Darren Espanto has the cutest exchange of messages with baby sister Lynelle, Cassy Legaspi

by Rachelle Siazon
Mar 2, 2021
Looks like Darren Espanto and Cassy Legaspi were on a video call when they simultaneously messaged his younger sister Lynelle, who addressed CassRen fans via YouTube comments section. Did you know that Darren and Cassy have dedicated love songs for each other?
PHOTO/S: @darrenespanto / @cassy Instagram

Magkaiba man ng kinabibilangang network at malayo man sila sa isa't isa ngayon, patuloy ang magandang samahan nina Darren Espanto, 19, at Cassy Legaspi, 20.

Si Darren ay Kapamilya singer na napapanood sa ASAP Natin 'To at sa Kapamilya Online Live para sa gap show ng Your Face Sounds Familiar. Nakabase siya ngayon sa kanyang hometown sa Canada.

Si Cassy ay Kapuso actress-host na napapanood sa Sarap, Di Ba?, All-Out Sundays, at upcoming Kapuso prime-time series na First Yaya.

Muling ipinamalas nina Darren at Cassy ang kuwelang kulitan nila nang magpalitan sila ng mensahe sa social media kasama ang nakababatang kapatid ni Darren na si Lynelle Espanto, 11.

Noong February 18, naglunsad si Lynelle ng sarili niyang YouTube Channel sa tulong ng kapatid na si Darren.

Sa comments section ng first vlog ni Lynelle, hindi inaasahang nag-iwan siya ng mensahe para sa netizens na sinusuportahan sina Darren at Cassy, o kilala sa uniname na CassRen.

Continue reading below ↓

Tanong ni Lynelle: "Do y'all ship my brother and ate Cassy?"

May time stamp iyon na "11:17 PM."

Tila gulat si Darren at tinawag sa buong pangalan na naka-all caps ang kapatid na si Lynelle.

Ani Darren, "LYNELLE ANNE ESPANTO."

Base sa time stamp ng reply ni Darren na "11:17 PM," nabasa niya agad ang ipinost ng kanyang kapatid.

Maagap na balik-sagot ni Lynelle, ginaya niya ang paggamit ng all caps sa buong pangalan ni Darren.

Ani Lynelle, "DARREN LYNON ESPANTO."

Kakatuwa na si Cassy ay tiyempong naka-online din at nagmensahe kay Lynelle na mag-breakfast na ito bilang umaga noon sa Canada.

Sabi ni Cassy kay Lynelle: "GO HAVE YOUR BREAKFAST LYNELLE."

Pero sa sumunod na minuto ay halatang nagulat si Cassy sa palitan ng mensahe ng magkapatid.

"OH MY GOD," komento ni Cassy.

Sa mga sumunod na pahayag ni Cassy, tila lumalabas na magkausap sila ni Darren via video call dahil alam ng dalaga ang mga sumunod na pangyayari sa pagitan ng magkapatid.

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Cassy sa netizens: "guys, kinuha ni D yung iPad ni Lynelle....

"and for that...guys pls subscribe to Lynelle...

"D GIVE BACK HER IPAD."

Hanggang sa hindi na raw alam ni Cassy kung nasaan na si Lynelle.

Saad ni Cassy (published as is): "okay guys I have no idea where Lynelle is right now."

Instagram Photo: Message exchange between Darren Espanto and Cassy Legaspi sister Lynelle

Continue reading below ↓

Sabay paliwanag uli ni Cassy: "guys...Lynelle said she'll find a way to talk to you guys here."

LYNELLE THANKS CASSY

Kampi raw si Cassy kay Lynelle base sa sumunod na komento ng dalaga, "LYNELLE > DARREN."

Makalipas ang 13 minuto, muling nakuha ni Lynelle ang kanyang iPad kay Darren.

Base pa rin sa comments section ng vlog ni Lynelle, nagpadala siya ng mensahe para kay Cassy sa kuwelang pag-update nito sa mga kaganapan.

Sabi ni Lynelle: "THANKS ATE CASSY

"MY BROTHER HAS BEEN, DEFEATED!!!"

Instagram Photo: Lynelle thanks Cassy

Continue reading below ↓

Hindi malinaw kung nag-reply muli si Darren dahil habang isinusulat ang artikulong ito ay naka-off ang comments section sa vlog ni Lynelle.

Pero may mga masugid na tagasubaybay ng CassRen ang nakakuha ng screenshot ng kuwelang palitan ng mensahe nina Darren, Lynelle, at Cassy.

Tuwang-tuwa naman ang fans dahil huli raw sina Darren at Cassy na tila magka-video call noong mga oras na iyon.

THE REAL SCORE

Noong November 2020, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cassy tungkol sa real score sa kanila ni Darren.

Napangiti muna si Cassy at hindi agad sinagot ang tanong, habang ang kapatid niyang si Mavy ay tinutukso-tukso siyang sabihin kung ano nga ba ang masasagot niya.

Simpleng saad ni Cassy, "We're all friends. We all enjoy each other's company."

Sinalo rin naman ni Mavy si Cassy at ipinaliwanag na madalas nilang napag-uusapan na bilang mga baguhang artista, prayoridad daw nila sa ngayon ang kani-kanilang career.

Continue reading below ↓

Mayroong grupo ng mga kaibigan sina Mavy at Cassy kunsaan kasama rin si Darren.

Sa vlog ni Cassy noong December 2020, sinagot din nila ni Darren ang katanungan kung may gusto ba sila sa isa't isa.

Ayon kay Darren, alam ni Cassy ang sagot niya rito.

"Our lives is just about to start. I don't wanna rush into things.

"But in the future, who knows where it'll take us.

"But Cassy already knows my answer," sabi ng Kapamilya singer.

Halos ganoon din ang sagot ni Cassy.

"Like what Darren said, we both just started our career. So, focus muna tayo sa career.

"Huwag muna tayo sa love life chuchuchu.

"And honestly, I like where Darren and I are right now."

CASSY AND DARREN'S SONGS FOR EACH OTHER

Pero aminadong kinilig si Cassy nang malaman kung ano ang kanta ni Darren para sa kanya.

Dedicated songs daw ni Darren kay Cassy, "'I Like Me Better' by Lauv at 'Lemonade' by Jeremy Passion."

Continue reading below ↓

Ang lyrics ng "I Like Me Better" ay "I like me better when I'm with you."

Bahagi ng lyrics ng "Lemonade" ay "Like a tall glass of lemonade / When it's burning hot on summer days / She's exactly what I need."

May kanta rin si Cassy kay Darren.

Sabi ni Cassy, "'Safety Net' by Ariana Grande and "When You're Ready' by Shawn Mendes."

Dagdag ni Cassy, pareho raw kasi nilang paborito si Ariana kaya iyon ang pinili niya.

Bahagi ng lyrics ng "Safety Net" ay "Tripping, falling with no safety net / Boy, it must be something that you said / Is it real this time or is it in my head? / Got me tripping, falling with no safety net."

Bahagi ng lyrics ng "When You're Ready" ay "Baby, tell me when you're ready
I'm waitin' / Baby, any time you're ready / I'm waitin.'"

MYSTERY FLOWER SENDER ON VALENTINE'S DAY

Noong February 14, 2020, nagpadala si Darren ng pizza sa pamilya si Legaspi.

Continue reading below ↓

Sinasabing kay Darren din umano galing ang bouquet of sunflowers na ipinost ni Cassy katabi ng cup noodles.

Naugnay iyon ng netizens dahil sa kulitan nina Darren at Cassy sa Twitter tungkol sa pagluluto ng instant cup noodles para sa taong mahal nila.

Watch Cassy Legaspi's answer when asked about Darren Espanto on PEP Exclusives:

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Looks like Darren Espanto and Cassy Legaspi were on a video call when they simultaneously messaged his younger sister Lynelle, who addressed CassRen fans via YouTube comments section. Did you know that Darren and Cassy have dedicated love songs for each other?
PHOTO/S: @darrenespanto / @cassy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results