Fifteen years na ang pagsasama ng mag-asawang Joey Mead at Angelina Mead King.
Si Joey ay dating top fashion, print, at commercial model na kalaunan ay pinasok din ang pagiging TV host at event host.
Si Angelina ay ang trans woman na kilala dati sa pangalang Ian Angelo King, isang car racer at tagapagmana ng namayapang si Archie King, nagmamay-ari ng chain of motels sa bansa na Victoria Court.
Sa Instagram noong Martes, February 16, ibinahagi ni Joey ang kanyang pagbati sa asawa.
Sinamahan niya ito ng tila painting-caricature ng larawan nilang mag-asawa na may nakasulat na “I love you.”
Mensahe ni Joey sa caption, “‘My gift is my song and this ones for you’ (sparkles emoji) Happy Anniversary my love @angiemeadking”
View this post on Instagram
Halaw ang mensahe ni Joey sa sikat na kanta ni Elton John na “Your Song” na ini-release taong 1971.
Tugon ni Angie, “(face with three hearts emoji) love love love”
May post din si Angie sa kanyang Instagram.
Ibinahagi niya ang photo collage ng mga larawan nila ni Joey simula noong nagkarelasyon sila hanggang sa kanyang transformation.
Sabi ni Angie sa caption, “Cheers to fifteen years @joeymeadking (heart emoji) Happy Anniversary (clinking glasses emoji)”
View this post on Instagram
Tatlong hearts emojis ang komento ni Joey sa post ng asawa.
“IT WAS REALLY HARD”
Taong 2016 nang isapubliko ni Ian Angelo King ang kanyang pagiging trans woman.
Taong 2017 naman, pumayag ang dalawa na magpa-interview sa isang cable channel tungkol sa kanilang relasyon.
Bakit natagalan silang ilantad ang naging set-up nila bilang mag-asawa?
Paliwanag ni Joey, “When Angie came out, there were several offers.
"Working in television, I just kind of knew that it didn’t feel right... It had to be done a certain way.
“We didn’t want to be exploited.”
Ipinakita sa TV special na may pamagat na The Kings ang isang grupo na gustong pagsamantalahan ang sitwasyon ng mag-aswa.
Inamin din nina Angie at Joey na pumayag silang isapubliko ang kanilang sitwasyon para sa isang magandang proyekto.
Saad ni Angie, “We’re not making any money from this. We waived our talent fee… I mean, we’re doing this to get the word out, get the message out.”
Ano ang nais nilang mensaheng ipabatid sa publiko sa kanilang paglantad?
Sagot ni Joey, “Positivity… That’s hopefully what the audience gets out of it.
"That it’s not really a big deal, is it? It’s not that strange… [our
relationship] can work for anybody.”
Inamin ni Angie ang hirap na pinagdaanan niya simula noong siya’y lumantad bilang trans woman.
Saad niya, “The hardest part of doing something like this and putting myself out there is not having privacy anymore… It’s tricky because I want to live a normal life but now I’m sort of the poster child for this topic.”
Aminado naman si Joey na nahirapan din siya noong una sa kanilang sitwayson.
Aniya, “It was really hard… the last two years was hard… but I’m glad I went through that.
“And if it wasn’t for our family’s support and counseling and spiritual awareness [we wouldn’t have worked things out].”
“I mean, hello, of course it’s hard… if you say, ‘I don’t want this, this is not for me,’ you’ve made a decision. But the thing is, I want her. I want to make this work.”