Bea Alonzo recalls unpleasant encounter with younger co-star: “Kasi nagsi-cellphone.”

by Arniel C. Serato
Feb 20, 2021
Bea Alonzo newcomer
Bea Alonzo thankful that Star Magic trained them to be respectful to senior stars: "Buti na lang, ngayon naiisip ko, nung bata ako, buti na lang pala pinu-push kami, yung training sa amin, kahit hiyang-hiya ka, magha-hi ka."
PHOTO/S: Courtesy: Bea Alonzo

Sa loob ng dalawang dekada niya sa showbiz, aminado si Bea Alonzo na natarayan na siya ng senior stars at directors noon.

Pero bihira lang naman daw itong nangyari.

Pag-amin ng 33-year-old actress sa eksklusibong panayam ng editors at writers ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 11, “Oo naman, natarayan naman na ako ng senior stars and directors. Pero very, very minimal.

“Masuwerte ako sa ganyan. Hindi ako masyadong nabibiktima.”

Ayon kay Bea, malaking bagay ang training sa kanila sa Star Magic, ang dating kinabibilangang talent management arm ng ABS-CBN, tungkol sa pakikitungo sa iba pang mga artista.

Lahad niya, “A, siyempre experience mo, parang babati ka, 'tapos parang hindi naman siya gumagalaw na parang ayoko nang batiin.

“Pero kasi siyempre, ang training sa amin talagang ano, nung panahon namin, kahit hindi ka i-hi, or kahit ayaw ka pansinin ng mas senior sa 'yo, ikaw yung magbibigay ng courtesy kahit pa feeling mo, hiyang-hiya ka, talagang lunukin mo yung hiya mo.

Continue reading below ↓

“Which I am very happy, itinuro sa amin sa Star Magic yun.

"Kasi pala talaga minsan, pag ikaw na yung mas senior, like ngayon, medyo nakaka-sad pala pag hindi ka na pinapansin.

“So kadalasan naman, ang dahilan nila, nahihiya sila or nai-intimidate sila.

"Pero buti na lang ngayon, naiisip ko, nung bata ako, buti na lang pala pinu-push kami, yung training sa amin, kahit hiyang-hiya ka, magha-hi ka.

"Kasi it makes a lot of difference.”

"HINDI NIYA ALAM YUNG LINE NIYA"

Nang nakapag-establish na ng sariling pangalan si Bea, may natarayan na ba siyang newbie o newcomer?

Patanong niyang sagot, “Pero ako may natarayan na younger? Not that I am aware of, parang wala... Uhm, meron ba? Iniisip ko tuloy."

At biglang naalala ni Bea ang isang mas bata niyang co-star.

“A, meron yatang isa, kasi nagsi-cellphone, 'tapos mag-i-start na kami, nagsi-cellphone.

“'Tapos sabi ko, tawagin na lang ako pag ready na kasi nagsi-cellphone siya buong time, 'tapos hindi niya alam yung line niya.

Continue reading below ↓

“'Tapos, umalis bago mag-tape.”

Pero hindi naman tinukoy ni Bea kung kailan ito nangyari at sino ang nasabing co-star niya.

May nangyari ba sa career ng nasabing co-star niya?

Natatawang sagot ni Bea, “Hindi ko alam! Ayoko mag-comment baka mamaya makarma ako.”

Pero aktibo pa rin naman daw ang artistang ito.

Saad niya, “Parang, oo naman. Oo naman. Pero in fairness naman, hindi na niya ginawa yun after. In fairness.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo thankful that Star Magic trained them to be respectful to senior stars: "Buti na lang, ngayon naiisip ko, nung bata ako, buti na lang pala pinu-push kami, yung training sa amin, kahit hiyang-hiya ka, magha-hi ka."
PHOTO/S: Courtesy: Bea Alonzo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results