Miles Ocampo receives flowers, sweet note from Kris Aquino’s son Bimby

Feb 18, 2021
Miles Ocampo, Bimby Yap, Kris Aquino
Young actress Miles Ocampo celebrates Valentine's Day with mother and son Kris Aquino and Bimby Yap on February 14, 2021. Kris also celebrated her 50th birthday that day.
PHOTO/S: @milesocampo on Instagram

Nakatanggap ng bouquet ng pink roses at sweet note si Miles Ocampo mula sa anak ni Kris Aquino na si James Aquino Yap Jr., o mas kilala bilang Bimby, nitong Valentine’s Day.

Linggo, February 14, nang ipinost ni Miles, 23, sa kanyang Instagram Stories ang close-up photo ng bouquet of flowers at ng handwritten note na natanggap niya mula kay Bimby, 13.

Sa post na iyon ni Miles, mababasa sa note ni Bimby (published as is): “Dear Ate Miles, Maraming Maraming salamat for being such a loyal Ate.

“Sana You will get a letter from a boyfriend and not me lang, hehe.

“But in all seriousness thank you.

“I will forever love and respect you.

“Love Bimb.”

Isinulat ni Miles sa caption: “Sweetest Bimb [white heart emoji]”

Instagram Story: Miles Ocampo receives flowers and note from Bimby

Continue reading below ↓

Si Bimby ay anak ni Kris sa dating asawa, ang professional basketball player na si James Yap.

MILES ocampo CELEBRATES VALENTINE’S DAY WITH KRIS, BIMBY

Base sa latest Instagram post ni Miles nitong Miyerkules ng gabi, February 17, kasama niya ang mag-inang Kris at Bimby noong Valentine’s Day.

Ipinagdiriwang din kasi ni Kris ang kanyang 50th birthday nang araw na iyon.

Dalawang pictures ang ipinost ni Miles.

Ang una ay iyong kapwa sila nakangiti ni Kris habang magkatabi, suot ang kani-kanilang pajamas.

Sa second photo, napapagitnaan nina Kris at Miles si Bimby sa pagkakatayo sa living area.

Nasa kanilang harapan ang napakaraming set of flowers na natanggap ni Kris para sa kanyang kaarawan ng araw na iyon.

Sa caption, nagpasalamat si Miles sa kanyang “Tita Kris” sa hindi nagmamaliw na pagmamahal sa kanya nito simula nang magkatrabaho sila sa isang ABS-CBN teleserye walong taon na ang nakalipas.

MILES THANKS HER “NANAY ROXANNE”

Sabi ni Miles kay Kris: “From being my nanay Roxanne 8 years ago til now, thank you for loving me.

Continue reading below ↓

“Thank you very much for everything, tita Kris. I love you always.”

Taong 2013 at 15 years old noon si Miles nang gumanap siya bilang anak ni Kris sa teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw.

Roxanne Dagohoy ang pangalan ng character ni Kris sa seryeng iyon, habang Precious Dagohoy naman ang karakter ni Miles.

Bukod kay Kris, bida rin sa Kailangan Ko’y Ikaw sina Robin Padilla at Anne Curtis.

Sa post na iyon ni Miles ay pinasalamatan din niya si Bimby.

Mensahe ni Miles kay Bimby: “I love you too, Bimb. Thank you for being the sweetest. [white heart emoji]”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young actress Miles Ocampo celebrates Valentine's Day with mother and son Kris Aquino and Bimby Yap on February 14, 2021. Kris also celebrated her 50th birthday that day.
PHOTO/S: @milesocampo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results