Kristoffer Martin’s former live-in partner speaks up about their failed relationship: "I think he had someone else."

by Bernie V. Franco
Feb 17, 2021
AC Banzon, Kristoffer Martin's former live-in partner, on breakup with the Kapuso actor: “No. To be honest po, no po. It wasn’t a mutual decision. It was basically his decision.”
PHOTO/S: Facebook (AC Banzon)

Nagsalita na ang dating live-in partner ni Kristoffer Martin na si AC Banzon hinggil sa kanilang breakup at kung bakit sila naghiwalay.

Pitong taon ang itinagal ng kanilang relasyon.

Si AC ang ina ng four-year-old daughter ni Kristoffer na si Pré.

Noong January 21, 2021 ay ibinunyag ni Kristoffer sa GMA News program na 24 Oras na isa na siyang ama.

Inamin din ng 26-year-old actor sa interview na hiwalay na sila ng ina ng bata, pero hindi niya pinangalanan si AC.

Tungkol sa kanilang paghihiwalay, ani Kristoffer, “It didn’t work out, e. We talked about this, nag-usap talaga.

"Ayoko na siya… I won't go into details kasi hindi naman dapat na sabihin yun, e,” matipid na sagot ng Kapuso actor.

Kinabukasan, January 22, nakipag-ugnayan ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay AC upang kunin ang kanyang pahayag tungkol sa rebelasyon ni Kristoffer.

Kinumpirma ni AC sa amin na siya nga ang ina ng anak ni Kristoffer.

Continue reading below ↓

Tinanong namin siya kung gusto ba niyang magsalita, subalit nag-alinlangan siya.

Mensahe niya noon sa amin: “The breakup was quite recent and I’m afraid I won’t be able to divulge the necessary details regarding the reason po for the breakup.”

Hindi na kami nagpumilit.

Pagkatapos ng tatlong linggo, muling nagparamdam si AC sa PEP.ph.

Humingi siya ng paumanhin nang una namin siyang tinanong kung nais niyang ibigay ang kanyang panig.

Noong una raw kasi, nais niyang protektahan si Kristoffer. Pero nadismaya raw siya sa mga sumunod na pangyayari sa kanila.

Mensahe ni AC: “At first I didn’t wanna put my ex on that much spot po kasi.

“Thought that I shouldn’t hurt people just because people hurt me.

“It’s just that I’m sort of disappointed of the sequence of events.”

Hindi siya nagdetalye kung ano ang ibig niyang tukuyin.

Tinanong namin muli si AC kung nais niyang ilabas ang kanyang panig. Sa pagkakataong ito ay pumayag na siya.

Continue reading below ↓

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph si AC sa pamamagitan ng tawag sa Viber nitong Martes ng hapon, February 16.

AC banzon SAYS KRISTOFFER BROKE UP WITH HER

Tinanong ng PEP.ph si AC kung ano ang nagpabago ng kanyang isip at pumayag na siyang magsalita.

Sagot niya: “I decided to speak up, kasi super daming nagmi-message sa akin.

“A lot of people have been asking me kung baka ganito ako, kaya ako iniwan [ni Kristoffer]... Parang mga gano’n.

“And I know I’ve been silent for a while. Sumasagot lang po ako sa stories ko sa Twitter.

“Pero siguro, this is the right time din.”

Si AC, 26, ay taga-Olongapo. Staff member siya ng Corporate Communications department ng isang bangko.

Kumusta na siya pagkatapos ng breakup nila ni Kristoffer?

“I’m moving forward naman po. I’m focusing on my daughter, and my work, and family,” pakli niya.

Inamin ni AC sa amin ang petsa ng breakup nila ng Kapuso actor.

Continue reading below ↓

“The official breakup took place December 19, [2020]. So, before Christmas.

“And before po siya mag-lock-in taping, we were still together.”

Kristoffer Martin, AC Banzon in Japan

Si Kristoffer ay bahagi ng upcoming Kapuso afternoon drama series na Babawiin Ko Ang Lahat.

Naganap ang lock-in taping nila mula November 18 hanggang December 18, 2020.

Continue reading below ↓

Ibig sabihin, nakipaghiwalay si Krisoffer kay AC isang araw matapos niyang makabalik mula sa lock-in taping.

Gaano katagal ang kanilang relasyon?

“Seven years po," sagot ni AC.

Mutual decision ba ang kanilang paghihiwalay?

Hindi agad nakasagot si AC.

Pagkatapos ng ilang sandali, sabi niya: “No. To be honest po, no po. It wasn’t a mutual decision. It was basically his decision.”

Ikinagulat daw ni AC ang naging pahayag ni Kristoffer sa interview na ang relasyon nila “didn’t work out.”

Saad niya, “I was shocked din po with that statement—that it didn’t work out.

“Maybe it didn’t work out towards the end… for him.”

Inamin ni AC na naghabol siya kay Kristoffer sa pag-asang magkakaayos pa sila, at para na rin sa kanilang anak.

“I tried to work it out po talaga. As in I chased after him.

“Siyempre, given the situation na hindi lang naman po ito decision naming dalawa. There’s a child involved.

Continue reading below ↓

“So, I really tried to work things out with him. Like, to settle yung mga issues namin together, because I thought we were okay.

“Kasi before siya pumunta ng taping, super okay pa kami. Super okay pa kami talaga.

“And then, nagulat na lang din ako po. Na after the taping, ganun na.

“After niyang makipaghiwalay, I stayed.

“Kasi I don’t wanna be the person na maaalala niya na nung napagod siya, sinukuan ko siya agad. So, 'yon...”

THIRD PARTY INVOLVED

Inusisa namin si AC kung tinanong ba niya si Kristoffer kung bakit ito nakipaghiwalay.

Saad niya, “Of course. I asked for the reasons what happened. What made him decide to end things with me.

“If ni-reconsider po ba niya yung desisyon niya.

“And he explained to me na baka napagod lang daw po siya. Napagod siya.

“Mostly, yun ang explanation niya po. Right after the taping, that’s what he told me na, ‘Pagod na ‘ko.’”

Continue reading below ↓

Tinanggap ba ni AC na tapos na ang lahat sa kanila nang makitang desidido na si Kristoffer sa desisyon nito?

“Yes po, because…”

Sabat namin, “Kasi naghiwalay kayo, e.”

Sagot ni AC, “Kasi may contributor dun din sa desisyon niya.”

Ibig ba niyang sabihin ay may third party involved?

Hindi muna agad sumagot si AC.

Pero pag-amin niya, “Ahhh, I think he had someone else during his lock-in taping.”

Inamin naman daw ito sa kanya ni Kristoffer.

“If you are asking po if he admitted, yes po. But after the breakup na po.

“I mean, mga more than a week after [the breakup].”

Pinangalanan ba ni Kristoffer kung sino ang babae?

“No po. No po,” sagot ni AC.

AC, TWO MONTHS AFTER THE BREAKUP

Ano ang naging reaksiyon niya matapos ang pag-aming ito ni Kristoffer?

“I cried. Hahaha! And then I asked him what happened. What led to that. And if ayaw na ba talaga niya.”

Continue reading below ↓

So, moving forward na si AC ngayon?

“Yes. I’m getting there po.”

Anong percentage niya sa sarili sa kanyang pagmu-move on?

“Hindi na po ako dun sa nasasaktan, e.

“It’s more of disappointed. More of that siguro.

“Disappointed na I wasn’t given the respect na parang deserve ko, gano’n.

“If I’ll be asked about the percentage, around 80 percent.”

Nilinaw namin kung nagsama ba sila ni Kristoffer sa iisang bubong.

"Yes po," tugon ni AC.

"We lived together po for, I think, siguro mga more than four years din or five years din po siguro.”

Kumusta ang relasyon nila ngayon ni Kristoffer pagkatapos maghiwalay?

“Right now, we’re not on speaking terms.

"In terms of co-parenting, we haven’t really discussed it po.”

Wala rin daw silang pag-uusap lately.

“Everything is kinda fresh to me and my family," paliwanag ni AC.

“Siguro, kasi nga po, parang when we’re trying to heal, parang nababakbak yung sugat, parang gano’n po.”

Continue reading below ↓

Nangangahulugan ba itong mag-isa niyang inaaruga at pinapalaki ang anak nila ni Kristoffer?

“Yes po. Last time he was here, siguro around last month po, nagbigay lang siya ng milk."

Napagdesisyunan daw nilang huwag munang mag-usap dahil nga may kirot pa silang nararamdaman.

Ngayon daw ay hindi tumatawag si Kristoffer.

Ani AC, “Feeling ko, he wanted to give us the time. Baka nirerespeto niya po yung desisyon namin na huwag na muna kaming kausapin.”

AC Banzon

Continue reading below ↓

Nakakausap ba ng aktor ang kanyang anak kapag gusto nitong tumawag?

“Now po, hindi,” sagot ni AC.

“Hindi pa po talaga kami nakakapag-usap on what we’re gonna do with the future with regards to Pré and all.

“So, parang before po kasi, we kinda had an argument. And then, I was firm that I was planning to raise her alone.”

Aminado si AC na nagtatanong ang kanyang anak kung nasaan ang ama nito.

“She’s been asking, ‘Where’s Daddy?’ And kasi, since galing po siya ng lock-in taping, sinasabi din namin before na kaya wala si Ton [Kristoffer] because nasa work.

“So, sinasabi na lang din po namin pag nagtatanong siya na he’s at work.”

Inusisa namin si AC kung bakit noong una namin siyang tanungin ay hindi siya agad pumayag na magsalita, at tila nais pa niyang protektahan ang reputasyon ng dating kasintahan.

Paliwanag niya, “Siguro po hindi kasi ako yung katulad niya kung gaano siya kabilis naka-move on.

Continue reading below ↓

“I loved this person for seven years. Minahal ko po siya nang buo talaga.”

Pinigilan din daw ni AC ang kanyang mga magulang noong gusto nilang kausapin si Kristoffer nang makipaghiwalay ito sa kanya.

“Sinasabi ko na lang, ‘Please, huwag niyo nang i-message si Ton. Maybe he’s just confused. Maybe he’s just lost.’

“So, sabi ko, 'Let’s not add dun sa nararamdaman niya ngayon.'”

Nagpupuyos daw sa galit ang mga magulang ni AC dahil sa pakikipaghiwalay ng aktor sa kanya.

Lahad ni AC, “There are times na parang puputok na sila sa galit talaga.

“And then, sabi ko, it’s not because someone hurt you, you’ll hurt that person back.

“And sabi ko talaga, I wanted to be the bigger person.”

NOT HIDING THEIR CHILD

Binigyang linaw rin ni AC ang mga paratang sa kanila ni Kristoffer ng ibang tao, tulad ng paglilihim umano sa kanilang anak.

Paliwanag ni AC, hinintay muna ni Kristoffer na matapos ang kanyang kontrata bago ibunyag ang tungkol sa kanilang anak.

Continue reading below ↓

“Nag-decide siya after the contract has ended, ilalabas din naman niya.

“But sabi naman din niya na whenever someone’s asking if anak ba niya ‘yon kapag kasama namin sa mall, he never denies her.

“But siguro, di lang namin siya ni-reveal po that time.”

ON MOTHERHOOD

Tinanong ng PEP.ph si AC kung ano ang mga susunod niyang plano.

Saad niya, “I’m focusing on my daughter, my work, and my family. Yun po muna.

“Kasi for me, I can’t go into a relationship if I’m not healed.

“It would be unfair for the person na, for sure, ibibigay niya lahat and then ako di pa pala ako okay.”

Kumusta naman ang pagiging isang ina?

“It’s challenging, hahahaha! Pero hindi po kasi ako pinahirapan ni Pré in the beginning.

“So, masaya na paggising mo, may ki-kiss sa ‘yo. Actually, naging strong talaga ako kasi ayaw talaga niya akong nakikitang umiiyak.

“When she sees me cry, she also cries. And then kapag umiiyak ako, nagpa-panic siya, and then she’ll tell me, ‘Mommy, don’t cry.’

Continue reading below ↓

“Parang it turns out, before po pala, Ton told her, ‘Whenever you see mommy cry, you tell her not to cry,’ and parang, ‘Patawanin mo siya. You make her happy,’ ganon-ganon.

“So, masunurin naman po.”

Kristoffer Martin ex-live in partner, AC Banzon

LESSONS LEARNED AFTER THE BREAKUP

Ano ang mga natutunan ni AC nang magtapos ang pitong taong relasyon nila ni Kristoffer?

Continue reading below ↓

Sa sagot ni AC, matutukoy kung ano ang mga posibleng dahilan ni Kristoffer para makipaghiwalay ito sa kanya.

“In terms of handling a relationship, I think it’s important to communicate.

“Kasi before, Ton told me, ‘I’ve been telling you this. I’m not okay, but you didn’t listen.’"

Pagpapatuloy ni AC, “It’s important to listen. It’s important to communicate, and it’s important to be consistent to your partner from start to finish.

“It’s important also that you trust each other, more than love.

“I think mas importante talaga yung trust and respect.”

Pagdating naman sa breakup, payo ni AC: “It’s important to know your self-worth.

“Siguro that’s what made me pick myself up, that’s what made me realize na parang hindi ko kailangan ilugmok nang sobra yung sarili ko.

“Because I know in myself na matino naman akong babae.

“Minahal ko siya nang totoo. Minahal ko siya nang tama, tama para sa akin.

Continue reading below ↓

“But things siguro don’t always work out, yung gusto kung paano mo siya gusto mag-work out.”

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ni Kristoffer hinggil sa mga pahayag na ito ni AC.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AC Banzon, Kristoffer Martin's former live-in partner, on breakup with the Kapuso actor: “No. To be honest po, no po. It wasn’t a mutual decision. It was basically his decision.”
PHOTO/S: Facebook (AC Banzon)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results