Matapos ang anim na taong hindi pag-uusap, nagkaayos na ang long-time friends na sina Aiko Melendez at Maricar de Mesa.
Ayon sa ulat ng 24 Oras kagabi, March 3, sa set ng GMA-7 drama anthology na Tadhana natuldukan ang kanilang matinding tampuhan.
Parehong guests sa show ang dalawa.
Kumusta ang una nilang pagkikita matapos ang anim na taong walang kibuan?
Masayang kuwento ni Maricar, "Natural lang. Parang ang dati pa ring siya.
"Sabi niya lang, 'Mare.' Gumanun siya kaagad. 'Tapos kinalabit ko siya kasi nakatalikod siya, e.
"Parang ano lang, ang gaan. Parang ano na nagkaintindihan kami na tapos na, that’s it. Parang, nag-heal lahat."
Hindi naman sinabi sa ulat kung ano ang dahilan kung bakit nagkatampuhan ang dalawa noon.
Sabi naman ni Aiko, "We didn’t have to talk in details about what happened.
"Parang, siguro ganun talaga pag real friendhsip na, wala nang usapan kung ano yung pinagkasamaan niyo ng loob.
"Basta ang importante, maayos kayo, and then you’re there for each other.
"I think, it's God’s way of, you know, patching things up."
"STRONG FRIENDSHIPS WILL NEVER BE BROKEN"
Sa kani-kanilang Instagram accounts, ibinahagi rin nina Aiko at Maricar ang tungkol sa kanilang pagbabati.
Sabi ni Aiko sa kanyang post, kahit nagluluksa pa siya sa pagpanaw ng kanyang stepfather na si Dan Castañeda, malaking tulong daw ang pagkakaroon niya ng bagong proyekto upang makalimutan ang kalungkutan.
Saad niya, "Part of not being depressed is keeping myself busy... It was by fate 'Tadhana' that led me to work with @msmaricardemesa who is a long time family friend.
"Maraming Salamat po to my Kapuso Network and @tadhanagma for guesting me.
"First time to guest in this show and napasabak kami sa matinding drama.
"Ang ganda ng kwento pa. Mapapanuod nyo po ito sa March 6 and 13 :) This is the show hosted by Marian Rivera sana next maka work ko na sya.
"Thank you Lord Jesus for the blessing. @alvtalents"
View this post on Instagram
Sa kanyang Instagram, nag-post din si Maricar ng larawan nila ni Aiko.
Caption niya, "After years of silence, @tadhanagma brought our friendship back. #ingodsperfecttime @aikomelendez"
View this post on Instagram
Nagkomento rito si Aiko.
Saad niya, ang matibay na pagkakaibigan ay hindi kayang tibagin ng hindi pagkakaintindihan. Masaya rin daw siyang nagkaayos na sila.
Sabi ni Aiko, "Miss you mare. God's will and strong friendships will never ever be broken.
"I'm happy that we are ok and pls know this time no more goodbye ah. We will be here for each other no matter what :) love you :)"
Pangako naman ni Maricar, "@aikomelendez will always be here, mare.."

