Iba maging Kapamilya.
Ito ang buod ng pahayag ni Donny Pangilinan, 23, matapos bumalik sa ABS-CBN.
Pumirma ng kontrata si Donny sa Kapamilya network nitong Biyernes, February 26.
Nagsimula si Donny sa ABS-CBN noong 2016. Naging MYX VJ siya, ASAP Natin ‘To host, at pinasok din ang pag-arte.
Pero noong 2020, kabilang siya sa Kapamilya stars na napabilang sa TV5 musical-variety show na Sunday Noontime Live (SNL).
Kasama ni Donny sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Catriona Gray, Jake Ejercito, at iba pang ABS-CBN artists.
Pero pagkatapos lamang ng tatlong buwan, kinansela ang SNL.
Ilang linggo bago ito tapusin, biglang nawala si Donny sa Kapatid show at pinalitan ng basketball player na si Ricci Rivero.
DONNY BACK TO HIS ROOTS
Nitong Biyernes, kabilang si Donny sa ABS-CBN stars na pumirma ng kontrata sa Kapamilya network.
Dinaluhan ang event ng Kapamilya executives.
Ang nag-host ng contract signing ay si Robi Domingo, na dating fellow host ni Donny sa MYX.
Bungad ni Donny sa pagkikita nila ni Robi: “Ang tagal na nating hindi nagkita.
Robi: “Oo nga, e. Bakit kaya?”
Saglit na natigilan si Donny. “Ahhh… pandemic.”
Pahayag ni Robi sa kaibigan matapos ang contract signing, “Welcome back home, Mr. Donny Pangilinan.”
Natanong si Donny kung ano ang ipinagmamalaki niya sa pagiging Kapamilya.
“The spirit, number one,” simula niya. “The people. It’s the environment.
“It’s different when you enter this building. So I’m glad to be here.”

Abot-abot ang pasasalamat ng anak nina Anthony Pangilinan at Maricel Laxa na makapirma muli siya ng kontrata sa ABS-CBN.
“First of all, I want to thank God for this blessing. I wouldn’t be here without Him.
“Thank you so much ABS-CBN. Maraming salamat, Star Cinema, Star Magic, for the trust and the support.”
Buong buhay rin daw niyang tatanawing utang na loob ang pagkakataong ibinigay sa kanya ng ABS-CBN.
Nangako rin si Donny na hindi niya sasayangin ang pagkakataon.
Saad niya, “I’m glad to be here in my roots.
“Thank you so much, ABS-CBN, for giving me wings to fly as well.
“Maraming salamat. I will be grateful forever to be a Kapamilya.”
Pinasalamatan ng binata ang kanyang pamilya at mga tagasuporta.
“Thank you so much for being there for me through thick and thin.
“I promise to do my very best to make you guys proud. Promise ko iyon.”
PROJECTS FOR DONNY
Sa media conference, kinumusta si Donny.
Sagot niya, “I am very excited, very blessed, feeling blessed right now.
“Thankful to be here in this building. It’s very different, the environment.
“Just being here, the building itself, it just feels… parang iba, the [spirit].”
Kinumpirma rin ni Donny na makakabalik siya sa entablado ng ASAP Natin ‘To.
“It’s been a while. Ang tagal ko nang hindi nakapunta sa building na ‘to.
“It’s nice to see my friends again, yung mga dancers, being on the stage again.”
Ibinahagi rin ni ABS-CBN managing director Olive Lamasan na sunud-sunod ang mga ibibigay na proyekto kay Donny, kabilang ang mga pelikula at mga TV series.
Si Donny ay ipinapareha sa Kapamilya actress na si Belle Mariano, at magsasama sila sa maraming projects sa kanilang home network.
