Derek Ramsay takes road trip with Ellen Adarna and her son; Ellen reacts to “binobola ni Derek” comment

by Bernie V. Franco
Feb 19, 2021
Derek Ramsay (left) posts on social media his road trip with Ellen Adarna (center) and her two-year-old son Elias Modesto (right photo).
PHOTO/S: @ramsayderek @maria.elena.adarna on Instagram

Mukhang kumportable na sa regular bonding sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Mula nang mabuo ang pagkakaibigan ng dalawa sa pagpasok ng taon, nagtuluy-tuloy na ang pagiging malapit nila.

Nagkakasama rin sila maging sa workout sessions at mga kasiyahan kagaya ng out-of-town trip.

Ngayong Biyernes ng umaga, Februaty 19, proud na ipinost ni Derek sa kanyang Instagram Story ang kuha niyang larawan kasama si Ellen at anak ng aktres na si Elias Modesto.

Si Elias, 2 anyos, ay anak ni Ellen sa dating live-in partner na si John Lloyd Cruz.

Caption ni Derek sa larawan kasama ang mag-ina: “ROAD TRIP!!!”

Ni-repost naman ito ni Ellen sa kanyang Instagram account.

Makikita rin sa photo na “twinning” sina Derek at Ellen na parehong naka-shades at naka-gray na pang-itaas.

Busy naman si Elias sa pagkain ng tila cookie.

Instagram story: Derek Ramsay, Ellen Adarna roadtrip

Continue reading below ↓

ELLEN REACTS TO "binobola ni derek" COMMENT

Kahit sa kani-kanilang Instagram posts, kapansin-pansing nagkokomento rin sina Derek at Ellen, patunay ng pagiging kumportable nila sa isa’t isa.

Samantala, sa kabila nito ay hindi pa rin matigil-tigil ang batikos ng mga kritiko sa dalawa.

Dalawang linggo na ang nakalilipas, nag-post si Ellen ng kanyang larawan na suot ang red T-shirt na may print na “Women’s Heart Matters.” Para ito sa kampanya sa paglaban sa heart diseases.

Nagkomento si Derek ng maraming clapping hands emojis, bilang pagpuri kay Ellen.

Nagsunud-sunod naman ang pagpuna ng netizens kay Derek tulad ng “pag-abang” raw nito sa mga post ni Ellen para magkomento.

Kinastigo rin ng isang netizen ang diumano’y “pambobola” ni Derek kay Ellen.

Netizens call Derek Ramsay bolero

Continue reading below ↓

Netizens call Derek Ramsay bolero

Pero may isang netizen na todo-tanggol sa dalawa.

Komento nito: “kung c derek ramsay lang naman ang mambola why not?!nyahahahahaha [laughing with tears emojis]

Sinang-ayunan ni Ellen ang komento ng kanilang supporter.

Pabor din daw si Ellen na magpabola sa guwapo dahil hindi siya lugi rito.

Komento ng aktres: “diba nagpapabola nga tayo minsan sa pangit eh… dito nalang tayo sa gwapo di pa masyadong lugi looool [laughing with teams emojis]"

Continue reading below ↓

Netizen pambobola of derek ramsay is okay

ellen adarna agrees to the netizen comment; calls derek handsome

Continue reading below ↓

Nag-umpisa ang pagba-bonding nina Ellen at Derek noong Enero. Inimbitahan ni Derek sa kanyang bahay sina Ellen, Ruffa Gutierrez, John Estrada, at iba pang non-showbiz friends.

Simula noon ay madalas nang namamataan si Ellen sa bahay ni Derek.

Bago magtapos ang Enero ay magkasama pa sila sa isang beach trip sa Batangas. Kasama ni Derek ang kanyang mga kaanak at mga kaibigan. Bitbit naman ni Ellen ang kanyang anak at ilang kaibigan.

Nitong Valentine’s Day rin ay magkasama sina Ellen at Derek.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay (left) posts on social media his road trip with Ellen Adarna (center) and her two-year-old son Elias Modesto (right photo).
PHOTO/S: @ramsayderek @maria.elena.adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results