Claudine Barretto on late boyfriend Rico Yan: "Mahal ko pa rin siya."

by Arniel C. Serato
Feb 15, 2021
Claudine Barretto Rico Yan relationship
Claudine Barretto reiterates love for late boyfriend Rico Yan: "I think hindi nawawala yung [love] kapag namatay ka o nawawala na yung pagmamahal mo.”
PHOTO/S: Courtesy: @claubarretto on Instagram / File

Inamin ng aktres na si Claudine Barretto na mahal pa rin niya ang kanyang yumaong boyfriend na si Rico Yan.

Pumanaw si Rico noong March 29, 2002, Biyernes Santo, habang nagbabakasyon ito sa Dos Palmas Island Resort sa Puerto Princesa, Palawan. Siya ay 27 years old lamang.

Sa vlog ng best friend ni Claudine na si Janelle Jamer na lumabas noong February 4, sinabi ng tinaguriang Optimum Star na hindi naman talaga nawawala ang pagmamahal niya sa dating nobyo.

Tanong sa kanya ni Janelle: “Bakit hanggang ngayon sobrang apektado ka pa rin kay Rico Yan? Dahil ba mahal mo pa siya? O merong parte sa puso mo na meron kang pagsisi?”

Janelle Jamer asks Claudine Barretto about Rico Yan

Continue reading below ↓

Ayon sa 41-year-old actress, mahal pa rin niya hanggang ngayon ang pumanaw na aktor at mayroon din siyang pagsisisi sa kanyang buhay.

Saad ni Claudine, “Siguro, both. Mahal ko pa rin siya. Hindi nawawala yun.

“I think hindi nawawala yung [love] kapag namatay ka o nawawala na yung pagmamahal mo.

“Kahit hindi na kami, nandoon pa rin.

"Lalo pa yatang lumalabas kung ano ang nararamdaman mo talaga towards the person kapag nawala na yung tao. Di ba?”

May pagsisi ba siya sa kinahinatnan ng relasyon nilang dalawa?

"Yes, meron," pag-amin ni Claudine.

"Mayroon akong pagsisisi na sana mas matagal ko siyang nakasama, sana nandoon ako nung nangyari yung dapat sana ay hindi nangyari. So, yun."

CLAUDINE barretto-RICO yan RELATIONSHIP

Isa sa pinakasikat na love teams noong late ‘90s hanggang early 2000 ang tambalan ng reel/real-life couple na sina Claudine at Rico.

Nag-umpisa silang magkamabutihan sa set ng pelikulang Dahil Mahal Na Mahal Kita (1998).

Continue reading below ↓

Kahit nagtambal na ang dalawa sa mga pelikulang Radio Romance, Madrasta (1996), at Flames The Movie (1997), ito ang unang pagkakataon na pareho silang single at available.

Noong panahong iyon, matagal nang hiwalay si Claudine kay Mark Anthony Fernandez.

Si Rico naman ay kakakalas lang sa longtime non-showbiz girlfriend nito.

Agad nahulog ang loob ni Rico kay Claudine dahil, ayon na rin sa mga nakakakilala sa kanya sa industriya, ay likas na malambing ang aktres.

March 4, 1998 noong opisyal na naging magkasintahan ang dalawa.

Inakala ng kanilang mga tagahanga na sila na ang magkakatuluyan.

Inilarawan pa ni Claudine si Rico na balang araw ay magiging isa itong “perfect husband” at “perfect father.”

Kaya’t ikinagulat ng marami nang pumutok ang balitang naghiwalay sila noong March 4, 2002, mismong araw ng ika-apat nilang anibersaryo bilang magkasintahan.

Sweet na sweet pa kasi sila sa telebisyon, habang nagpo-promote ng pelikulang Got 2 Believe, ilang linggo lang ang nakararaan.

Continue reading below ↓

Hindi alam ng karamihan noong matagal nang nagkakaproblema sina Rico at Claudine, kasama na rito ang kanilang matinding away.

Pero matagumpay nila itong naitago sa publiko, dahil na rin sa kanilang mga pelikulang pinagtatambalan.

March 29, 2002, ilang linggo matapos ang kontrobersiyal nilang away at hiwalayan, pumanaw si Rico habang nagbabakasyon sa Dos Palmas Resort sa Palawan.

Palabas pa rin noon sa mga sinehan ang pelikula nilang Got 2 Believe, kaya ganoon na lang ang pagkagulat ng mga masugid na tagasuporta ng binata na iyon na ang huling pagkakataong masisilayan ang aktor.

Ilan sa mga toprating teleserye na pinagsamahan nina Claudine at Rico ay ang Mula Sa Puso (1997-1999) at Saan Ka Man Naroroon (1999-2000).

Blockbusters din ang mga pelikula nilang Dahil Mahal Na Mahal Kita (1998), Mula Sa Puso The Movie (1999), at Got 2 Believe (2002).

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto reiterates love for late boyfriend Rico Yan: "I think hindi nawawala yung [love] kapag namatay ka o nawawala na yung pagmamahal mo.”
PHOTO/S: Courtesy: @claubarretto on Instagram / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results