Mayor Vico Sotto warns against online purchase of vaccines: “Mali ang handling, maglolokohan lang kayo niyan.”

by Jet Hitosis
Feb 16, 2021
Vico Sotto, vaccines sold online
Pasig City Mayor Vico Sotto: “Dapat dumaan sa nasyonal na pamahalaan ang pagbili ng kahit anong bakuna. For our safety.”
PHOTO/S: @coneyreyes, @vicosotto on Instagram

Nagbabala si Pasig City Mayor Vico Sotto sa publiko laban sa mga bakunang ibinebenta online.

Nitong Lunes ng gabi, February 15, nag-post ang 31-year-old local executive sa Instagram at Twitter ng litrato ng “Pfizer vaccines” na nakasalansan sa isang kahon.

Ang litrato ay mahihinuhang ipinost ng isang online seller.

Sa caption, sinabi ng online seller na “bagong dating” ang mga bakunang iyon na gawa ng Pfizer.

Ang nabanggit na bakuna—na pneumococcal vaccine, o itinuturok para maibsan ang epekto o tuluyang makaiwas sa pneumonia—ay ibinebenta ng “60k for 50 vials.”

Sa kanyang babala, hinikayat ni Mayor Vico ang publiko na huwag bibili ng bakuna mula sa mga online seller.

“Picture pa lang kita nang mali ang handling,” sabi pa ng alkalde. “Maglolokohan lang kayo niyan.”

Paalala ni Mayor Vico: “Dapat dumaan sa nasyonal na pamahalaan ang pagbili ng kahit anong bakuna. For our safety.”

Ipinahihiwatig ng alkalde na ang anumang bakunang ibebenta sa merkado ay kailangang aprubado ng gobyerno, partikular ng Food and Drug Administration (FDA).

Continue reading below ↓

Ang FDA kasi ang titiyak kung ligtas ang bakuna para gamitin sa tao.

vico sotto instagram photo of covid-19 vaccine being sold online

VICO SOTTO ON COVID-19 VACCINE

Sa usapin naman ng pinakaaabangang bakuna kontra COVID-19, nilinaw ni Mayor Vico na mga medical frontliners, gaya ng mga doktor, nurse, at medical staff, ang “mauunang bakunahan.”

Ito ay alinsunod sa priority list ng mga tatanggap ng libreng bakuna mula sa gobyerno.

Continue reading below ↓

Una sa priority list ang medical frontliners, kasunod ang mahihirap na senior citizens, ang iba pang senior citizens, ang persons with disabilities (PWDs), at ang uniformed personnel, tulad ng mga pulis at sundalo.

Ang Pasig City ang kauna-unahang local government unit (LGU) sa bansa na nakapagprisinta sa national government ng vaccine plan na aprubado ng World Health Organization (WHO) at Department of Health (DOH).

Kailangang maaprubahan muna ng gobyerno ang vaccine plan ng isang LGU bago ito bigyan ng parte sa national stockpile ng bakuna kontra COVID-19.

Ibig sabihin, ang Pasig ang isa sa mga LGU na unang makapagsasagawa ng mass inoculation sa mga residente nito.

PASIG’S VACCINE PLAN

Ngayong Martes ng umaga, February 16, nagsagawa ang Pasig ng simulation sa COVID-19 inoculation program nito.

Inaasahan kasing darating na sa bansa ngayong February ang paunang batch ng COVID-19 vaccines.

“We don't know exactly when they will arrive,” sinabi ni Mayor Vico sa mga mamamahayag, tinukoy ang bakuna kontra COVID-19.

Continue reading below ↓

“Basta ang importante, and lungsod ng Pasig, handa anytime.

“Kahit mamayang hapon dumating iyan ready na kami,” sabi ng pinakabatang alkalde sa Metro Manila.

Batay sa vaccine plan ng Pasig na isinapubliko ni Mayor Vico nitong January 26, 2021, target ng pamahalaang lungsod na mabakunahan ang 195,912 indibidwal na nasa priority list ng lungsod.

Mayroong 16 vaccination sites ang siyudad, na matatagpuan sa mga ospital at mga pampublikong eskuwelahan.

Sa bawat site, mayroong tatlong team—o 70 medical personnel at support staff—na magbabakuna sa 348 indibiduwal bawat araw.

Sa kabuuan, target ng Pasig na mabakunahan ang 5,568 indibidwal kada araw, ayon sa vaccine plan ng LGU.

NOT BRAND-CONSCIOUS

Nasa PHP300 million ang inilaan ng Pasig City na pambili ng COVID-19 vaccines para sa mamamayan nito.

Bukas naman si Mayor Vico sa pagbili ng kahit na anong brand ng COVID-19 vaccine basta inaprubahan ito ng FDA.

“Basta sinabi ng mga eksperto na safe ito [FDA-approved COVID-19 vaccine], mabisa ito, willing kami bumili,” sinabi ng alkalde sa media ngayong Martes.

Continue reading below ↓

“If there are two available brands, we will choose which is more cost effective.

“Pero if there is only one brand available, hindi din tayo makakapili. That’s the reality,” sabi ni Mayor Vico.

Sa regular press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Martes, inamin niyang nagkaroon ng delay sa pagdating sa bansa ng paunang batch ng bakuna kontra COVID-19.

Sa kabila nito, tiniyak ni Roque na darating na ngayong Pebrero ang initial supply ng aabot sa mahigit 200,000 doses ng bakuna.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pasig City Mayor Vico Sotto: “Dapat dumaan sa nasyonal na pamahalaan ang pagbili ng kahit anong bakuna. For our safety.”
PHOTO/S: @coneyreyes, @vicosotto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results