Marian Rivera shrugs off rumor about husband Dingdong Dantes and Lindsay de Vera

by Rose Garcia
Feb 10, 2021
Marian Rivera on adjusting to new normal during this pandemic: "Sa mga nangyayari sa atin sa mundo ngayon, parang ito yung wake-up call mo na, ano ba talaga ang prayoridad mo, ano talaga ang importante sa ‘yo... At malinaw sa atin na ang pamilya ang pinakamahalaga sa lahat ng nangyayari sa mundong ito."
PHOTO/S: Screen grab from Zoom

Tinawanan lang ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes ang ipinakalat na tsismis ng ilang netizens na nabuntis diumano ng Kapuso actor ang young actress na si Lindsay de Vera.

Sina Dingdong at Lindsay ay nagkatrabaho sa dating prime-time series ng GMA-7 na Alyas Robin Hood, na nagkaroon ng dalawang seasons na umere mula September 2016 hanggang November 2017.

Sa Zoom mediacon para sa WalterMart, ang iniendorsong supermarket ni Marian at anak na si Zia kahapon, February 9, tinanong ang Kapuso actress kung ano ang naging reaksiyon nila ni Dingdong tungkol sa kumalat na isyu.

Natatawang sagot ni Marian, “Wala nga, e. Dedma lang ako.

“Sabi ko... alam niyo, nag-aasaran lang kaming dalawa.

"Sabi nga niya, 'Nakita mo ba yung chismis sa akin?' Sabi ko, 'Oo, nakakatawa.'

“Tawang-tawa talaga ako 'tapos niloko ko siya, sabi ko, 'Ano ba ‘yan, ang daming buntis-buntis.' Sabi ko, 'Beke nemen, baka ako ang susunod diyan.' 'Tapos tawa siya nang tawa."

Continue reading below ↓

Limang taon nang kasal sina Marian at Dingdong. Sa puntong ito ay tila wala nang makakasira sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Pahayag ni Marian tungkol dito, “Well, siyempre, ayaw naming isipin ‘yan.

"Pero siyempre, sa ngayon, kung ano ang meron sa amin ni Dong ay pinagpapasalamat namin at pinagtitibay namin lalo na at may dalawa kaming anak.

“Malay mo, yung mga chismis-chismis na 'yan, e, magkatotoo.”

Dugtong pa niya, “The mere fact na nagpakasal kaming dalawa, malinaw sa aming dalawa kung ano ang gusto naming mangyari sa buhay.

“Nagpakasal kami, humarap kami sa Panginoon. Sumumpa kami na sa hirap at ginhawa ay magkasama kaming dalawa, tutuparin namin yun hanggang sa nasa kabilang buhay kaming dalawa.”

ADJUSTING TO THE NEW NORMAL

Sa isang banda, kapansin-pansing lalong naging blooming si Marian ngayong nasa bahay lang siya.

Tila adjusted na rin ito sa work from home setup kunsaan, bukod sa pag-aalaga sa kanyang mag-aama, may sariling negosyo at tuluy-tuloy rin ang endorsements niya.

Continue reading below ↓

Kung may pagbabago man daw sa kanila, ito ay sa bahay lang talaga sila pumipirmi.

“Well, pagbabago siguro hindi lang kami ngayon lumalabas para magpunta sa mall or pumunta kung saan. Kasi, alam niyo yun, mahirap na, e.

“Pero sabi ko nga kay Dong, makaka-adjust at makaka-adjust kami.

"Sa mga nangyayari sa atin sa mundo ngayon, parang ito yung wake-up call mo na, ano ba talaga ang prayoridad mo, ano talaga ang importante sa ‘yo.

"Ngayon, alam nating lahat ‘yan. Napagdaanan nating lahat ‘yan, naranasan nating lahat.

"At malinaw sa atin na ang pamilya ang pinakamahalaga sa lahat ng nangyayari sa mundong ito.

“At siyempre, bukod sa pamilya, siyempre naibibigay mo ang pangangailangan nila. Kailangan healthty sila, so dapat yung kombinasyon na yun, buong-buo.

"At siyempre, kailangan din ng pananalig sa Itaas para protektahan kayo at mga mahal mo sa buhay."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera on adjusting to new normal during this pandemic: "Sa mga nangyayari sa atin sa mundo ngayon, parang ito yung wake-up call mo na, ano ba talaga ang prayoridad mo, ano talaga ang importante sa ‘yo... At malinaw sa atin na ang pamilya ang pinakamahalaga sa lahat ng nangyayari sa mundong ito."
PHOTO/S: Screen grab from Zoom
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results