Janno Gibbs allegedly cursed co-host Kitkat during Happy Time taping

by Arniel C. Serato
6 days ago
Kitkat Janno Gibbs rift
According to a source, Kitkat is now consulting a lawyer about her next step after Happy Time co-host Janno Gibbs allegedly hurled multiple invectives against her during their Happy Time taping.
PHOTO/S: Courtesy: @favkitkat / @jannolategibbs on Instagram

Pinagmumura nga ba ni Janno Gibbs ang kanyang co-host sa Happy Time na si Kitkat?

Si Janno, 51, ay isang beteranong singer, comedian, actor, at TV host na nagsimula sa showbiz industry noong late '80s.

Si Kitkat, 32, ay nagsimula bilang stand-up comedienne/singer sa comedy bar at pinasok ang mundo ng entertainment noong early 2000s.

Ayon sa kumakalat na balita, nangyari raw ang insidente sa pagitan nina Janno at Kitkat sa taping ng Net 25 noontime show sa studio ng Eagle Broadcasting Corporation sa Central Avenue, Quezon City, noong Huwebes, February 18.

Isang impormanteng may kinalaman sa Happy Time ang nagbigay ng ilang impormasyon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaugnay ng insidenteng ito ngayong Lunes, February 22.

Ayon sa source, masakit at malulutong na mura diumano ang pinakawalan ni Janno kay Kitkat.

Ayon pa sa PEP source, umabot daw sa "mga walo" ang murang natanggap ni Kitkat mula kay Janno. May kasama pa umano itong panduduro.

Continue reading below ↓

Recorded on tape daw lahat ito dahil nangyari nga ang insidente sa taping ng isang segment ng programa.

THE ALLEGED cursing INCIDENT

Marami rin daw nakasaksi sa insidente dahil maraming tao ang nasa loob ng studio habang naka-roll ang mga camera.

Isa raw sa mga saksi ay ang beteranong mang-aawit na si Marco Sison, na celebrity contestant sa segment na “Kantanungan.”

Lahad ng PEP source tungkol sa inasal umano ni Janno, “Napipikon siya kasi una pa lang, pagkuha ng scarf ng team ni Marco Sison sa 'Kantanungan' na game, nagalit na. Kung anu-ano na sinabi.”

Si Kitkat daw ang nag-host ng nasabing segment, at sina Marco at Janno ang magkatunggali sa game.

Nang sinabi na raw ni Kitkat ang “Kantanungan na,” kung saan may lolokohin umano para mag-unahan sa pagkuha ng scarf, naunahan ng team ni Marco ang team ni Janno.

Doon na raw nagalit si Janno kay Kitkat.

Dagdag pa ng impormante, “Kesyo kinakampihan daw ni Kitkat si Marco, etc. Tuluy-tuloy na yun.”

Continue reading below ↓

Dahil daw sa paninigaw ni Janno, hindi na raw makapag-host nang maayos si Kitkat.

Sabi ng PEP source, “Napahiya na si Kitkat nang husto. Lahat ng sasabihin niya, binabara ni Janno.

“Papaiyak na siya pero itinuloy pa din ni Kitkat ang paghu-host. E, tuloy pa din siya [Janno] sa pambabara and all.”

Bukod sa paninigaw kay Kitkat, bigla raw nagpakawala ng malulutong na mura si Janno sa kanyang female co-host.

Dinuro rin umano ni Janno si Kitkat habang palakad-lakad sa stage at kahit kaharap sina Marco at lahat ng tao na nasa studio.

Maya-maya raw ay ibinato ng singer-TV host ang hawak nitong microphone at biglang umalis ng studio.

Nangyari raw ito nang hindi pa nakukunan ang opening para sa episode at iba pang segments.

Sabi pa ng impormante, “Kahit nanginginig si Kitkat sa galit at inis, gusto pa rin niyang ituloy ang taping ng third episode kahit mag-isa. Wala rin kasi si Anjo Yllana noong taping na yun.”

Continue reading below ↓

Sina Janno, Kitkat, at Anjo ang main hosts ng programa na nagsimulang umere sa Net 25 noong September 14, 2020.

Sa kabila ng nangyaring insidente, natapos daw ang episode na mapapanood sa Miyerkules, February 24, kahit si Kitkat lang mag-isa ang nag-host.

Dumating din daw sa studio ang asawa ni Kitkat na si Walby Favia, pero hindi na nito naabutan si Janno.

Sinabi rin ng impormante na nakikipag-usap na raw si Kitkat sa kanyang abugado dahil balak daw nitong sampahan ng reklamo ang co-host na si Janno.

KITKAT CRYPTIC POSTS ABOUT RESPECT

Kaugnay nito, kapansin-pansin ang ibinahaging quotations ni Kitkat tungkol sa "respect" sa kanyang Instagram Stories kahapon, February 21.

Narito ang ilan sa mga ito:

Instagram story: Kitkat cryptic posts about respect

Continue reading below ↓

Instagram story: Kitkat posts quotes about respect

Instagram story: Kitkat posts quotes about respect

Continue reading below ↓

Instagram story: Kitkat posts quotes about respect

Si Janno ay post din sa sa kanyang Instagram Stories tungkol sa mga "worst people."

Nakalagay dito ang quotation mula kay Imam Ali na nagsasabing, “The worst people are those who judge the fault of others, but blind to their own.”

Janno Gibbs posts Imam Ali quote

Continue reading below ↓

Nag-post din siya ng poster ng 1987 movie ng namayapang si Fernando Poe, Jr. na Kapag Puno Na Ang Salop.

Nagpadala ang PEP.ph ng mensahe kay Kitkat sa pamamagitan ng Facebook messaging, ngunit wala pa itong tugon sa aming request na kapanayamin siya tungkol sa insidenteng ito.

Nagpadala rin kami ng direct message sa Instagram kay Janno para sa kanyang pahayag ukol dito.

Hinihintay rin ng PEP.ph ang statement ng Viva Artists Agency, ang kinabibilangang talent management ni Janno, ukol sa issue.

Kaagad naming ilalathala ang kanilang panig o paglilinaw kapag natanggap na namin ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
According to a source, Kitkat is now consulting a lawyer about her next step after Happy Time co-host Janno Gibbs allegedly hurled multiple invectives against her during their Happy Time taping.
PHOTO/S: Courtesy: @favkitkat / @jannolategibbs on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results