Derek Ramsay calmly replies to nasty comment about him, Ellen Adarna

by Arniel C. Serato
Feb 24, 2021
Derek Ramsay basher
Derek Ramsay and Ellen Adarna are still mum about the real status of their relationship.
PHOTO/S: Courtesy: @ramsayderek07 / @maria.elena.adarna on Instagram

Maayos na sinagot ni Derek Ramsay ang isang basher na gumamit ng malalswang salita.

Ngayong Miyerkules, February 24, nag-post ang aktor sa Instagram ng larawan nila ni Ellen Adarna habang naglalaro ng golf.

Sabi nito sa caption, “Thank you!! #sukagolf

Kinuyog ng netizens at bashers ang comments section ng kanyang post.

Marami man ang pinulaan sina Derek at Ellen, isa lang ang sinagot ng aktor.

Below the belt at gumamit pa ng malalaswang salita ang basher laban sa kanya at kay Ellen.

Sabi ng basher: “Womanizer talaga, eh haha pahinga mo naman t*t* mo @ramsayderek07 same to Ellen, ayaw ipahinga ang p*kp*k ehh. Nagtitikiman lang.. Tinikman mo."

Sa kabila ng kabastusan ng basher, mahinahon pa rin itong sinagot ni Derek.

Ayon sa Kapuso actor, "I hope you find joy with the words you have expressed to me and ellen."

netizens call Derek as womanizer; Derek reacts

Continue reading below ↓

DEREK-ELLEN: NOT JUST NEIGHBORS?

Hindi na nakapagtataka kung madalas makitang magkasama sina Derek at Ellen dahil magkapitbahay sila sa Ayala, Alabang.

Pero ang out-of-town trips nila ang ipinagtataka ng mga netizens dahil tila nagkakamabutihan na ang dalawa.

Noong nakaraang linggo, nag-road trip ang dalawa kasama ang ilang kaibigan ni Derek sa Caliraya Lake sa Laguna.

Nagpu-post din sila ng mga larawang sweet na sweet na parang hindi naman gawain ng magkakapitbahay lamang.

Hindi pa nagsasalita sa publiko sina Ellen at Derek kung ano ang totoong estado ng kanilang relasyon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay and Ellen Adarna are still mum about the real status of their relationship.
PHOTO/S: Courtesy: @ramsayderek07 / @maria.elena.adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results