Rica Peralejo breaks silence on what really happened with her past romances in showbiz

by Rachelle Siazon
6 days ago
Rica Peralejo teases fans with "super hot revelations" about her past romances when she was still active in showbiz. Was she in a relationship with the actor whose name she bleeped on her vlog? Why did she break up by the fourth year of her relationship with another actor?
PHOTO/S: @ricaperalejo Instagram

Sinorpresa ni Rica Peralejo, 39, ang kanyang social media followers sa kanyang anunsiyo na handa siyang talakayin ang makulay niyang love life noong panahong aktibo pa siya sa showbiz.

Ngayong Biyernes, February 19, nag-post si Rica ng video teaser sa kanyang vlog kunsaan sinagot daw niya ang pinakamaiinit na tanong sa kanya ng netizens.

Una na rito ang matagal nang tanong kung naging nobyo ba niya ang isang sikat na personalidad na matagal na naugnay sa kanya noon.

Sa teaser, kapansin-pansing naka-bleep ang pangalan ng taong binanggit niya.

Sabi ni Rica: "Eto na yung question na inaabangan ng lahat. Naging kayo ba ni [bleeped name]?"

Bitin ang sagot ni Rica dahil makikitang pinutol pa ang bahagi ng video na iyon.

Sumunod na putol ng video ay ang sound byte ni Rica na ito: "At dumating ba sa point na nag-propose siya sa iyo? So, isa-isa lang!"

May pagbabalik-tanaw rin si Rica sa isang aktor na nakarelasyon niya ng apat na taon.

Continue reading below ↓

Ani Rica, "We tried until the fourth year, and then I said, 'You know what? This is not gonna work."

Hindi malinaw kung papangalan ni Rica sa kanyang vlog ang aktor na umabot ng apat na taon ang pakikipagrelasyon niya.

Pero sa teaser ng video, nakasaad na ito ang "most personal, most unfiltered, most juicy, most spicy" vlog ng dating aktres.

Sa caption, sinabi rin ni Rica na nagulat siya sa mga naungkat ng netizens na kontrobersiya o impormasyon na nais ng mga itong sagutin niya sa kanyang vlog.

Marami raw "mild hot, mas hot, at super hot" na mga rebelasyon ukol dito.

"So, a few weeks ago I asked you guys for crazy questions you might want to ask me. I did not know what to expect, TBH.

"Then when I saw, tawa ako nang tawa kasi most were about my past and I did not realize some people still think of those things!

Continue reading below ↓

"But anyway, I answered them. Ang levels ng video ay mild hot [chili emoji] mas hot [two chili emojis] tapos super super hot [three chili emojis] hahaha!"

Bibigyang-linaw raw ni Rica kung may katotohanan sa ibang mga bagay na tinanong sa kanya ng netizens.

"Anyway it was fun to clarify things about my past, although shucks, ang dami ko pang hindi nasagot kasi ang haba pala ng ganitong vlog?!? (Maybe part II if g kayo...)

"SO ANYWAY, premieres at 6PM, on my channel: Rica Peralejo-Bonifacio! See you then?"

May disclaimer din si Rica na hindi pambata ang kanyang vlog.

Aniya, "Content may not be suitable for young kids ok? Nothing bad naman, but baka lang may concepts na too adult for them to understand!"

Continue reading below ↓

RICA'S ACTIVE YEARS IN SHOWBIZ

Si Rica ay dating Kapamilya actress.

Nagsimula siya bilang child star sa youth-oriented show na Ang TV. Bumida siya sa mga teleserye tulad ng Kay Tagal Kang Hinintay (2002-2003) at Pangarap Na Bituin (2006).

Nakilala rin si Rica bilang sexy actress nang pagbidahan niya ang mga pelikulang tulad ng Balahibong Pusa (2001), Dos Ekis (2001), at Hibla (2002).

Ang Paano Na Kaya (2010) ang huling pelikula niya na mayroon siyang supporting role.

Sa TV, huli siyang umarte sa Kapamilya drama anthology na Maalaala Mo Kaya noong 2013.

RICA'S DECISION TO FOCUS ON FAMILY LIFE

Bukas si Rica sa pagsasabing nagdesisyon siyang iwan ang showbiz dahil nais niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang pamilya.

Napangasawa niya ang Christian pastor na si Joseph Bonifacio noong January 2010.

Mayroon silang dalawang anak: si Philip, 6, at si Manu, 2.

Sa isang TV interview noong 2015, sinabi ni Rica na bukas siya sa posibilidad na magbalik-showbiz kung tingin niya ay iyon ang gusto niyang gawin sa buhay.

Continue reading below ↓

Pero pinayuhan din daw siya ng kanyang ina na sana ay huwag siyang magtrabaho nang full time para mabigyan niya ng panahon ang pagpapalaki sa mga anak.

Sa ngayon ay vlogger at hands-on mom pa rin si Rica.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rica Peralejo teases fans with "super hot revelations" about her past romances when she was still active in showbiz. Was she in a relationship with the actor whose name she bleeped on her vlog? Why did she break up by the fourth year of her relationship with another actor?
PHOTO/S: @ricaperalejo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results