Ruru Madrid and Bianca Umali kilig moments: A timeline

by Rachelle Siazon
Jul 29, 2020
Going strong sina Ruru Madrid at Bianca Umali halos dalawang taon mula nang unang mapabalita ang espesyal na pagtitinginan nila. Kailangan pa ba ng label para masabing magkasintahan na sila?
PHOTO/S: CTTO / Annette Gozon-Valdes Facebook / @rurumadrid8 Instagram

Tila hindi na paaawat si Ruru Madrid sa pagpaparamdam kung gaano kaespesyal sa kanya si Bianca Umali.

Noong July 27, nag-post sa Instagram si Bianca ng picture ng isang long-stemmed rose.

Nag-iwan doon ng sweet message si Ruru: "I'll always take care of you."

Isang heart emoji ang reply ni Bianca.

Continue reading below ↓

Hindi pa tuwirang umaamin sina Ruru at Bianca tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Pero mas nagiging bukas sila sa paghahayag ng kanilang pagtatangi sa isa't isa.

Paano nga ba nagsimula ang love story nila? Kailangan pa ba ng label para masabing magkasintahan na sila?

Narito ang timeline ng kilig moments nina Ruru at Bianca:

AUGUST 2018: RURU MADRID AND BIANCA UMALI FIRST SIGHTINGS

August 2018 pa lang ay usap-usapan na ang pagiging malapit nila sa isa't isa.

May mga kumalat silang mga litrato na nagdya-jamming o di kaya naman ay kumakain sa labas kasama ng kanilang common friends.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph, itinanggi ni Ruru na nanliligaw siya kay Bianca.

Nagkataon daw na "mas naging close kami" dahil palagi silang magkasama sa defunct Kapuso comedy-variety show na Sunday PinaSaya.

Paglilinaw pa noon ni Ruru: "And then, pagka lumalabas kami ng mga magkaibigan, magkasama kami.

"So, parang iniisip ng mga tao na may something sa amin, pero wala naman talaga."

Continue reading below ↓

OCTOBER 2018: MATCHING TATTOOS?

Pero nang mga sumunod na buwan, tila higit sa pagiging magkaibigan ang ugnayan ng dalawa.

Hindi nakaligtas sa mapanuring netizens ang hinihinilang pagpapalagay nina Bianca at Ruru ng matching tattoos.

October 2018 nang makunan sila ng solo pictures na nagpapalagay ng tattoo.

Continue reading below ↓

Bagamat hindi nakunang magkasama sina Ruru at Bianca sa isang frame, kapansin-pansing pareho ang damit na suot ng tattoo artist na umasikaso sa kanila.

Nagpalagay si Bianca ng rose tattoo sa gilid ng kanyang left wrist, habang si Ruru naman ay tila rose din ang disensyo ng tattoo sa gawing tagiliran ng kanyang katawan.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

NOVEMBER 2018: SIARGAO TRIP

Magkasama ring nagbakasyon sa Siargao sina Bianca at Ruru noong November 2018.

Isang netizen ang nag-upload sa Facebook ng mga litrato nila na tinuturuan ng basic surfing lessons sa tabing-dagat.

Halatang nag-enjoy sila dahil ngiting-ngiti si Bianca pati na sa isa nilang litrato ni Ruru sa loob ng kubo.

Pero tikom pa rin ang bibig ng dalawa tungkol sa ugnayan nila.

Continue reading below ↓

JANUARY 2019: "JUST FRIENDS"

Pero sa media interview, consistent si Ruru sa pagiging tikom ang bibig tungkol sa ugnayan nila ni Bianca.

Ito ay kahit pa may mga lumabas na litrato kunsaan namataan silang magkasama sa family gatherings ng kani-kanilang pamilya.

Aminado si Ruru na nagagandahan siya kay Bianca, pero "magkaibigan" lang daw sila."

Sinabi ito ng Kapuso actor sa presscon ng TV show niyang TODA One I Love noong January 2019.

Ibinuking siya ng co-star niyang si Gladys Reyes, na sinabing minsan na raw nitong nakausap si Bianca.

Tinanong daw ni Gladys si Bianca kung willing itong mag-convert ng relihiyon. Sina Gladys at Ruru ay miyembro ng Iglesia Ni Cristo, si Bianca ay hindi.

Sumagot daw si Bianca na "willing," ani Gladys.

Sa puntong ito, tila kinilig si Ruru at napangiti habang nakikinig kay Gladys.

Pero nanindigan si Ruru na "hindi pa" sila ni Bianca dahil prayoridad nila ang kani-kanilang career.

Continue reading below ↓

OCTOBER 2019: MORE KILIG MOMENTS

Ilang buwan pa ang lumipas bago muling nagpahiwatig si Ruru na may gusto siya kay Bianca.

Napa-comment si Ruru nang mag-post si Bianca sa Instagram ng isang sexy bikini photo.

"STOP," saad ni Ruru na wari'y napapikit pa base sa kalakip na emoji.

Continue reading below ↓

Marami ang kinilig sa reaksiyon ni Ruru na tinawag pang "protective boyfie" ng ibang fans nila ni Bianca.

Low-key lang ang dalawa, pero hindi rin nakaligtas ang pagkakataong namataan sila sa isang drive-thru restaurant noong buwan din ng Oktubre.

Liban pa rito ang kilig duet nila habang kinakanta ang "Ikaw at Ako" nina Moira dela Torre at Jason Marvin sa isang party.

Continue reading below ↓

Pati mga kaibigan nilang tiga-showbiz na naroon din sa okasyon ay napahiyaw habang pinapanood silang kumakanta.


NOVEMBER 2019: LOVERS' QUARREL

Hindi rin naman puro saya lang ang dinaanan nina Bianca at Ruru.

Noong November 6, 2019, naiulat sa PEP.ph ang kuwento ng eyewitness tungkol sa isang parking-lot incident.

Continue reading below ↓

Katatapos lang noon ng premiere night ng Cara X Jagger, ang pelikulang pinagbibidahan nina Ruru at Jasmine Curtis-Smith. Dumalo si Bianca, pero inakalang nakaalis din ito agad.

Nagkaroon ng tensiyon nang sumulpot umano si Bianca sa parking lot ng venue, habang papaalis pa lang sana ang grupo nila Ruru.

Siksikan sa backseat ng sasakyan ni Ruru sina Jasmine, direktor na si Ice Idanan, at may iba pa silang kasama na pupunta sa after party ng pelikula.

Sumilip lang daw si Bianca sa bintana ng sasakyan ni Ruru, nag-congratulate kay Ruru, at mabilis din umanong nagtungo ang dalaga sa sariling sasakyan nito.

Ayon pa sa eyewitness, sinundan ni Ruru si Bianca para kausapin sana ito, pero pinaharurot ni Bianca ang dala nitong sasakyan at muntik pa umanong mahagip ang binata.

Hinihinalang pinagselosan ni Bianca ang leading lady ni Ruru na si Jasmine.

Pero kung anuman ang naging problema nila noon, nagkaayos din agad sina Bianca at Ruru. Makalipas ang dalawang araw ay namataang sweet sila sa isa't isa sa isang event ng GMA-7.

Continue reading below ↓

Dito ay pinabulaanan ni Ruru na may nangyari sa parking lot ng Megamall, kahit pa isa sa naging saksi ng insidente ay ang ama niyang si Bong Madrid.

MARCH 2020: INSTAGRAM OFFICIAL

Sa tinagal-tagal na hinihinilang sila na, unang pagkakataong nag-post si Ruru sa Instagram ng mga litrato nila ni Bianca na magkasama noong March 2.

Continue reading below ↓

Tinawag ni Ruru na "moonlight" si Bianca sa caption ng post ng aktor.

Mayroon ding ibinahagi si Ruru na litrato nila ni Bianca na magka-holding hands, pero binura rin niya agad iyon.

Wala mang detalyeng ibinigay ang aktor, lumalabas na Instagram official na ang dalawang Kapuso stars.

Sa urbandictionary.com, itinuturing na "Instagram official" ang isang couple sa oras na mag-post ang mga ito ng larawang magkasama sa social media.

Sa parte ni Ruru, minsan na nitong nasabing nais niyang maging pribado ang kanyang love life para maprotektahan ito.

Sa ulat ng PEP Troika noong August 2019, paliwanag ni Ruru: "Gusto ko pong sabihin sa mga tao na itong babaeng ito ay mahal ko.

"Kaya lang, ang nagiging problema po kasi ay masyado na po kasi siyang nagiging public property.

"I mean, bawat kilos ninyo, pag nag-aaway kayo, alam na alam na ng mga tao, o kung saan kayo magpunta.

"Feeling ko po, iyong mga ganoon pong bagay, dapat po, pinipersonal po iyon."

Continue reading below ↓


JUNE-JULY 2020: BIANCA CALLS RURU ONE OF HER "MY LOVES"

Hanggang sa kamakailan nga ay nagpahiwatig na rin si Bianca ng pagtatangi niya kay Ruru.

Noong June 20, nag-post si Ruru ng litrato ni Bianca at alagang aso ng aktres.

Caption ni Ruru, "Miss u both."

Heart emoji ang reply ni Bianca.

Continue reading below ↓

Noong July 16, may litrato ulit si Ruru na yakap ang pet dog ni Bianca.

"Luv u lil fella," caption ni Ruru.

Tukoy naman ni Bianca kina Ruru at Boop, "my loves."

Kinilig si Ruru term of endearment ni Bianca dahil napa-message siya ng lovestruck, heart, at monkey with eyes closed emojis.

Continue reading below ↓

Lalong kinilig ang fans nang sa wakas ay si Bianca ang mag-post ng kilig photo nila ni Ruru.

Magkadikit ang mukha nila sa litrato na tila kuha sa isa nilang beach trip.

Walang anumang caption na inilagay si Bianca sa kanyang Instagram post noong July 19.

Pero na-touch naman si Ruru sa hayagang pag-post ni Bianca ng picture nila.

Continue reading below ↓

"Kiliggs," comment ni Ruru.

May isang netizen ang nagtanong kung bakit "nauna" si Bianca na mag-post ng litrato nila ni Ruru.

Sagot ni Ruru, "check my IG maam :)"

Kinilig naman ang mga malapit na kaibigan nila tulad nina Chynna Ortaleza at Winwyn Marquez.

Happy rin para kina Bianca at Ruru sina Mikee Quintos, Bea Binene, Edgar Allan Guzman, Mark Herras, Camille Prats, Shaira Diaz, Lovely Abella, at Michelle Dee.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Going strong sina Ruru Madrid at Bianca Umali halos dalawang taon mula nang unang mapabalita ang espesyal na pagtitinginan nila. Kailangan pa ba ng label para masabing magkasintahan na sila?
PHOTO/S: CTTO / Annette Gozon-Valdes Facebook / @rurumadrid8 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results