Cassy Legaspi, Darren Espanto exchange kilig tweets about cup noodles; did Darren send Cassy a bouquet of flowers?

by Rachelle Siazon
Feb 18, 2021
On Valentine's Day, Cassy Legaspi posts photos of a bouquet of sunflowers together with a cup of instant noodles. Is the caption that reads "wag na tampo" meant for Darren Espanto?
PHOTO/S: @LegaspiCassy Twitter / @darrenespanto Instagram

Nabuhay ang espekulasyon tungkol sa hinihinalang namumuong espesyal na relasyon sa pagitan nina Cassy Legaspi, 20, at Darren Espanto, 19.

Nagsimula ito sa agaw-pansing palitan ng kilig tweets nina Cassy at Darren tungkol sa pagluluto ng instant cup noodles para sa taong mahal nila.

Si Darren ay Kapamilya singer na kasalukuyang nakabase sa tirahan nito sa Canada dahil sa COVID-19 pandemic.

Si Cassy ay Kapuso actress na bahagi ng upcoming prime-time series na First Yaya.

Nagsagawa si Darren ng poll via Twitter noong gabi ng February 10.

Inalam ni Darren kung tulad niya ay may ibang netizens na naniniwalang ang simpleng pagluluto ng cup noodles ay pagpaparamdam ng pag-aalaga sa taong mahal niya.

Tweet ni Darren: "Pag mahal mo ang isang tao, gagawan mo ba siya ng cup noodles pag humingi siya, o hindi, kasi sobrang dali lang gawin?"

Darren Espanto tweets about making cup noodles for someone you love

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Darren, may nais kasi siyang ipunto ukol sa simpleng gesture na ito.

"Wag na po kayong mag tanong, I’m trying to prove a point. HAHAHA seryoso ‘to."

Darren Espanto explains that he is serious with the question

Marami sa mga sumali sa poll ang sumang-ayon kay Darren.

Ang netizens na sumagot na "Oo, gagawan ko siya" ay may score na 67.4 percent; habang ang nagsabing "Hindi, kaya na niya yan" ay may score na 32.6 percent.

Continue reading below ↓

Marami rin sa mga kaibigang artista ni Darren ang nagsabing hindi sila magdadalawang-isip na gawan ng cup noodles ang taong mahal nila.

Kabilang si Cassy sa nag-reply sa Twitter thread ni Darren.

Ani Cassy, "I would, in a heartbeat." Nilagyan pa niya ito bowl of noodles emoji.

Kalakip ng rolling eyes emoji, balik-sagot ni Darren, "NO, YOU JUST SAID YOU WOULDN’T."

Naka-all caps ang tweet ni Darren na waring may himig na pagtatampo kay Cassy.

Depensa naman ni Cassy sa sarili, "I WAS JOKING, OF COURSE I WOULD." Nilagyan din ito ni Cassy ng rolling eyes emoji.

Cassy Legaspi replies to Darren tweet; Darren reacts

Continue reading below ↓

Lumalabas na may nauna nang pribadong pag-uusap ang dalawa kung sila ba iyong tipo na gagawan ng cup noodles ang taong mahal nila.

Hindi kasi makikita sa Twitter thread ang sinasabi ni Darren na pagkontra sa kanya ni Cassy.

Dahil dito, tila si Cassy ang dahilan kung bakit naglunsad si Darren ng poll sa Twitter.

May payo naman kay Darren ang twin brother ni Cassy na si Mavy Legaspi.

Sabi ni Mavy (published as is), "ang sagot dyan @Espanto2001, ay... 'babe, tulog nalang tayo.'"

Sagot ni Darren na may kasamang laughing emojis, "ewan ko sa’yo Maverick."

Cassy twin, Mavy Legaspi replies to Darren tweet; Darren comments back

Continue reading below ↓

CASSY AND DARREN'S CUTE EXCHANGE PART 2

Hindi pa roon natapos ang kulitan, na tila may halong lambingan, nina Cassy at Darren.

Kinabukasan, February 11, nag-tweet si Cassy ng malamang mensahe na may kinalaman pa rin sa cup noodles.

Tweet ng Kapuso actress (published as is): "Good Evening everyone [crescent moon emoji]

"except for the guy who still thinks I wouldn’t make cup noodles for the person I love [rolling eyes emoji]."

Muling nag-reply si Darren, at tila hindi pa rin ito kumbinsido na si Cassy ang tipo na gagawan ng cup noodles ang taong mahal nito.

Kalakip ng laughing emoji, hirit ni Darren, "For real, that’s so sad. I feel bad for the guy."

Cassy Legaspit, Darren Espanto tweet exchange

Continue reading below ↓

Ang kaibigan ni Cassy na si Samantha Cruz ay nag-reply na kilala raw niya ang "guy" na tinutukoy ng Kapuso actress.

Pero nagkibit-balikat lamang si Cassy, na ayaw tumbukin kung mayroon man silang pribadong debate ni Darren tungkol sa cup noodles.

Sam Cruz hints that she knows what's going on; Cassy replies

CASSY POSTS PHOTO OF FLOWERS WITH CUP NOODLES

Hindi naman magkamayaw sa kilig ang fans nina Cassy at Darren, o kilala sa uniname na CassRen.

Continue reading below ↓

Tuwang-tuwa sila dahil tingin nila ay nagpapahiwatig ng pagsinta sa isa't isa ang kanilang mga idolo.

Lalo pang kinilig ang fans nang makatanggap si Cassy ng bouquet of flowers noong Valentine's Day.

Nag-post si Cassy sa Twitter ng dalawang litrato na hawak siyang bouquet of sunflowers.

Cassy Legaspi with bouquet of sunflowers

Sinamahan niya ito ng isa pang flat-lay picture ng bouquet na may katabing naluto nang instant cup noodles.

Continue reading below ↓

Caption ni Cassy [published as is]: "happy Valentine’s Day everyone! [lovestruck and heart emojis]

"wag na maging tampo, gawa nalang kayo ng cup noodles for the person you love."

Cassy Legaspi posts photo of the sunflower bouquet with cup noodles

Ang hinala ng netizens, si Darren ang nagpadala ng flowers na iyon kay Cassy.

Netizens speculate that sunflower bouquet was from Darren Espanto

Continue reading below ↓

Base raw ito sa umano'y pahaging ni Cassy sa taong nagtatampo kaya pinaglutuan niya ng cup noodles na nasa litrato.

netizens bring back the cup noodles twitter exchange of CassRen

HOT STORIES

DARREN SENDS PIZZA FOR LEGASPI FAMILY

Sa kabilang banda, hindi nakaligtas sa netizens ang ipinadalang pizza ni Darren sa pamilya Legaspi noong Valentine's Day.

Via Instagram Story, ipinost ni Cassy ang short video kunsaan makikitang nasa dining table siya kasama ang kapatid na si Mavy, ina na si Carmina Villarroel, at ama na si Zoren Legaspi.

Continue reading below ↓

Nagpasalamat si Cassy sa four boxes of pizza na pinadala sa kanila ni Darren.

Darren Espanto sends pizza for Villarroel family; Cassy thanks Darren

Nag-post din si Carmina ng video ng masiglang pasasalamat niya kay Darren.

Sabi pa ni Carmina sa caption, "Thank you @darrenespanto you're so sweet."

Carmina Villaroel posts video to thank Darren for the pizza

Continue reading below ↓

Hindi kailang malapit si Darren sa pamilya Legaspi dahil matalik na kaibigan niya si Mavy pati na rin si Cassy.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 2020, ikinuwento nina Mavy at Cassy na May 2015 nang una nilang makilala si Darren sa ABS-CBN Sunday musical-variety show na ASAP.

Guests noon ang twins sa show kunsaan isa naman sa singers si Darren.

Mula raw noon ay naging magkakaibigan na sila.

CASSY legaspi AND DARREN espanto'S RUMORED ROMANCE

Tinanong din ng PEP.ph si Cassy tungkol sa matagal nang napapabalitang pagkakaugnay niya kay Darren.

Simpleng sagot noon ni Cassy, "We're all friends. We're all enjoying each other's company."

Kasama rin si Mavy sa interbyu noon ng PEP.ph, at panay ang tukso nito kay Cassy.

Aminado si Mavy na malakas siyang mang-asar at minsan na niyang tinawag na "brother-in-law" si Darren. Ganoon daw kasi sila ka-close sa barkada nila.

Pero nilinaw rin ni Mavy na mas prayoridad ni Cassy ang pagtaguyod sa showbiz career nito.

Continue reading below ↓

Ganoon din daw siya at iba nilang mga kaibigang artista na halos kaedaran nila.

Sabi ni Mavy sa PEP.ph, "We always have this conversation. We're all in the same industry.

"But, siyempre, we're trying to attack the industry at a young age.

"I guess, all we have in our minds is to have our careers first."

Singit ni Cassy, "And friends!"

Watch full interview of Cassy and Mavy on PEP Exclusives here:

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Valentine's Day, Cassy Legaspi posts photos of a bouquet of sunflowers together with a cup of instant noodles. Is the caption that reads "wag na tampo" meant for Darren Espanto?
PHOTO/S: @LegaspiCassy Twitter / @darrenespanto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results