Myanmar fans beg for Kim Chiu, Xian Lim’s support amid military coup; KimXi appeals for prayers

by Jet Hitosis
Feb 9, 2021
Kim Chiu Xian Lim Myanmar military coup
Kapamilya reel-and-real-life couple Kim Chiu and Xian Lim ask their millions of Instagram followers to pray for the safety of the Burmese people of Myanmar after the country's powerful military on February 1, 2021 launched a coup d’ état against the civilian government of international democracy icon Aung San Suu Kyi.
PHOTO/S: @chinitaprincess on Instagram

Umaapela ng panalangin sina Kim Chiu at Xian Lim para sa kaligtasan ng mamamayang Burmese ngayong nasa ilalim ng military coup ang bansang Myanmar.

Gamit ang #savemyanmar at #prayformyanmar, nanawagan sina Kim, 30, at Xian, 31, sa milyun-milyon nilang Instagram followers na isama sa kanilang mga dasal ang kalapit nating bansa.

Ito ay matapos na direktang humingi ng suporta sa reel-and-real life couple ang kanilang Burmese fans, na kabilang sa mga apektado sa mga panggigipit na dulot ng kudeta sa Myanmar.

MILITARY COUP IN MYANMAR

February 1, 2021 nang sumiklab ang military coup, sa pangunguna ni commander-in-chief General Min Aung Hlaing, sa nabanggit na Southeast Asian country.

Dinakip ng militar ang international democracy icon at Myanmar civilian leader na si Aung San Suu Kyi, kasama ang 133 pang government officials at mambabatas, ayon sa human rights organization na Assistance Association for Political Prisoners (AAPP).

Iginigiit kasi ng maimpluwensiyang Myanmar military na nagkaroon ng dayaan sa eleksyon noong November 2020, iniulat ng CNN.

Continue reading below ↓

Landslide ang pagkapanalo sa halalan ni Aung San Suu Kyi at ng kanyang National League for Democracy Party (NLD), pero kinuwestiyon iyon ng militar.

Sa nakalipas na siyam na araw, libu-libong protesters ang dumagsa sa iba’t ibang lugar sa Myanmar, partikular sa kabiserang Naypyidaw at sa lungsod ng Yangon.

Iginigiit nila ang pagpapalaya sa mga opisyal ng civilian government at ang pagbabalik ng demokrasya sa bansa.

Kasabay ng pambobomba ng water cannons at pag-aresto sa ilang aktibista, nagpapatupad din ang militar ng maya’t mayang internet blackout at bina-block ang iba’t ibang social media platforms sa buong bansa, ayon sa CNN reports.

AN OPEN LETTER TO KIMXI

Sa tuwing nakakatiyempo ng pagkakataon, ipinu-post ng mamamayang Burmese sa social media ang mga litrato at update sa sitwasyon sa Myanmar.

Ganito ang naging estratehiya ng mga fans nina Kim at Xian sa Myanmar para makapagparating ng open letter sa mga iniidolong Kapamilya stars nitong Linggo, February 7.

Continue reading below ↓

Lunes ng gabi, February 8, ibinahagi ni Kim sa Instagram Stories ang mga mensaheng ipinaabot ng “KimXi Myanmar Fans Club” para sa kanila ni Xian.

Ang page ng "official Myanmar fan Instagram of KimXi" ay mayroong 1,227 followers.

Sa liham na naka-tag kina Kim at Xian, hiniling ng Burmese fans ang “support for us protesting against the military coup.”

Anila, mahigit “sixty thousands of civilians’ lives are at risk” sa mga nangyayaring kaguluhan, sa pagsisikap ng mga taga-Myanmar na maibalik ang demokrasya at hindi maulit ang diktadurya sa kanilang bansa.

Forty-nine years (1962-2011) na pinamunuan ng military regime ang Myanmar hanggang pangunahan ni Aung San Suu Kyi, bilang State Counsellor, ang democratic reforms sa bansa noong 2016.

Pero nitong February 1, 2021, binawi ng militar sa civilian government ang pamumuno sa Myanmar.

“Today, my friends are out there protesting for democracy, and we need to spread awareness about this truth to the world as much as possible.

Continue reading below ↓

“Please, help us, Kim & Xian. [crying face emoji]” saad sa open letter ng Burmese fans.

kim chui reposted support post for Myanmar amid military coup

BURMESE: “I’M BEGGING ALL OF YOU, PLEASE HELP US!!!”

Sa hiwalay na Instagram Story, isang nagpakilalang administrator ng Instagram fan page nina Kim at Xian ang nagmakaawa ng tulong sa Kapamilya couple.

Kuwento ng fan page admin, pinuputol daw ang koneksiyon ng internet sa Myanmar, at walang kasiguruhan kung kailan sila uli makakapag-online.

Continue reading below ↓

Ramdam ang desperasyon sa pagmamakaawa nito (published as is): “Please help us!!!

“Please spread this current situation of Myanmar!!!

“I’m begging all of you Please help us!!!”

Nitong Lunes, ni-repost ni Kim sa Instagram Stories ang mensaheng ito para sa kanila ni Xian.

Caption ni Kim: “please stay strong! We will be praying for you guys. [three praying hands emojis]”

Kim Chui shows support for Myanmar

Continue reading below ↓

KIM chiU & XIAN lim APPEAL FOR PRAYERS

Sa isa pang Story, ipinost ni Kim ang litrato ng kababaihang Burmese habang taimtim na nananalangin sa isang vigil.

Idinetalye ni Kim sa caption ang mga panggigipit na ginagawa umano ng military junta laban sa mamamayan ng Myanmar.

Sabi ni Kim: “Read the news about what is happening in Myanmar now.

“Their govt shut down TV, radio and internet FB and IG and declared a coup d’ état. #prayformyanmar #savemyanmar #savemyanmarpeople”

Kim Chui appeals prayers for Myanmar

Continue reading below ↓

Sa sarili niyang Instagram Stories, nagbahagi rin si Xian ngayong Martes, February 9, ng latest photo ng malawakang kilos-protesta sa Myanmar.

Sa caption, ikinuwento ng aktor na taong 2018 nang bumisita siya sa Myanmar para mag-host ng isang beauty pageant doon.

“It’s a wonderful country and it saddens me what they are going through right now.

“Let us all pray for their safety [three praying hands emojis] #savemyanmar [Myanmar flag]” sulat ni Xian sa caption.

Xian Lim shows support for Myanmar fight amid military coup

Continue reading below ↓

Sa isa pang Story, ipinost naman ni Xian ang picture niya bilang host ng Miss Grand International 2018.

Sa caption, muling nakiusap si Xian sa kanyang 1.6 million Instagram followers na isama sa kanilang panalangin ang kaligtasan ng mamamayan ng Myanmar.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya reel-and-real-life couple Kim Chiu and Xian Lim ask their millions of Instagram followers to pray for the safety of the Burmese people of Myanmar after the country's powerful military on February 1, 2021 launched a coup d’ état against the civilian government of international democracy icon Aung San Suu Kyi.
PHOTO/S: @chinitaprincess on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results