Andre Paras reveals dad Benjie struggles with Zoom technology; confirms preparation for PBA draft

by Jet Hitosis
Feb 11, 2021
Benjie Paras, Andre Paras Game  of the Gens
Though actor-athlete Andre Paras (right) jokingly discloses about his father Benjie Paras (left) having a hard time getting familiar with Zoom technology, he is obviously set to follow in the PBA Legend's footsteps as he prepares for the annual rookie draft next month.
PHOTO/S: @_kokoparas on Instagram, GMA-7

Ibinuking ni Andre Paras na inaalalayan niya ang amang si Benjie Paras pagdating sa paggamit ng modern technology.

Ang actor-athlete na si Andre, 25, ang panganay na anak ng komedyante at retired basketball star na si Benjie, 52, sa dating asawang si Jackie Forster.

Anak din nina Benjie at Jackie ang University of the Philippines (UP) Fighting Maroons basketball player na si Kobe Paras, 23.

Si Andre ang host ng bago at all-original comedy game show na Game of the Gens ng GMA-7.

Makakasama ni Andre ang Kapuso comedian na si Sef Cadayona sa pagho-host sa weekly game show, na ipalalabas na sa Linggo, February 14, 7:45 ng gabi.

Sa Game of the Gens, dalawang grupo—na ang mga miyembro ay mula sa magkaibang henerasyon—ang magpaparamihan ng tamang sagot para makapag-uwi ng PHP300,000.

Para magwagi, kailangang masagot ng contestants ang sari-saring trivia questions tungkol sa music, dance, fashion, entertainment, at trends mula sa iba’t ibang henerasyon.

Continue reading below ↓

ANDRE REVEALS BENJIE STRUGGLES WITH ZOOM

Sa virtual presscon ng Game of the Gens nitong Martes, February 9, natanong si Andre kung may naranasan siyang challenges sa ibang tao dahil lang nagmula sila sa magkaibang henerasyon.

Natatawang ibinunyag ni Andre na challenging ang technology sa ngayon para sa kanyang amang si Benjie.

“Hanggang ngayon, yung dad ko hirap pa ring mag-Zoom,” tumatawang pambubuking ni Andre kay Benjie.

Ang Zoom ay isang video chatting software program, na patok na patok ngayong pandemya.

Dahil kailangang manatili sa bahay upang maiwasang magkahawahan ng COVID-19, Zoom ang pangunahing ginagamit sa mga office meeting, distance learning, online conferencing, at maging sa simpleng kumustahan at bonding sa mga mahal sa buhay.

“Hindi marunong,” dagdag pa ni Andre, tinukoy ang paggamit ni Benjie ng Zoom.

“Yung ano lang… meeting ID, password, hindi pa niya magawa.

“My gosh, Dad!” natatawang napa-facepalm si Andre habang ikinukuwento ang ama.

Sabi raw ni Andre kay Benjie: “Please don’t get old on me.

Continue reading below ↓

“Kaya mo pa 'yan. Please!” kunwaring napapahimutok na bulalas ni Andre.

FOLLOWING DAD’S FOOTSTEPS: ANDRE paras JOINS PBA

Sa parehong presscon, nanghingi ng update ang entertainment press tungkol sa aplikasyon ni Andre sa 2021 Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft.

Sa taunang PBA Rookie Draft, pumipili ang 12 PBA teams mula sa mga amateur at eligible basketball players ng mga idadagdag nila sa kanilang koponan.

“This March po yung draft po namin,” pagbabalita ni Andre.

“March 14, around that date, I heard, that’s the draft.”

May taas na 6’4”, si Andre ay dating naglaro para sa UP Fighting Maroons, sa San Beda Red Lions, at maging sa PBA D-League.

Tulad ng nakababatang kapatid na si Kobe, malinaw na gusto ring sundan ni Andre ang yapak ng amang si Benjie—na isang PBA Legend.

“Hopefully all goes well, tuluy-tuloy na po ako,” patuloy ni Andre.

Paglilinaw pa niya: “But of course, hindi ko ito [showbiz] iiwan, because I’m very thankful.

Continue reading below ↓

“GMA has supported me with my decision.”

GAME SHOW HOST-BASKETBALL PLAYER

Sinabi ni Andre na napagsasabay niya ngayon ang kanyang hosting stint at ang pagsasanay para sa PBA.

“Kahit papaano naman I’m very thankful, kasi I still have time to do tapings for Game of the Gens and I can still train individually.

“So, I have the best of both worlds at the moment,” ani Andre.

Tanong kay Andre, paano kung dumating sa puntong kailangan na niyang mamili kung magho-host siya o magba-basketball?

Sagot ni Andre: “My motto in life is do what makes you happy.

“And showbiz, or hosting, makes me happy. Basketball makes me happy.

“And at this point, sabay pa rin sila, e.

“I have no reason to choose yet kasi sabay naman po sila. Both make me happy.

“But there might come a time when I have to choose and I don’t know the answer to that yet,” honest na sagot ni Andre.

Continue reading below ↓

Sa huli, idinaan na lang ni Andre sa biro ang kawalan niya ng sagot sa tanong.

“So, I guess makikita niyo na lang one day, pagtingin niyo ng TV, am I on the court? Kung wala, e, di nasa TV ako.

“So, you’ll know the answer to that,” natatawang sabi ni Andre.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Though actor-athlete Andre Paras (right) jokingly discloses about his father Benjie Paras (left) having a hard time getting familiar with Zoom technology, he is obviously set to follow in the PBA Legend's footsteps as he prepares for the annual rookie draft next month.
PHOTO/S: @_kokoparas on Instagram, GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results