Vin Abrenica laughs off "sobra sa gluta," "kamay ng vampire" comments about Sophie Albert's fair skin tone

by Arniel C. Serato
Feb 17, 2021
Vin Abrenica Sophie Albert engagement
Vin Abrenica reacts to funny comments of netizens about Sophie Albert’s fair skin tone: "San ba banda dito ang maputi?"
PHOTO/S: Courtesy: @vinabrenica on Instagram

Tinawanan lang ni Vin Abrenica ang komento ng ilang netizens tungkol sa maputing kamay ng kanyang fiancée na si Sophie Albert.

Sobrang puti raw kasi nito na animo’y wala nang dugo.

Vin Abrenica, Sophie Albert engagement ring photo

Inanunsiyo nina Vin at Sophie ang engagement nila sa Instagram nitong Sabado, February 13.

Continue reading below ↓

Sa Facebook post ng GMA News Online noong araw ring iyon, ibinahagi rito ang engagement photos nina Vin at Sophie.

Bahagi ng post ng GMA News Online: “You'll never know when you are truly ready until you realize who you're living and breathing for.”

"Isang araw bago ang Valentine’s Day, ibinahagi ni Sophie Albert at Vin Abrenica sa kanilang Instagram posts na engaged na sila sa isa't isa mula pa noong Disyembre.”

Continue reading below ↓

Kalakip nito ang larawan ng kamay nina Vin at Sophie na magkahawak habang kita ang engagement ring ng aktres.

Kapansin-pansin na lutang na lutang ang kaputian ng kamay ni Sophie, kumpara kay Vin, kaya ang ibang netizens ay hindi mapigilan ang magkomento at magtaka.

Narito ang ilang nakakatawang komento ng netizens:

netizens react on sophie albert fair skin tone

Continue reading below ↓

netizens jokes on sophie albert being a vampire netizens react on sophie albert fair skin tone

Continue reading below ↓

VIN ABRENICA REACTS

Nakarating kay Vin ang mga nakakatawang biro ng netizens. Pero hindi naman siya nagalit o napikon sa mga ito.

Sa halip ay nagpasalamat pa siya sa nag-uumapaw na mensahe ng mga ito kahit parang pinupulaan nila ang kaputian ng kamay ni Sophie.

Hindi man ito base sa mga komento sa GMA News Online post, magkahawig ang mga komento doon sa nabasa ni Vin na kanyang ibinahagi sa Instagram.

Kahapon, February 16, nag-post si Vin ng mensahe para sa netizens kung saan sinamahan niya ito ng larawan nilang dalawa ng girlfriend.

Makikitang maputi talaga si Sophie kumpara sa kanya.

Mensahe ng aktor sa caption: "What's the commotion all about? We love and appreciate all your warm and sweet greetings!

"Di ko maiwasang makita yung reactions and comments sa kamay ni @itssophiealbert kesyo sinasabi na

"A. Sobra sa gluta

"B. Anong brand ng sabon/lotion niya

"C. Anemic

"D. Kamay ng Vampire

Continue reading below ↓

"E. Kasama sa Adam's Family at iba pa.

"San ba banda dito ang Maputi? Hindi naman halata (three face with tears of joy emojis) #NoFilter"

View this post on Instagram

A post shared by Vin Abrenica (@vinabrenica)

Natawa rin si Sophie sa post ng kanyang fiancé.

Sophie Albert replies to Vin Abrenica post; laughs off netizens reaction

Magkaka-baby na ang dalawa dahil buntis na ngayon si Sophie.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vin Abrenica reacts to funny comments of netizens about Sophie Albert’s fair skin tone: "San ba banda dito ang maputi?"
PHOTO/S: Courtesy: @vinabrenica on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results