Heart Evangelista recounts being penniless in 2007: “Thirty pesos lang laman ng ATM ko.”

by Bernie V. Franco
Feb 15, 2021
Althought Heart Evangelista came from a well-off family, there was a time that she also experienced not having money. “That was when I left my parents the first time around," she says. Heart reveals this happened around 2007, when she did the teleserye Hiram na Mukha (insert).
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram

Nagbalik-tanaw si Heart Evangelista, 36, noong mga panahong kinailangan niyang kumayod dahil wala siyang pera.

Nilisan daw kasi niya noon ang poder ng kanyang mga magulang at wala siyang choice kundi ang magtrabaho para magkapera.

Ito ang ikinuwento ni Heart sa YouTube video ng beauty doctor na si Dr. Aivee Teo nitong Valentine's Day, February 14, Linggo.

Hiningan ng reaksiyon si Heart sa throwback photos na ipinakita sa kanya.

Kabilang dito ang production photos ng ABS-CBN 2007 teleseryeng Hiram na Mukha, na kanyang pinagbidahan kasama sina Geoff Eigenmann at TJ Trinidad.

Kuwento ito ng babaeng hinamak dahil sa kanyang hitsura, pero naghiganti nang gumanda ang kanyang mukha.

Nilagyan si Heart ng maraming prosthetics para papangitin ang kanyang mukha sa TV show na ito.

Heart Evangelista throwback photo

Continue reading below ↓

Ito raw ang pinakamahirap na teleseryeng ginawa ni Heart.

“Super prosthetics. It was the hardest thing I’ve ever done,” pag-amin ni Heart, na nagsimula sa ABS-CBN bago lumipat sa GMA-7 noong 2008.

Sabi pa niya, “Ang hirap kumita ng pera.

“That was when I left my parents the first time around.”

Maykaya ang pamilya ni Heart. Anak siya ng restaurant magnate na si Reynaldo Ongpauco at ni Cecilia Ongpauco.

Nang umalis sa kanilang tahanan, iniwan din ni Heart ang marangyang buhay.

Dahil dito, naranasan niya ang hirap ng buhay at mawalan ng pera.

Binalikan pa ng aktres nang ilibre siya ng kanyang assistant dahil wala na siyang natitirang pera sa ATM.

“Si Ate Resty naglibre sa akin sa restaurant, oo. Wala akong pera.

“Thirty pesos lang laman ng ATM ko, so wala akong pang-dinner.

“So, Ate Resty made me libre to a Japanese restaurant,” kuwento ng aktres.

Napilitan din si Heart na iwan ang kinagisnang marangyang buhay at mamuhay nang simple.

Continue reading below ↓

“So, I had to start from scratch. So, change of lifestyle din ako—from my mom to ‘simplicity is beauty.’”

Pagtukoy niya sa Hiram Na Mukha, “And I had to do this because I had no money at that time. It was so super torture.”

Na-enjoy ba niyang gawin ang teleserye?

“No,” mabilis na sagot ni Heart.

Lahad niya tungkol sa karanasan, “Grabe ‘yan, tinawagan ko yung manager ko. ‘I can’t do this anymore,’ kasi I had to keep the prosthetics 'til 3:00 a.m. the next day.”

Pati raw ang paghinga ni Heart ay apektado dahil natatakpan ng prosthetics ang kanyang ilong.

Sabi pa ni Heart, tiniis siya ng kanyang mga magulang sa pag-asang babalik siya sa kanila.

“Even worse because my mom really wanted me to suffer so I [would] go back to her.

“So, talagang from all the comfort to nothing,” salaysay niya.

Si Heart ay nagkaroon ng love-hate relationship sa kanyang mga magulang, pero unti-unti itong naayos matapos niyang ikasal sa politikong si Chiz Escudero noong 2015.

Continue reading below ↓

Pero ang karanasan daw na iyon ni Heart ay naging daan para ipagpasalamat ang mga biyaya niya sa buhay.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Althought Heart Evangelista came from a well-off family, there was a time that she also experienced not having money. “That was when I left my parents the first time around," she says. Heart reveals this happened around 2007, when she did the teleserye Hiram na Mukha (insert).
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results