Diego Loyzaga says GF Barbie Imperial had been his “tunay na kaibigan” during showbiz hiatus

by Jet Hitosis
Feb 19, 2021
Diego Loyzaga, Barbie Imperial hugging
Actors Diego Loyzaga and Barbie Imperial have been good friends since 2018. They became "Instagram official" as a romantic couple on January 1, 2021.
PHOTO/S: @diegoloyzaga, @msbarbieimperial on Instagram

Tunay na pagkakaibigan ang pundasyon ng romantic relationship nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial.

Ito ang naikuwento nina Diego, 25, at Barbie, 22, sa vlog na in-upload ng Star Magic nitong Huwebes, February 18.

Si Barbie ay contract artist ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN Corporation.

Dati ring talent ng Star Magic si Diego, na mina-manage na ngayon ng Viva Artists Agency.

January 1, 2021 nang ginulat nina Diego at Barbie ang kani-kanilang fans nang ibunyag ng aktor, sa pamamagitan ng isang Instagram post, ang kanilang friends-to-lovers status.

Continue reading below ↓

Sa vlog, ikinuwento nina Diego at Barbie kung paanong nauwi sa romantic relationship ang kanilang pagkakaibigan.

BARBIE: “FRIENDS LANG… PERO CRUSH KO SIYA NUN”

Taong 2018 nang magkakilala sina Diego at Barbie.

Hindi nagbigay ng detalye ang sinuman sa kanila tungkol sa sitwasyon ng kanilang pagkikilala, bagamat nabanggit ni Barbie na nangyari iyon sa The Fort sa Taguig City.

“Pero that time wala kaming something,” paglilinaw ni Barbie.

“Friends lang talaga…pero crush ko siya nun,” pag-amin ng young actress.

Kuwento ni Diego: “Ako yung kumukulit noon kay Barbie. Ako yung nagme-message sa kanya.”

Noong mga panahon daw na iyon, ayon kay Diego, ay talagang pagkakaibigan lang ang relasyon na uubra sa kanila ng young actress.

“Then na-realize naming dalawa na na-friendzone kami sa isa’t isa,” sabi ni Diego nang hindi nag-e-elaborate.

“Naging friends na lang kami,” dugtong ni Barbie.

DIEGO: “NAKITA KO NA TUNAY SIYANG KAIBIGAN”

“Then nawala ako for a while,” sabi ni Diego, tinukoy ang halos dalawang taon niyang hiatus sa showbiz at sa social media.

Continue reading below ↓

Kuwento ng aktor, labis niyang na-appreciate ang regular na pangungumusta ni Barbie sa kanya noong mga panahong iyon—kahit pa hindi siya nagre-reply sa dalaga.

“Isa si Barbie sa mga humingi ng update ‘tsaka nag-message,” ani Diego.

“Nakita ko na tunay siyang kaibigan.”

Dagdag ni Barbie: “After nung nawala ka, tine-text pa rin kita. Kahit hindi ka nagre-reply.”

Ayon kay Barbie, nagkaroon daw silang muli ng komunikasyon ni Diego nang batiin niya ang aktor nang mag-birthday ito noong 2019.

“Kahit hindi ko alam kung nasaan siya, grineet ko pa rin siya. Nag-thank you siya,” kuwento ni Barbie.

“Nung birthday ko naman, grineet niya ako,” dagdag ng aktres.

May 21 ang birthday ni Diego, habang August 1 naman ang kay Barbie.

THE MEMORABLE BEACH GETAWAY

Pagkatapos noon, halos regular na raw na nagkukumustahan sina Diego at Barbie.

Dahil nagkaroon ng pandemic at parehong nasa bahay lang, may panahon ang dalawa para laging maglaro ng mobile game na Call of Duty.

Continue reading below ↓

Hanggang sa magkakayaan daw sina Diego at Barbie, kasama ang kanilang mga kaibigan, na mag-beach sa Pangasinan.

Kapansin-pansing hindi nagbabanggit ng mga buwan at petsa ang magkasintahan habang nagkukuwento sila.

Pero kung pagbabatayan ang pagluluwag ng gobyerno sa quarantine restrictions noong nakaraang taon, mahihinuhang bandang third quarter na ng 2020 nang makapag-out-of-town ang grupo nina Diego at Barbie.

“Pinilit niya ako,” kuwento ni Diego habang nakaturo kay Barbie.

Kaagad nagpaliwanag ang young actress: “Pinilit ko siya, as a friend. Walang malisya.”

“Pero nagpaalam si Bie nickname ni Barbie] sa mommy ko,” singit ni Diego, tinukoy ang inang aktres na si Teresa Loyzaga.

Si Diego ay anak ni Teresa sa actor-director na si Cesar Montano.

“Dun ko nakita na sincere siyang kaibigan, kasi ipinagpaalam ako sa nanay ko,” buong pagmamalaking pagbabahagi ni Diego tungkol sa girlfriend.

BARBIE: “BIGLA NA LANG, SOBRA NA YUNG PAKE KO SA KANYA”

Ang out-of-town nilang iyon ang nagpabago raw sa relasyon ng magkaibigang Diego at Barbie.

Continue reading below ↓

“Hindi ko alam, bigla na lang, parang sobra na yung pake ko para sa kanya,” pagbabalik-tanaw ni Barbie.

Ayon kay ni Diego, pinapaalalahanan pa siya ni Barbie na uminom ng vitamins.

Sinasaway rin daw ng aktres si Diego noon kapag nakikitang mapaparami ng inom ng alak ang aktor.

May pagkakataon daw na nasolo nila ang isa’t isa sa dagat, kung saan nagkaroon sila ng seryosong pag-uusap tungkol sa kani-kanilang buhay.

Hindi rin nagdetalye ang magkasintahan tungkol sa kanilang napag-usapan, pero tinawag iyon ni Diego na “heart-to-heart talk.”

Pagkatapos daw ng pag-uusap nilang ayon, na-realize ni Barbie na “kahit magkaibigan pala kami, hindi pala namin alam lahat sa isa’t isa.”

BECOMING OFFICIAL

Simula raw nang bumalik sila sa Metro Manila ay lagi nang iginigiit ni Diego na magkasama silang muli si Barbie.

“Kinukulit ko siya araw-araw,” natatawang kuwento ni Diego tungkol sa pagyayaya niyang lumabas sila ng young actress.

Gayunman, naghahanda na noon si Barbie para sa lock-in taping ng Kapamilya teleseryeng Bagong Umaga.

Continue reading below ↓

Ayon sa aktres, mahigpit ang mga patakaran sa lock-in taping at hindi siya papayagang lumabas kaya hindi rin daw sila nakakapagkita noon ni Diego.

Pero nang magkaroon ng pagkakataon ay muli raw nag-out-of-town sina Diego at Barbie.

Sa pagkakataong iyon ay hindi na nila isinama ang kanilang mga kaibigan.

Doon din daw nila kaswal na napag-usapan kung handa na nilang baguhin ang status ng kanilang relationship—mula sa pagiging magkaibigan sa pagiging magkasintahan.

Natatawang kuwento ni Diego, inusisa pa raw siya ni Barbie kung “tatanungin mo ba ako kung magiging tayo?”

Idinugtong naman ni Barbie ang simpleng sagutan nila ni Diego nang gabing iyon.

“Sabi niya [Diego] lang, ‘Ano, tayo na?’ Sabi ko, ‘Oo,’” ani Barbie, na sinundan ng halakhak.

Continue reading below ↓

Napapanood pa rin si Barbie sa Bagong Umaga.

Busy naman ngayon si Diego sa produksiyon ng pelikula, na magsisilbing comeback project niya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actors Diego Loyzaga and Barbie Imperial have been good friends since 2018. They became "Instagram official" as a romantic couple on January 1, 2021.
PHOTO/S: @diegoloyzaga, @msbarbieimperial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results