Watch Now

RK Bagatsing, Jane Oineza post vacation photos from the same resort; shippers ask: "Kayo na ba?"

by Jet Hitosis
Feb 24, 2021
Jane Oineza RK Bagatsing couple
Rumored couple RK Bagatsing and Jane Oineza post vacation photos taken from the same resort in Laguna over the weekend.
PHOTO/S: @janeoineza, @bagatsingrk on Instagram

Ano nga ba ang real score sa pagitan nina RK Bagatsing at Jane Oineza?

Ito ang tanong ng shippers nina RK, 32, at Jane, 24, bilang reaksiyon sa Instagram posts ng rumored couple nitong weekend.

Magkasunod kasing nag-post ng kani-kanilang solo pictures sina RK at Jane habang nasa bakasyon.

Unang nag-post si Jane nitong Linggo, February 21.

Ibinahagi ng aktres ang litrato niya kung saan nakasuot siya ng two-piece swimsuit habang nasa labas ng isang floating cottage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong Lunes, February 22, at Martes, February 23, ay nag-post muli si Jane ng sexy photos niya sa Instagram.

Sa parehong litrato, sa ibabaw pa rin ng floating cottage nag-pose si Jane.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WEEKEND GETAWAY IN THE SAME RESORT

Lunes at Martes naman nag-upload ng kanyang photos si RK.

Sa dalawang pictures na ibinahagi ng aktor nitong Lunes ay nakasuot siya ng black pants at walang damit pang-itaas.

Ang photo naman na ipinost ni RK nitong Martes ay kuha mula sa loob ng cottage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakangiti ang aktor habang papalapit sa kumukuha ng litrato.

Sa labas din ng floating cottage ang background ng pictures ni RK.

Ang floating cottage na kinalulugaran ni RK ay parehong-pareho ng nasa mga litratong ipinost ni Jane.

Kapwa rin nila tinag ang iisang resort sa Laguna sa kani-kanilang posts.

WHAT’S THE REAL SCORE?

Bagamat walang in-upload na litratong magkasama sila, buo ang paniniwala ng shippers ng rumored couple na sa nabanggit na resort nagpalipas ng weekend ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iisa tuloy ang tanong ng karamihan sa mga nagkomento sa posts nina RK at Jane: dahil obvious naman daw na magkasama sila, ano na ang "status" nila?

netizens speculate on jane oineza, rk bagatsing relationship

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi sinagot nina RK at Jane ang pag-uusisang ito ng kanilang shippers.

Matagal nang nali-link sa isa’t isa sina RK at Jane simula nang una silang magtambal sa ABS-CBN teleseryeng Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi noong 2018.

Noong 2020, muling nagtambal sina RK at Jane sa romantic film na Us Again at sa romantic-comedy series na I Got You sa TV5.

Nadawit din si Jane sa hiwalayan ni RK sa longtime girlfriend nito noong huling bahagi ng 2019.

Gayunman, kapwa ito pinabulaanan nina Jane at RK.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rumored couple RK Bagatsing and Jane Oineza post vacation photos taken from the same resort in Laguna over the weekend.
PHOTO/S: @janeoineza, @bagatsingrk on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results