BIANCA umali "the EPITOME OF PERFECTION"

Consistent din ang paghayag ni Ruru ng paghanga kay Bianca.

Panay ang comment ng Kapuso actor sa mga Instagram post ni Bianca nitong mga nagdaang araw.

Ruru calls Bianca maganda

Pinakahuli ay nitong February 5, nang ibahagi ni Bianca ang litrato niya para sa Kapuso prime-time series na The Legal Wives.

Continue reading below ↓

Inilarawan ni Ruru si Bianca na "The epitome of perfection."

Ruru madrid describes rumored girlfriend as perfect

Noong January 29 ay tinawag pa ni Ruru na "My-hal" si Bianca.

ruru madrid calls bianca umali my-hal
Si Bianca rin ay napa-comment naman ng "hi" at heart emoji sa Instagram post ni Ruru kunsaan makikitang nakaporma ang aktor.

Continue reading below ↓

ruru and bianca instagram comment exchange

INDIVIDUAL PROJECTS

Parehong abala sa trabaho sina Ruru, 23, at Bianca, 20.

Si Bianca ay isa sa mga bida sa The Legal Wives, kasama sina Alice Dixson, Andrea Torres, at Dennis Trillo.

Si Ruru naman ay katambal si Shaira Diaz sa upcoming Kapuso action-adventure series na Lolong.

Pero kahit may kanya-kanyang proyekto, may quality time pa ring magkasama sina Bianca at Ruru.

Continue reading below ↓

Nitong February 3, 2021 nakunan silang sabay na bumisita sa isang beauty and wellness clinic.

Noong November 2020, naging bukas si Ruru sa pagsasabing "espesyal" sa kanya si Bianca.

Pero umiwas siyang lagyan ng label ang kanilang pagkakamabutihan.

Gusto raw muna niyang "i-treasure" kung anuman ang turing nila sa isa't isa.

Noon pang 2018 napababalita ang hinihinalang relasyon nina Bianca at Ruru, pero hanggang ngayon ay wala silang direktang kumpirmasyong magkasintahan na sila.

rumored couple ruru madrid and bianca umali

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid to rumored girlfriend Bianca Umali: "Miss you Each day Everyday All the time."
PHOTO/S: @rurumadrid8 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results