Chiz Escudero on claim that he and wife Heart Evangelista do not sleep in the same room: "Haha... True!!!"

by Bernie V. Franco
Feb 18, 2021
Sorsogon Governor Chiz Escudero replies to a tweet that claims that he and wife Heart Evangelista do not share the same bed and the same room: "Haha... True!!!"
PHOTO/S: Facebook (Chiz Escudero) / @escuderochiz on Instagram

Pumatol si Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero, 51, tungkol sa blind item na nasulat tungkol sa kanila ng asawang si Heart Evangelista, 36.

Noong February 12, nag-tweet ang isang tabloid tungkol sa pagtanggi ni Heart sa isyung hindi sila magkatabing matulog ni Chiz.

Sa titulo ng artikulo, nabanggit na nagmula ito sa isang blind item.

Ganito ang nakasaad sa tweet: “Sina Sorsogon Governor Chiz Escudero at Heart Evangelista pala ang couple na na-blind item na hindi na raw natutulog sa same bed and same room.”

Nag-reply rito si Chiz at "kinumpirma" na hindi nga sila magkatabing matulog ni Heart. Ito ay dahil madalas silang hindi magkasama sa bahay.

Tweet ng gobernador: “Haha... True!!! When I am in Sorsogon and @heart021485 is in Manila...”

Madalas kasing nasa Sorsogon si Chiz para gampanan ang kanyang tungkulin bilang gobernador doon. Si Heart naman ay naiiwan sa kanilang tahanan sa Maynila.

Halatang hindi rin ikinatuwa ni Chiz na iniisyu ang kanilang personal na buhay ni Heart.

Continue reading below ↓

Sabi pa ng former senator, “Ang dami po ng problema ng Pinas, research pa more po ng mas makabuluhan at may pakinabang na pag-uusapan...”

Chiz Escudero reacts on rumors about him and heart evangelista not sharing same bed

HEART evangelista ADDRESSES “CRAZY” RUMOR

Pero bago pa man mag-react si Chiz, nauna nang sinagot ni Heart ang isyu.

Noong February 9, naglabas si Heart ng YouTube video na may titulong “Reacting to the craziest rumors about me.”

Continue reading below ↓

Isa sa sinagot niya ay ang tsismis na hindi umano sila magkasama ni Chiz sa kuwarto kapag natutulog.

Sagot ni Heart, “Of course we share the same room! Minsan-minsan na nga lang kami magkasama hindi pa kami magsi-share?”

Ipinaliwanag ng Kapuso actress kung gaano sila kadalas magkasama ng kanyang mister, na madalas nga ay nasa Sorsogon.

“So, the setup is, now that he’s governor, he is in Sorsogon four times a week.”

Aminado si Heart na dumaan din siya sa adjustment period dahil maraming araw na wala sa kanyang tabi ang mister.

“Before, during the lockdown, there are a lot of things that happened, like there was a storm, which was very, very stressful.

“He was there for a month. Can you imagine?”

Kung anu-ano raw ang tumakbo sa isip ni Heart at nag-self-pity rin siya.

“I was already scratching the walls. Nagse-self-doubt na ako.

“Yung, ‘Maganda ba ‘ko?’ ganyan. ‘Talaga bang deserving ba ‘ko? Hindi ka kasi marunong magluto, girl,’ ganyan.”

Continue reading below ↓

Kalaunan, natanggap din daw ni Heart ang trabaho ni Chiz bilang public servant.

Sabi ng aktres, “That’s his job. Although in the beginning, I’ve always been the very sweet, clingy, malambing type of girl, which sometimes can be irritating for some people.

“He was never irritated with me, but because he’s such a busy guy and parang ang selfish ko naman that, just because I want him beside me, he has to ignore everybody na nakasalalay sa kanya.

“So I have learned to let go and I’m very, very proud of what he does there.

“And I totally get it, and now I’m actually glad that I have more time with myself, to do my work.

“’Cause I’m also working and he’s not the nagging type.

“So, yeah, we’re together, like... it depends. Sometimes five days every two weeks, or three days once a week.”

Ipinagdiwang nina Heart at Chiz ang kanilang sixth wedding anniversary nito lamang February 15.

Continue reading below ↓

Ipinagdiwang naman ni Heart ang kanyang 36th birthday noong February 14, Valentine’s Day.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sorsogon Governor Chiz Escudero replies to a tweet that claims that he and wife Heart Evangelista do not share the same bed and the same room: "Haha... True!!!"
PHOTO/S: Facebook (Chiz Escudero) / @escuderochiz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results