Ruffa Gutierrez reveals reconnecting with ex-husband Yilmaz Bektas; is she open for reconciliation?

by Jerry Olea
Feb 16, 2021
Ruffa Gutierrez on ex-husband Yilmaz Bektas: “In seven to nine years na magkasama kami—nagpakasal kami, nagkaroon kami ng dalawang anak, lumipat ako ng ibang bansa, iniwan ko yung career ko, iniwan ko yung pamilya ko, naghiwalay kami. Ang daming ganap in those years. And siya yung klaseng pain na gusto mo nang kalimutan at ibaon sa lupa."
PHOTO/S: YouTube / YES! Magazine

Nag-uusap na muli nang masinsinan si Ruffa Gutierrez at ang ex-husband niyang si Yilmaz Bektas.

Posible bang magkabalikan sila ni Yilmaz, na isang Turkish businessman?

“Si Yilmaz lang yung lalaki na hanggang ngayon, iniiyakan ko pa rin,” pag-amin ni Ruffa sa virtual mediacon noong Pebrero 15, Lunes ng hapon.

“Kasi, may anak kami. At yung sa amin ni Yilmaz kasi, malalim. May dalawang anak kami.

“In seven to nine years na magkasama kami—nagpakasal kami, nagkaroon kami ng dalawang anak, lumipat ako ng ibang bansa, iniwan ko yung career ko, iniwan ko yung pamilya ko, naghiwalay kami.

“Ang daming ganap in those years. And siya yung klaseng pain na gusto mo nang kalimutan at ibaon sa lupa.

“Na ayaw mo nang maramdaman yung klaseng pain na ‘yon. Kasi, iniwan ko siya na mahal na mahal ko pa rin siya.

“Pero mas mahal ko yung sarili ko. Yun ang nangyari sa amin, e. Hindi naman dahil nag-fall out of love ako sa kanya.

Continue reading below ↓

“It’s more of... I had to learn how to love myself first. And now, nag-uusap kami. Nag-uusap kami ni Yilmaz ulit, and nare-realize niya that time is so precious.

“That we’re getting old na, and he wants to spend time with the kids. So, sabi ko kay Yilmaz, let’s do first... step by step muna.

“Let’s try to be co-parents to our children first, you know. Kasi, hanggang ngayon, ako daw ang pinaka-greatest love niya.

“Siyempre, talagang mahirap talaga akong kalimutan,” napangiting sambit ni Ruffa sabay flip ng kanyang hair, na hinaplus-haplos pa niya.

“Ganun talaga! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ganun talaga ang life. Masarap talaga akong magmahal kaya talagang... hindi talaga ako makakalimutan, hello!

“But, ahhmm... yun, gusto niya kasi, he’s trying to make right for the kids.

“And sabi ko, ‘Teka muna, step by step muna. Let’s see first. Itupad mo muna yung sinasabi mo, pupunta ka dito para bisitahin yung mga anak mo. Saka tayo mag-usap.’

Continue reading below ↓

“Kasi, ilang beses nang puro promise nang promise. Hindi naman natutupad, di ba?

“He’s supposed to come this summer, sa June.”

WILL RUFFA gutierrez VISIT YILMAZ bektas IN TURKEY?

Pupuntahan ba niya si Yilmaz sa Turkey?

“Hindi,” mabilis na tugon ni Ruffa.

“Gusto niya kasi, kung hindi raw matuloy dito, depende nga sa pandemic and sa travel restrictions, kami ang pumunta dun.

“So, sabi niya, ‘OK, pwede kang pumunta dito, bring your mom, bring your dad, bring everyone in your family. Kung gusto mo, magdala ka rin ng date mo. Pero kung may date kang dala, tell him to buy just a one-way ticket. Kasi, hindi na siya makakabalik.’

“‘HAAA?!!!’ sey ko. Nalokah ako! Sabi ko, ‘Oh my gosh!’ Sabi ko, ‘Ahhh... Yilmaz, akala ko, nagbago ka na? Bakit ganyan?’

“Di ba, nakakalokah? ‘Bumisita siya pero one-way ticket lang ang bilhin niya dahil hindi na siya makakabalik.’ Na-stress naman ako dun!”

Continue reading below ↓

ON SPEAKING TERMS AGAIN

Ikinasal sina Ruffa at Yilmaz, isang Turkish businessman, sa isang mala-fairytale wedding ceremony noong March 25, 2003.

Sinundan ito ng isang Muslim rites na ginanap sa Arcarkent, Istanbul, Turkey noong September 4, 2003.

Nagkaroon sila ng dalawang anak na babae ni Ruffa—sina Lorin, 17, at Venice, 16.

Mayo 8, 2007 nila ini-announce ang kanilang paghihiwalay.

Paano ba sila nagkausap muli ni Yilmaz? Ano ang nangyari?

“Usually, we talk naman once or twice a year,” mabining sansala ni Ruffa.

“Minsan, mahaba at reminiscing iyong usapan namin. Minsan, nag-aaway kami. Minsan, nagsusumbatan kami. Ganun yung stage namin.

“Pero nung naka-lock in ako sa Stay-In Love, tumawag siya. And yun... parang pinag-usapan namin yung mga bata. Pinag-usapan namin ang past namin.

“The thing is, every time I talk to Yilmaz, I always end up crying. The pain in my heart talaga, ganun kalalim.

“Kasi, iyong mga binabanggit natin na mga love-love diyan, or mga nagpaparamdam, ano lang ‘yan, e.

Continue reading below ↓

“It’s inspiration. Pampakilig, pampasaya ng buhay. Di ba?

"Itong nangyari sa amin ni Yilmaz, may dalawa kaming anak.

“So, yung... itinatago kong pain nang ilang years, na nakalimutan ko na siya, tuwing kausap ko siya, bumabalik yung pain na ‘yon.

“So, sabi ni Yilmaz, ‘Do you want me to stop calling you?’ Sabi ko, ‘Well ...’ Minsan, hindi ko siya sinasagot. Kasi, nakikita na rin ng mga anak ko, parang umiiyak ako.

“So, nag-reconnect kami nung naka-lock in ako for Stay-In Love. And, ahhh... ayun, I think Yilmaz is ready to see us again. Let’s see what’s gonna happen.”

CO-parentinG

Labintatlong taon na ang lumipas mula nang huli silang nagkita ni Yilmaz.

“That’s why yung last na pinadala niya, he sent a poem about 13 years na missing us,” paghugot ni Ruffa ng buntong-hininga.

“Ahhh, yun. Iba. Iba si Yilmaz. Kasi, may dalawang anak kami, e.”

Ano ang insights nina Lorin at Venice sa co-parenting?

Continue reading below ↓

The possibility of co-parenting... naiiyak sila, nami-miss nila yung daddy nila,” salaysay ni Ruffa.

“But I think, it’s been 13 years since they last saw him, naging bato na rin sila, you know.

“Minsan, nandiyan yung anger. Minsan, nandiyan yung... ‘OK, we love him but is he really gonna come?’

“Alam mo, masakit din iyan para sa mga anak ko, ha? Magaling lang sila sigurong magtago, katulad ko.

“Nakatago lang siya, ayaw mo siyang buksan. Because if you open it, it’s gonna open wounds and pains.

“So, for me, ahhmm... nakikita ko kina Lorin na fighter sila. Sabi ni Lorin, ‘Mommy, I’m turning 18 this year!’

"Si Venice naman is turning 17 this year, ‘We’ve survived.’ “I was a mom and a dad to both of them. And hindi naman ako ipinanganak na bilyonaryo, so, sariling sikap talaga.

“Kumayod talaga ako for me to give them the best education.

“And gusto ko lang ipaalam, and ipakita kay Yilmaz na kayang-kaya ko. Na kahit wala siya, wala akong nakuha kahit isang kusing sa kanya, but kinaya kong palakihin yung mga anak ko.

Continue reading below ↓

“See, I get emotional again,” gumagaralgal na bulalas ni Ruffa.

HER GREATEST LOVE?

Si Yilmaz ba ang greatest love ni Ruffa?

May bahid ng pait ang ngiti ni Ruffa, “There are different kinds of love. So, meron akong puppy love. Meron akong first love.

“Si Yilmaz ang greatest love ko. Pero ang pinaka-excited na excited ako, kung sino ang magiging forever love ko. The one that I’m gonna grow old with.

“Hindi naman ibig sabihin, greatest love mo, iyon ang makakasama mo habambuhay. Hindi.

“So, I’m excited for that chapter na sinong kasama ko? Ang peg ko kasi, mommy and daddy ko, e. They’ve been together for 50 years and through it all, they’re still together.

“I don’t think I’ll live another 50 years. Pero sana, the next 30 years, meron akong kasama hanggang dulo.

“Kung sino naman iyon, it’s either baka nakilala ko na siya, at nagbabalik siya, or nakilala ko siya ulit recently. Or baka hindi ko pa siya nakilala at all.

Continue reading below ↓

“Hindi natin masasabi. Only time will tell. And for me, what’s meant to be, is gonna happen, di ba?”

Si Ruffa ang panganay at nag-iisang anak na babae nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

May chance pa ba ang forever sa kanila ni Yilmaz?

“Hanggang ngayon kasi, may fear. May fear pa rin ako, e,” matamang saad ni Ruffa.

“So, pag may fear, mahirap.”

Ayaw ni Ruffa na maulit ang pinagdaanan niya noon sa piling ng dating asawa.

“Hindi naman natin ginusto iyong nangyari dati, e. Like I said, merong akong kanta for him,” sabi ni Ruffa.

“Ang kanta ko for Yilmaz is... iyong kanta ni Dionne Warwick.... 'I’ll Never Love This Way Again.'

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez on ex-husband Yilmaz Bektas: “In seven to nine years na magkasama kami—nagpakasal kami, nagkaroon kami ng dalawang anak, lumipat ako ng ibang bansa, iniwan ko yung career ko, iniwan ko yung pamilya ko, naghiwalay kami. Ang daming ganap in those years. And siya yung klaseng pain na gusto mo nang kalimutan at ibaon sa lupa."
PHOTO/S: YouTube / YES! Magazine
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results