Marian Rivera on Dingdong Dantes: "Mas na-realize namin na, 'Ay, di talaga tayo nag-aaway ano?'"

by Rachelle Siazon
Feb 12, 2021
Marian Rivera on happy home life with Dingdong Dantes: "Kasi, may ibang mga kaibigan ko na tumatawag na, 'Hay, nakakainis talaga itong asawa ko, andito...' Pero yung case namin, mas lalo kami na-in love sa isa't isa na magkasama sa bahay."
PHOTO/S: @dongdantes Instagram

Hindi raw naranasan ng mag-asawang Marian Rivera, 36, at Dingdong Dantes, 40, na magkapikunan sa halos isang taon nang araw-araw silang magkasama sa bahay.

Isa raw iyong biyaya na ipinagpapasalamat ni Marian.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang exclusive interview noong Pebrero 9: "Sa totoo lang, itong quarantine na magkasama kami sa bahay, mas na-realize namin na, 'Ay, di talaga tayo nag-aaway ano?'

"Kasi, may ibang mga kaibigan ko na tumatawag na, 'Hay, nakakainis talaga itong asawa ko, andito...'

"Pero yung case namin, mas lalo kami na-in love sa isa't isa na magkasama sa bahay."

Napapangiting dagdag pa ni Marian, "Hindi kami nag-aaway kahit isang beses, ha?

"Sabi ko, 'Compatible talaga kami ng gunggong na ito. Hindi kami nag-aaway.'

"Ang sarap lang na ganun nangyari sa aming dalawa."

Anim na taon na ang nakalipas mula nang ikasal sila Marian at Dingdong sa Immaculate Conception Cathedral sa Cubao, Quezon City, noong December 30, 2014.

Continue reading below ↓

Mula noon ay nagkaroon na sila ng dalawang anak na sina Maria Letizia, 5, at Jose Sixto IV, 1.

Pero ngayon lang daw talaga iyong 24/7 silang nagkasamang mag-asawa.

"Siyempre, nung magboyfriend-girlfriend, okay, magkasama kayo. Tapos nung mag-asawa kami, magkasama kami, pero hindi ganito na araw-araw sa bahay.

"Kasi siyempre kailangan niya magtrabaho, kailangan ko magtrabaho, dahil may mga oportunidad na binibigay sa amin.

"Pero one thing is for sure, kahit magkasama kami sa bahay, buong-buo yung pagmamahal namin sa isa't isa."

Nagswak daw sila ni Dingdong dahil pareho silang hindi nauubusan ng mapagkukuwentuhan.

Lahad ni Marian: "More chika, more fun kaming dalawa! May session kaming dalawa every time tapos na yung work niya, tapos yung mga bata, tapos na yung school, tapos nagre-relax na, manonood ng TV.

"Actually, andito kami sa office niya. Nagkukuwentuhan kami about life, 'Anong nangyari sa iyo within this day?'

"Para kaming mag-boyfriend and girlfriend na akala mo wala kaming anak."

Continue reading below ↓

Iyon na raw ang pinaka-date nilang dalawa.

"Bahala na, kahit nagpapadede ako. Konting sip lang naman ng wine, arte-arte kaming dalawa, cheese-cheese kaming dalawa.

"Nagkakaroon kami ng pagkakataon na mag-bonding at mag-heart-to-heart talk.

"Pinag-uusapan namin, 'Ano bang gusto mong goal?' Kasi si Dong mahilig magtanong sa akin, e. 'May gusto ka bang tuparin sa pangarap mo?'

"So, coming from that situation, lumalawak na yung kuwentuhan naming dalawa."

Panoorin si Marian sa panayam ng PEP.ph editorial team sa PEP Exclusives:

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera on happy home life with Dingdong Dantes: "Kasi, may ibang mga kaibigan ko na tumatawag na, 'Hay, nakakainis talaga itong asawa ko, andito...' Pero yung case namin, mas lalo kami na-in love sa isa't isa na magkasama sa bahay."
PHOTO/S: @dongdantes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results