Ivana Alawi recounts unforgettable encounter with ABS-CBN TV host: “Pinagsisigawan niya ako...sa harap ng ibang artista.”

by Bernie V. Franco
Feb 11, 2021
Sexy star Ivana Alawi goes into details about how one ABS-CBN TV host scolded and embarrassed her in front of other celebrities. "Pinagsisigawan niya ako dun sa dressing room, sa harap ng ibang artista."
PHOTO/S: @ivanaalawi on Instagram / YouTube (Ivana Alawi)

Idinetalye ni Ivana Alawi, 24, kung paano siya inaway at pinagsisigawan umano ng isang Kapamilya TV host.

Naiyak na lang daw si Ivana dahil ginawa ito sa harap ng mga kapwa niya artista kahit wala siyang kasalanan.

“Lagi ko siyang pinapanood nung bata ako, kaya idol na idol ko siya noon,” paglalarawan pa ni Ivana sa TV host na umaway raw sa kanya.

Sa YouTube video na in-upload noong February 10, Miyerkules, tinanong si Ivana kung may artista ba siyang nakaaway.

“Wala akong nakaaway. May nang-away sa akin,” pagbubunyag ng aktres.

“Pero ako, never akong nakipag-away sa kahit sinong artista, kasi kailangan mong rumespeto at kailangan mong makisama sa showbiz world.”

THE UNPLEASANT ENCOUNTER

Nangyari raw ang insidente sa kasagsagan ng kinabilangan niyang Kapamilya teleseryeng Sino ang May Sala?: Mea Culpa, na umere mula April hanggang August 2019.

Pangunahing bida sa teleserye sina Jodi Sta. Maria, Bela Padilla, Tony Labrusca, at Kit Thompson.

Continue reading below ↓

Lahad ni Ivana, “Nag-start kasi ako noon sa ABS, nagti-taping-taping… Nandun ako sa Sino ang May Sala, ‘tapos nagkaroon ako ng parang guesting, doon yun sa may ABS.

“Nagti-taping, ‘tapos nakaupo lang ako sa dressing room. Marami kami doon, kasi parang sama-sama kami sa dressing room na ‘yon.”

Hindi binanggit ni Ivana kung para saang TV show ito.

“So, yung kasama kong PA [personal assistant] lumabas siya, kasi hindi na siya kasya dun sa dressing room namin.

“And kailangan lagi siyang malapit sa akin kasi, siyempre, kapag may kailangan ako, kapag magbibihis, yung mga ganun…"

Tumawid daw ang PA ni Ivana sa katapat na dressing room para doon makiupo.

“Lumabas siya, ‘tapos may nakita siyang upuan doon sa labas.

“Nagpaalam naman siya dun sa tao sa loob. Sabi niya, ‘Pwede bang makiupo lang…’ para malapit siya sa akin. As in, tapat lang kasi siya.

“So, sabi nung tao, ‘Oo naman. Sige, upo ka.’ So, umupo lang siya dun.”

Continue reading below ↓

Doon daw tumambay ang P.A. at naghintay kung sakaling kailanganin siya ni Ivana. Sabi ni Ivana, “Hindi pa kami nagsisimula nito, so nag-antay lang ako doon. Nakaupo ako dun.”

Hindi raw inasahan ni Ivana ang mga sumunod na eksena.

“Biglang may sumugod na batikang host, and then sumugod siya.”

Nakilala raw agad ni Ivana ang host dahil idolo niya ito at laging pinapanood noong bata siya.

Sabi ni Ivana, “Nung nakita ko, parang napangiti ako. ‘Tapos parang pinagsisigawan niya ako dun sa dressing room, sa harap ng ibang artista. Parang sabi ko, ‘Hala!’”

Ginaya ni Ivana ang ginawa sa kanya ng TV host.

Dumuro si Ivana sa camera at nagsalita sa matinis na boses.

ivana alawi mimics how abs-cbn tv host scolded herIn her vlog, Ivana Alawi mimics how a veteran Kapamiya TV host scolded her in front of other celebrities.

Continue reading below ↓

“Sabi niya, ‘You, why are you…. your person is in my room, ha! Bawal kayong pumasok sa dressing room ko. Bastos!’ Ang dami niyang sinabi.

“‘Tapos parang naaalala ko yung reaction ko noon, ‘Sorry po, sorry po.’ As in sorry ako nang sorry.

“’Tapos sobrang naano kasi parang sa harap ng ibang artists. Sobrang pinapahiya ako, as in.

“Ako yung inaway, and then, hiyang-hiya ako noon. Umiyak ako, ‘tapos tumawag ako kay Mama.

“'Tapos sabi niya, ‘Okay lang ‘yan. Hayaan mo na.’”

Hindi raw maintindihan ni Ivana kung bakit siya ang pinagsabihan ng TV host.

“Kasi wala naman talaga akong ginawang mali, kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako yung pinuntahan doon at pinagsisigawan sa harap ng ibang artista.”

IVANA alawi HAS MOVED ON FROM THE EXPERIENCE

Hindi raw pumatol si Ivana pero sana lang daw ay kinausap siya nang maayos ng TV host na ito.

“Pero siyempre, you still have to show respect and you still have to be professional,” sabi niya.

Continue reading below ↓

“Sana ano na lang, kinausap na lang niya ako na, ‘Uy, Ivana, alam kong bago ka sa ganito. Pero bawal ‘yang ganyan.’

“Mas maa-appreciate ko yun, di ba? Hindi naman ako mahirap kausap.

“Pwede mo naman akong tawagin or ‘tapos sigawan mo ako, yung tayong dalawa lang.

“Pero sa harap ng maraming tao, na wala naman akong ginawang masama, yun lang yung talaga yung di ko malimutan, yung isa sa mga experiences ko starting off in showbiz.”

Paglilinaw pa ni Ivana, “Wala na akong hard feelings, naka-move on na ako.”

Hinimok si Ivana na pangalanan ang TV host na ito.

Ang tanging clue na ibinigay niya ay nagsisimula raw sa letter “M” ang pangalan nito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Read More Stories About
ivana alawi, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sexy star Ivana Alawi goes into details about how one ABS-CBN TV host scolded and embarrassed her in front of other celebrities. "Pinagsisigawan niya ako dun sa dressing room, sa harap ng ibang artista."
PHOTO/S: @ivanaalawi on Instagram / YouTube (Ivana Alawi)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results